GORGY RULA:
Susubukan ang bagong tambalan nina Elmo Magalona, 28, at Vivoree, 22. Pero hindi sa isang teleserye, kundi hosting sa isang bagong channel na mapapanood sa Sky Cable 21, o ang bagong Cable Link 100 at YouTube na PIE Channel.
Ito yung Pinoy Interactive Entertainment Channel o PIE Channel, na ayon sa kanilang press release, "PIE Channel is here to give the traditional TV-viewing experience a digital upgrade.
"PIE, the Philippines’ first multiscreen, real-time interactive TV channel, brings together BEAM, 917Ventures, tradigital entertainment company KROMA, and content creator ABS-CBN."
Nagawan ng paraan ng ABS-CBN na mabigyan ng tuluy-tuloy na trabaho ang kanilang mga artists.
Nabigyan dito ng programa ang mga Kapamilya stars para sa kanilang talk at music shows. Meron din silang kinuhang mga sumikat sa Tiktok at YouTube.
Isa nga sa mga programa nito ay ang Pie Night Long Sessions nina Elmo at Vivoree tuwing weekend ng 9 hanggang 11 ng gabi.
Sa nakaraang mediacon ng PIE Channel, tinanong sina Elmo at Vivoree kung tatanggapin kaya ng fans nila itong bago nilang tambalan bilang hosts.
Ani Elmo, “Masaya nga ako na I got to work with Vivoree kasi before nakasama ko siya sa acting workshops.
“For me naman very supportive yung fans ko and nowadays naman they’re very welcoming naman of any partner na makasama ko. And since we both love music nga ni Vivoree, like we work very easily na.”
Sabi naman ni Vivoree, “Our fans are very supportive of us. With Elmo naman kasi, they know na musically inclined din siya. So, talagang nagwu-work yung tandem namin kasi we both love music nga and very ano naman, supportive talaga sila.”
JERRY OLEA:
Noong Kapuso pa si Elmo ay naka-tandem niya sina Julie Anne San Jose at Janine Gutierrez.
Nang mag-ober da bakod si Elmo ay naka-loveteam niya si Janella Salvador sa ABS-CBN, pero nabuwag din ang kanilang tambalan.
Si Vivoree naman ay naitambal kina Hashtag CK, Marco Gallo, at JC Alcantara. Sa Pinoy BL series na Hello Stranger (2020) ay bida ang tandem nina JC Alcantara at Tony Labrusca, at suporta ang loveteam nina Vivoree at Patrick Quiroz.
Hindi pa man naipalabas ang Hello Stranger The Movie noong Pebrero 2021 ay nabuwag na ang tandem nina Vivoree at Patrick. Lumipad pa-Amerika si Patrick at nag-stay roon nang mahigit isang taon. Sa pagbabalik ni Patrick sa Pilipinas ay sa GMA Network na siya napanood.
Perfect combination ba sina Vivoree at Elmo? Kung anu’t ano man, bagong challenge kay Elmo itong programang Pie Night Long Sessions (PNL) sa PIE Channel.
Ngayon lang daw niya gagawin ang maging TV host, at hindi siya aarte sa isang teleserye.
“This is actually my first venture as a host. Kaya lahat po dito, feeling ko ako ang pinaka-inexperienced,” lahad ni Elmo.
“Pero, I wanted to take on this experience talaga because yun nga para makita yung different side ko naman.
“Ang ganda po ng experience ng PNL sessions because nakakausap ko rin ang iba’t ibang creative minds when it comes to music.”
Take note na sina Aaron Maniego, Karen Bordador, Renee Dominique ang nasa PNL mula Lunes hanggang Biyernes, at sina Elmo at Vivoree ang nasa Sunday sessions.
Ang PIE ang unang multiscreen, real-time interactive TV channel ng bansa, kung saan puwedeng sumali at manalo ng cash prizes ang araw-araw.
Maliban sa Pie Night Long Sessions, nasa PIE Channel din ang hybrid narrative-reality show na The Chosen One: Ang Piliserye ng Bayan, hosted by Melai Cantiveros tuwing Sabado ng 8:00-10:00 p.m.
May bagong shows at PIE jocks din para umapaw ang saya araw-araw. Nariyan sina Gretchen Fullido, Abby Trinidad, Frances Cabatuando, Mayor TV, Tristan Ramirez mula Lunes hanggang Sabado.
Narito ang lineup:
- Sina Madam Inutz, Migs Bustos, at Nicole Cordovez (tuwing linggo) sa BRGY PIESILOG.
- Sina Janine Berdin at Raco Ruiz sa PIEBORITO (Lunes hanggang Linggo)
- Sina Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo mula Lunes hanggang Sabado; habangs ina Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani, at Vivoree kada Linggo sa PIEGALINGAN
- Sina Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan mula Lunes hanggang Sabado; habang sina Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes, at Jackie Gonzaga kada linggo sa PIENALO
NOEL FERRER:
Sa Kapuso network—Elmo and Julie Anne. Sa Kapamilya network—Elmo and Janella.
Ngayon, Elmo and Vivoree sa PIE Channel… at Elmo and Arielle Roces sa NET25.
Saan kaya pinakakakagatin si Elmo? May Elmo kaya sa ALLTV? I doubt.