PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Real-life nurses to star in biopic about founder of PNA

Dr. Carl Balita, magpoprodyus ng pelikula tungkol sa nurses sa Pilipinas.
by PEP Troika
Published Oct 25, 2022
dr. carl balita
Dr. Carl Balita on auditioning real-life nurses for the film about PNA founder Anastacia Giron-Tupas: “Ang gusto ko kasi mangyari dito, magkaroon tayo ng new discoveries of talents from among the nurses After all, this is the tribute to the nurses. So, let the nurses act on different roles.”

GORGY RULA

Nagbabalik sa pagpu-produce ng pelikula ang kilalang educator, broadcaster, at entrepreneur na si Dr. Carl Balita.

Gusto raw niyang bigyan ng pagpupugay ang mga nurse dahil sa ipinagdiriwang ngayong taon ang 100th anniversary ng Philippine Nurses Association (PNA) na in-establish ng nurse na si Anastacia Giron-Tupaz nung taong 1922.

Ayon kay Dr. Balita nang nakapanayam namin sa DZRH noong nakaraang linggo, tama lang na bumuo ng isang pelikula tungkol sa buhay ng mga nurse nung panahon ng giyera, nung inabot din ng pandemya nang nagkaroon ng outbreak ng cholera, hanggang ngayong nasa pandemya muli tayo dala ng COVID-19.

Si Dr. Carl Balita ang nag-produce ng pelikulang Nars (2007) na pinagbidahan ni Jennylyn Mercado, at ang Maestra (2017) ni Angeli Bayani na humakot ng awards sa iba’t ibang international film festival.

Nabuo nila ngayon ang isang movie project na ididirek ni Lem Lorca, na pinamagatang Siglo ng Kalinga.

Ilalahad nito ang kuwento ni Anastacia Giron-Tupas, ang nanguna sa pagtatatag ng Philippine Nurses Association (PNA) noong 1922.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

siglo ng kalinga

Ani Dr. Balita, “Sabi ko, I want to immortalize the celebration by producing this film, yung Siglo ng Kalinga.

“Ang pelikula ay napakagaling na i-immortalize ng istorya at ng mga tao.

“Bagamat wala na po rito si Anastacia Giron-Tupas, pero ang kanyang istorya ay mabubuhay sa pamamagitan nito at siyempre ang istorya mismo na gagawin ay immortal na rin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siya po ang naging dahilan kung bakit naging propesyon ang nursing sa Pilipinas.”

Maituturing na "Florence Nightingale ng Pilipinas" si Tupas, na hindi man daw naging presidente ng PNA ay maraming nabuong lider ng mga nurse.

Si Florence Nightingale ang itinuturing na founder ng modern nursing.

Saad ni Dr. Carl tungkol kay Tupas, “Siya po ang nagtatag ng pagkakaisa sa mga nurses para isulong ang pangangailangan ng nurses bilang propesyonal.

“Kasi nung panahon na yun ay mahirap po ang kalagayan ng nurses. Kasi ang tingin natin ay utusan ng doktor. Pero itinaguyod niya ang pagiging propesyonal, at siya po ay naging dekana.

"Ang nakakatuwa sa kanya, she founded an organization at she never was a president. Yun ang totoong leader, e.

"Gumawa siya ng maraming leaders. Imagine, nagtayo siya ng asosasyon, siya ang founder, pero ayaw niya maging presidente kasi mas gusto niya mag-develop ng new set of leaders na puwera sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

dr. carl balita pna officers

Dr. Carl Balita with PNA officers

JERRY OLEA

Magsisimula raw ang pelikula sa kuwento ng buhay ni Anastacia Giron-Tupas nung 1922, hanggang sa kasalukuyang pandemya kung saan ipapakita ang hirap na pinagdaanan ng mga nurses.

“Ito yung paglabas mo pagkatapos mong panoorin, pagod na pagod ka. Pagod na pagod ka, kasi mararanasan mo yung buhay ng nurse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung ikaw naman ang nurse at napanood mo ito, papangarapin mo na sa susunod mong buhay, nurse ka pa din,” sabi ni Dr. Carl.

Ang hinahanap nilang real-life nurses para lumabas sa pelikula ay edad 20 hanggang 70, at willing sumailalim sa limang araw na acting workshop.

Kabilang pa sa aktibidades kaugnay sa Siglo ng Kalinga ang theme-song writing contest sa kabayanihan ng mga Pilipinong nars, at poster-making contest.

Inaasam ni Dr. Carl na maipalabas sa mga sinehan ang Siglo ng Kalinga sa Abril 2023.

NOEL FERRER

Ang maganda sa movie project na ito, totoong nurse ang kukuning bida at sa iba pang karakter. Magpapa-audition sila sa mga nurse kung sino ang nababagay na gaganap bilang si Anastacia Giron-Tupas.

Ayon kay Dr. Carl, “Ako kasi, magbibigay ako ng spotlight at gagastusan ko na rin lang ang pagpapasikat ng mga tao sa pelikulang ito, sabi ko I’d like to invest in finding a star or stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kagabi, we had been calling for audition for the past two weeks, alam mo kagabi nakilala ko sila magugulat kayo sa iri-reveal namin soon na lineup.

“Ang dami palang artista na nurses, na hindi man sila nakilalang major celebrities, pero mga multi-awarded actors din pala ay mga nurses.

“Kuh Ledesma, nurse 'yan. Rocco Nacino, isang nurse. Si Princess Punzalan. Yung mga ganyan… ultimo si Carol Banawa ay nurse pala ngayon sa Amerika.

“Nakakagulat pero nung nag-audition kami, sabihin ko sa inyo, ikagugulat niyo kung sinong mapipili naming artistang gaganap dito. Talagang stars. May star potential, may star quality.

“Ang gusto ko kasi mangyari dito, magkaroon tayo ng new discoveries of talents from among the nurses.

“After all, this is the tribute to the nurses. So, let the nurses act on different roles.”

Now, at least Sir Carl is back at something he is more familiar with kaysa sa politika. Good luck!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dr. Carl Balita on auditioning real-life nurses for the film about PNA founder Anastacia Giron-Tupas: “Ang gusto ko kasi mangyari dito, magkaroon tayo ng new discoveries of talents from among the nurses After all, this is the tribute to the nurses. So, let the nurses act on different roles.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results