GORGY RULA
Ang ganda at ang saya ng mukha ni Iza Calzado nang sandali namin siyang nakatsikahan sa 70th birthday party ni Tita Annabelle Rama noong Oktubre 26, 2022, Miyerkules, sa Manila Haus sa BGC, Taguig City.
Kinulit-kulit namin si Iza tungkol sa pagbubuntis niya, pero tipid lang ang sagot nito. Basta okay na okay raw siya.
"Everything is good," napangiting pakli ni Iza.
Six months na ang kanyang pagbubuntis, at hindi naman daw nawawala ang hirap nung mga unang buwan ng pagbubuntis niya.
"Every pregnancy has its own set of challenges. Iyon ang natutunan ko from all the mother friends that I have.
"So, basta every day talaga ipinagpi-pray lang natin na healthy, di ba? Healthy si baby, healthy ako. Siyempre healthy din ang asawa ko.
"Sobrang grateful that we spent time with the family," saad ng premyadong aktres.
Hindi lang maidetalye ni Iza kung ano ang plano niya pagkatapos manganak. Pero may mga mababago raw.
"This will be a new kind of change talaga for us," sabi niya sa amin.
"I really think that the blessing came at the perfect time. Ready na ako.
"I mean, 40 na ako. Kailangan ko na raw maging ready sabi ni God. Sabi ni God, 'Umayos ka. Tigilan mo na iyan!'" natatawa niyang pahayag.
JERRY OLEA
Sabi pa ni Iza, alam na nila ng husband niyang si Ben Wintle ang gender ng kanilang panganay. Pero ayaw pa muna niyang i-share.
"Basta human being siya," pabirong sagot ni Iza.
Ang duda namin, girl ang ipinagbubuntis niya dahil lalo siyang gumanda.
Umiiling si Tita Malou Fagar na sinasabing hindi naman daw totoo yun.
"Hindi raw, e," sabi lang ng aktres.
NOEL FERRER
Iba nga ang aura ni Izadora ngayon. She is still in the middle of the airing of her K-Love project with Jake Cuenca in Viu Philippines.
Very regular pa rin ang pagte-take niya ng Conzace for her immunity and beauty care on top of her pre-natal supplements, habang dumarami ang kanyang prospective endorsements dahil sa kanyang bagong estado bilang nanay at homemaker.
Sa December, she is looking forward to that promising cameo part in the Judy Ann Santos special project with Erik Matti.
“Kahit anong role para sa isang buntis, kakayanin basta kasama ni Ninang Juday. Happy set lang yun!" sabi niya.
At pagdating ng February, ayan na, may baby Wintle na sina Izadora at Ben. Kaygandang nilalang kung nagkataon!
