PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom Rodriguez, Carla Abellana moving on after separation

Tom Rodriguez, nagdadalawang-isip bumalik sa social media.
by PEP Troika
Published Oct 20, 2022
tom rodriguez carla abellana
Habang abala si Tom Rodriguez sa personal appearances at pagkanta sa ilang events sa Amerika, ang estranged wife niyang si Carla Abellana ay nakatutok naman sa ipinapatayo nitong bahay.
PHOTO/S: @akosimangtomas / @carlaangeline on Instagram

GORGY RULA

Sandaling nakatsikahan ng kaibigang Jun Lalin si Tom Rodriguez, na guest sa show ni Ai-Ai delas Alas sa nakaraang Philippine Fashion & Cultural Expo 2022 sa Los Angeles, California.

Read: Ai-Ai delas Alas, natutuwa sa magandang pagtanggap ng mga tao kay Tom Rodriguez

Ayaw pang kumpirmahin ng Kapuso actor ang narinig naming balitang babalik na siya ng bansa sa susunod na taon, dahil may commitment na siyang isang show sa GMA-7.

“I don’t want it to be preempted. Let’s wait and see,” tipid niyang sagot.

Pero nami-miss na raw ni Tom ang pagtatrabaho sa Pilipinas. “

The craft talaga, na-miss ko. The craft collaborating with the work,” pakli niya.

Mabuti at nandiyan ang mga fans niyang hindi pa rin nakalimot at patuloy ang komunikasyon sa kanya.

“Never naman nawala ang mga fans, e,” sabi pa ni Tom.

Nagdadalawang-isip pa raw siyang bumalik sa social media. Pero sinabihan naman daw siya ng kanyang kapatid na dapat ay bumalik na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“After a while you become numb. You don’t bother, especially if you are surrounded by love from the family.

“I admit, I was a bit scared. Sabi ng brother ko, 'You have to rejoin to the world. The world is calling you back.' I’m happy, I’m back,” napapangiti niyang pahayag.

Bago sila nagkahiwalay ni Jun, sinabihan siya ng reporter na nakikita naman daw niyang masaya na ito.

“I’m getting there,” makahulugang sagot ni Tom.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

NOEL FERRER

Habang abala si Tom sa personal appearances at pagkanta sa ilang events sa Amerika, ang estranged wife niyang si Carla Abellana ay nakatutok naman sa ipinapatayo nitong bahay.

Ikinuwento niya sa ito sa nakaraang launch ng bagong endorsement niya na ginanap sa SM Megamall nung nakaraang linggo.

Read: Carla Abellana, itinangging may manliligaw na mayamang negosyante; ready na bang umibig muli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Carla, “We started the construction in March. Okay ang progress, mabilis. We’re hoping na by mid next year, matapos na siya.

“Yun lang. Pero oh my God, grabe ang gastos! Lalo na ang construction materials ang taas ng presyo.

“Pero thankfully, kinakaya naman. Laging may enough funds talaga na set side for the construction for the house. Okay siya. Exciting! Maraming blessings din.

“Ang hirap, hindi ko pa siya ma-picture ngayon kasi cement pa lang siya. Mahirap pa akong i-visualize.

“Of course, yung structure pa lang ang nagagawa, e. Siguro, pag naumpisahan na ang mga fixtures, dun ko na siya ma-imagine. Dun ko na siya ma-appreciate, mapi-picture. I’m sure mas magiging exciting yan.”

Even apart, we hope Carla and Tom will continue to grow as artists.

Kasi, hindi kontrobersiya ang magpapaunlad sa kanya kundi good outputs o magagandang gawa.

Read: Tom Rodriguez and Carla Abellana's love story: a timeline

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Marami nang ibang isyung sumulpot matapos ang paghihiwalay nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Humuhupa na ang silakbo ng kani-kanyang emosyon. Mas nailalagay sa perspektibo ang mga bagay-bagay sa pag-usad ng buhay.

Si Carla, kasama sa cast ng Voltes V: Legacy na magpapayanig sa GMA Telebabad next year. Sana’y may bonggang project ding nakalaan para kay Tom.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang abala si Tom Rodriguez sa personal appearances at pagkanta sa ilang events sa Amerika, ang estranged wife niyang si Carla Abellana ay nakatutok naman sa ipinapatayo nitong bahay.
PHOTO/S: @akosimangtomas / @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results