GORGY RULA
Pinakiusapan kaming walang tanong kay Carla Abellana tungkol sa ex-husband nitong si Tom Rodriguez sa presscon ng Collagen by Watsons sa Mango Tree Café, SM Megamall, ngayong Biyernes, Oktubre 14, 2022.
Read: Tom Rodriguez finally speaks up on split with Carla Abellana; reveals he is already divorced
Bandang huli ay sinabing magbibigay ng exclusive interview si Carla kay Nelson Canlas para sa 24 Oras, ang primetime news program ng GMA-7.
Mabuti at nakasabay kami at kahit paano ay nakasingit ng ilang taong na magiliw namang sinagot ng Kapuso actress.
Mariing itinanggi ni Carla ang balitang merong nanliligaw sa kanyang isang mayamang negosyante.
Sinundan namin ng tanong kung handa na ba siyang ma-in love uli.
Sagot ni Carla, “With a lot of things, yes. Sasagutin ko po yun, pero hindi tao.
"Hindi yung fall in love na romantic… with many things.
"Ang daming puwedeng i-enjoy at gustuhin, ma-in love ka sa mga bagay-bagay. Whether it’s yourself, your family, soap making or ano pa ba?”
Bukod sa abala si Carla sa ipinapatayo niyang bahay, marami raw siyang pinagkakaabalahan kapag wala siyang taping o kahit na anong trabaho.
Nag-e-enjoy raw siya sa soap-making, at sinisimulan na rin niya ang paggawa ng scented candles.
Nagpapasalamat ang aktres na patuloy pa rin ang projects niya sa GMA 7, at ang latest ay may bago siyang product endorsement.
Saad niya, “It’s such a wonderful opportunity. Talagang wow! It’s a wide open door for me,” pahayag ni Carla.
JERRY OLEA
Hindi man tinumbok ang isyung hiwalayan nila ni Tom, pero hindi itinatanggi ni Carla ang mga pinagdaanan niya ngayong taon.
Tanggap daw niyang lahat tayo ay talagang may mga pagdadaanang pagsubok.
“In life naman, we all go through ups and downs talaga. We all have our own problems, our personal issues, problems.
"Part 'yan, e. Wala namang lumalagpas na taon na wala tayong pinagdadaanan, di ba?
“Whether you’re on top, you’re happy, you’re at your best, laging may papasok na challenges. Laging may papasok na problems na unexpected talaga, which is part of God’s will, ganun lang naman yun.
“Hindi 'yan para tapak-tapakan ka, o parusahan ka, but in a way testing na rin. And nasa sa 'yo na how you will overcome, how you will manage. Parang ganun.
“Puwede namang it’s not necessarily something na problem that you should figure out how to fix. Basta kailangan mo siyang ma-experience, parang ganun.
“Nasa sa iyo 'yan, nati-test ang strength mo, di ba? Of course, ang faith mo kay God,” sambit ni Carla.
NOEL FERRER
Para kay Carla, wala pa raw siya sa posisyong magsalita tungkol sa mga babaeng dumaan kagaya ng mga pinagdaanan niya. Hindi raw siya puwedeng magbigay ng ano mang payo.
“Wala pa po ako dun. Parang, I’m not in a position to talk about it, to give advice or anything.
"Pero one day, ganun po, parang mas masasagot ko po yung questions.
“Actually, I wouldn’t say…. hindi ko po alam, e. Basta ako, one day at a time, parang ganun.
"As in, kung ano yung today, yun lang today. Don’t worry about tomorrow.
"Ganun lang. One day at a time lang.
“Hindi ko iniisip kung saan ako pupunta, ano ang gagawin ko bukas, saan ako next week or how I will be next week yung ganun,” lahad ni Carla.
