PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lorna Tolentino backs out from being a finale in U.S. show

Gaano nga ba kaimportante sa isang artista ang mag-finale sa isang show?
by PEP Troika
Published Oct 12, 2022
Masayang binalikan ng talent manager na si Lolit Solis ang kagustuhan ng kanyang alagang si Lorna Tolentino (nasa larawan) na maging finale sa isang show noon sa Amerika. Pero bigla raw itong umatras nang marinig ang susundan niyang performer.
PHOTO/S: Gorgy Rula

JERRY OLEA

Naalala ni Manay Lolit Solis ang alaga niyang si Lorna Tolentino kaugnay sa usapin ng pagpi-finale sa show.

“Sabi niya, ‘Nay, ha?! I-sure mo, ako ang finale.’ Siya nga naman ang star. ‘Sigurado yun. E, ikaw lang naman ang star dito, di ba? Dapat ikaw talaga ang finale,’” kuwento ni Manay Lolit habang dina-dialysis siya sa isang ospital sa Novaliches, Quezon City kahapon, Oktubre 11, 2022, Martes.

Sa Los Angeles, California, USA ang show mahigit dalawang dekada na ang nakalipas. Tampok din sa show sina Rudy Fernandez, Arnell Ignacio, at Jocelyn Enriquez.

Pagpapatuloy ng 75-anyos na talent manager, “Bago mag-finale, eto na, si Jocelyn Enriquez na ambait-bait, kumanta. P*t*ng in*, kumanta ang Jocelyn, halimaw pala.

“Day… nalokah si Lorna. Ang ganda-ganda pala ng boses. ‘Nay, ayoko nang lumabas.’ Kasi, may song number din si p*k*, di ba? Siyempre, ikukumpara yung song. ‘Ayoko nang lumabas. Ayoko na.’

“Tapos sabi talaga ni Jocelyn, ‘No! They really came here just because of you, not because of me.’ Siyempre local nga naman siya dun, di ba? ‘They’re really waiting for you to sing.’ ‘Hindi, I don’t like to sing na. Naku! Naku!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos sabi nga ni Rudy, urot din si Rudy Fernandez, ‘Naku, babes, ha? Huwag mo akong bibigyan kahihiyan, ha?!’

“Eto lang si Arnell, no, si Arnell Ignacio, ‘Naku, hindi! Halika na, kumanta na tayo. Biru-biruin na lang natin, hindi na nila mapapansin yun! Paglaruan na lang natin chu-chu!’

“Diyos ko! Iyan kasi, fina-finale pa, e! Ayan! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Naging aral na iyon kay Lorna, na huwag mag-finale kung lalaylay rin lang ang palabas pagdating sa kanya.

Nakasabay kapagkuwan ni Lorna sa isang show sa Samar ang isang premyadong aktres at isang pasabog na aktres na maharot at game na game.

Si Lorna dapat ang finale pero nagsabi ito sa namamahala ng daloy ng programa, “Huwag mo akong i-finale, ha?!”

Naunang kumanta si Lorna kesa sa pasabog na aktres, at ang naging pam-finale ay ang premyadong aktres na pa-tweetums ang kanta.

NOEL FERRER

Ow, kakaibang take iyun about LT, ha!!!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Meron namang iba na big stars na okay lang ngayon na mauna sa events para tapos na agad, at puwede pang sumegue sa ibang raket o gig.

Sa isang banda… finale man o hindi, ang matatandaan ay hindi yung una o huli kundi kung ano ang tumatak at nagkaroon ng matinding impact!!! (Pero ok rin talaga kung FINALE na, major impact pa!)

GORGY RULA

Bumabalik na tayo sa normal kaya sunud-sunod ang raket ng mga artista sa mga fiesta at mall shows.

Kapansin-pansin lang na sumasabay na rin dito ang mga social media influencers. Dati ay mga sikat na artista at hit na love teams ang bentang-benta sa ganitong mga raket.

Ngayon ay natatalo pa sila minsan ng mga social media influencers gaya nina Jelai Andres, Zeinab Harake, Ate Dick, at marami pa.

Meron pa silang grupo ng fans with matching uniform shirts, may streamers pang dala at walang humpay na tili habang nagpi-perform ang iniidolo nilang celebrity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung hindi kakarerin ang ganitong pa-gimmick, laos ka pag makakasabay mo sila. Kaya pag sumusunod ka sa ganito kalakas na celebrity, lalaylay ang programa.

Meron kasing mga artistang sikat, pero hindi ma-fans, kaya mas magandang alamin mo kung saan ang turf mo. Kung tingin mo tatalunin ka sa tilian ng fans ng celebrity na makakasabay mo, magpauna ka na.

Natutunan iyan ni Lorna Tolentino nung araw na puwede pa siya sa mga personal appearance o mall shows. Pero graduate na siya sa ganyan.

Hindi na siya sumasali sa mga ganung promo activity dahil alam niyang iba na ang panahon ngayon.

Lorna Tolentino na siya! Hindi na niya kailangang makipagsabayan sa mga nagpapa-cute at nakipagbiritan sa mga live shows na ganyan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masayang binalikan ng talent manager na si Lolit Solis ang kagustuhan ng kanyang alagang si Lorna Tolentino (nasa larawan) na maging finale sa isang show noon sa Amerika. Pero bigla raw itong umatras nang marinig ang susundan niyang performer.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results