Watch Now

Baron Geisler, natupad ang hiling na magka-pelikula tulad kay Paolo Contis

by PEP Troika
Oct 6, 2022
Baron Geisler for Doll House
Baron Geisler on landing his lead role on Doll House: "Wala pa yatang dalawang buwan, tinawagan na ako for this film! And then nagulat ang misis ko. Sabi ko, 'See, see, I told you mangyayari. Mangyayari!'"
PHOTO/S: Doll House

JERRY OLEA

Magkasabay na pinanood ni Baron Geisler at asawang si Jamie Marie ang Netflix original film na A Faraway Land, kung saan bida sina Paolo Contis at Yen Santos.

"I’m a good friend, best friend ko si Paolo Contis," lahad ni Baron nitong Oktubre 5, 2022, Miyerkules ng gabi, sa Revolver Studios, Brgy. Pio del Pilar, Makati City.

"Nagustuhan namin yung pelikula. And then my wife you know, ahhh…nakita kong parang na-sad siya kumbaga. She wanted something like that for me.

"And then I said, 'You know what, one day I’m gonna have a film like that and it’s gonna be better than that.'

"And then I called up Paolo. Sabi ko, 'Pao! Ang ganda ng pelikula mo! Pang-Hollywood! I love you! Congratulations!'

"Walang jealousy ito. Punung-puno ng gratitude. Simula nun, dun ako nagkaroon ng revelation na parang ahhh… If you have this authentic appreciation for another actor, for another film, and you want the same na mangyari sa akin—God will give it to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala pa yatang dalawang buwan, tinawagan na ako for this film! And then nagulat ang misis ko.

"Sabi ko, 'See, see, I told you mangyayari. Mangyayari!' And now we’re here talking about our film and Netflix worldwide pa ipalalabas. I’m very, very grateful."

Ang tinutukoy ni Baron na pelikula ay ang Netflix original na Doll House, na streaming umpisa bukas, Oktubre 7, Biyernes. Gumanap siya rito bilang Rustin, ama ng six-year old na si Yumi (Althea Ruedas).

Lumabas din si Althea bilang daughter nina Janine Gutierrez at JC de Vera sa Cinemalaya 2022 film na Bakit Di Mo Sabihin?.

Iyong A Faraway Land ay nag-streaming sa Netflix umpisa Agosto 19, 2021. Syinuting iyon sa Faroe Islands, island country na bahagi ng Kingdom of Denmark.

Ang Doll House ay kinunan ni Direk Marla Ancheta noong late November hanggang December 2021 sa Netherlands.

Si Direk Marla rin ang nagdirek ng pelikulang Finding Agnes, kung saan tampok sina Jelson Bay, Sue Ramirez, at Sandy Andolong. Nagsyuting ang Finding Agnes sa Morocco, at nag-streaming ito sa Netflix umpisa Nobyembre 30, 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Nabuo ang friendship nina Baron at Paolo sa Kapamilya drama series na Tabing Ilog (Marso 1999-Oktubre 2003).

Nominadong best actor si Paolo sa ika-45 na Gawad Urian para sa A Faraway Land. Binansagan si Paolo na Netflix King noong 2020 nang rumatsada sa nasabing platform ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na Through Night and Day (2018), habang nasa Top 5 din ang isa pang movie niya na Pangarap Kong Holdap (2018).

Pang-Urian din kaya ang akting ni Baron sa Doll House? May laban kaya siya sa Netflix King ng Pilipinas? Tugon ng premyadong aktor, "You know what, Paolo and I are different and I never compete with my friends. It’s bad. We have different paths.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He has his strengths. And I have my own din but I’m praying that I get to work with Paolo on a Netflix project. With Direk Marla of course!"

Ano ang reaksyon ni Paolo noong tawagan niya ito?

"Sabi niya, 'Bro, I love youuuuu!!! Huwag kang mag-alala, work tayo soon!'

"And then nung nalaman niya na nandito ako, na may ginagawa na ako sa Netflix, sabi niya, 'Bro, gawa tayo, I wanna work with you.' 'Pero dapat sa Europe, ha?!'

"Sabi niya, 'Kahit mababa ang talent fee, pumayag ka!' 'Sige, sige! Makatrabaho lang kita!'

"Kasi nga, Tabing Ilog pa kami huling nagkatrabaho, e. I’m just really praying na makatrabaho ko sila, sina Jodi, John Lloyd you know, batang ‘90s. Reunion.” Napapag-usapan nila iyon?

"Of course, of course. Ahhh, Kaye Abad lang, nakita ko sa Cebu. Paolo, lagi kong kausap. John Lloyd, nung pandemya, mahaba ang usapan namin," saad ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Jodi na lang, sana magkaroon kami ng love story ni Jodi. Matuloy. Hindi naman selosa ang wife ko!"

NOEL FERRER

Producer mismo ng Doll House ang nag-suggest na si Baron ang kuning bida sa Doll House. Ang pina-audition ay kung sino ang gaganap na daughter niya.

Kuwento ni Direk Marla, "Nung sinabi sa akin ng producer na si Baron ang gaganap na father, wala naman akong ano. Hindi ako nagdalawang-isip kumbaga.

"Sobrang bagay sa kanya yung role. Ang ano ko pa nga noon, iniisip ko, parang baka masyadong malapit kay Baron.

"Pero sige! Mas maganda yun. Mas may hugot!”

Reaksyon ni Baron, "Uhm, not naman sobrang kalapit pero mayroong similarities. So, naka-identify ako sa character ni Rustin.

"And nagamit ko siya sa kuwento, sa character ko, sa mga hugot especially na may anak din akong babae."

Magandang pagsisimula muli ni Baron itong pelikulang ito. May this film Doll House bring back the respect of the viewers sa kanya bilang aktor at bilang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler on landing his lead role on Doll House: "Wala pa yatang dalawang buwan, tinawagan na ako for this film! And then nagulat ang misis ko. Sabi ko, 'See, see, I told you mangyayari. Mangyayari!'"
PHOTO/S: Doll House
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results