GORGY RULA:
Isang taping day pa lang ang bagong GMA-7 afternoon drama na Magandang Dilag, puring-puri na ni Sandy Andolong ang bida nito na si Herlene Budol.
Natutuwa si Sandy dahil napakagalang daw ng comedienne at beauty queen. Totoong-totoo raw magsalita, at wala raw pretension.
Si Sandy ang gumaganap na ina rito ni Herlene. Mabigat ang pinagdaanan nilang mag-ina sa kuwento. Kaya kailangan talaga nilang mag-bonding para ma-feel ang motherly love na ibibigay ni Sandy para kay Herlene.
Mabuti at nakita naman daw iyun sa unang taping pa lamang nila.
Pero, nasayang lang daw pala ang mga eksenang nakunan sa first taping dahil hindi ito inaprubahan ng mga boss.
Hindi lang sinabi kung ano talaga ang dahilan. Ang narinig lang namin ay hindi nila nagustuhan ang prosthetics na ginamit kay Herlene.
Wala rin kaming ideya kung ano talaga ang kuwento, at bakit kailangang mag-prosthetics. Pero gustung-gusto ni Herlene ang role niya at kaagad nakapalagayan daw niya ng loob ang mga kasamahan niya sa naturang soap.
Natigil lang ang taping nila ngayon dahil kailangan nang maghanda ni Herlene sa laban niya sa Miss Planet International sa Uganda. Pagkatapos ng competition saka iri-resume ang taping, at tuluy-tuloy na raw ito.
- Wilbert Tolentino calls Zeinab Harake "user, bait-baitan, pa-victim"
- Herlene Budol accuses former talent manager of "pocketing" her talent fee worth P1M
NOEL FERRER:
Sana nga ay matuto si Herlene na umarte. At least, may Sandy Andolong na magaling na aktres na puwedeng mag-mentor sa kanya.
Pero sana nga, pangalagaan muna niya ang kanyang imahe. At pati na ang manager niya, huwag munang magpakakontrobersyal para tuluyang pagkatiwalaan si Herlene ng brands at producers.
Buti rin naman may quality control ang GMA at kaya nitong magbasura ng mga naunang taping. Keep it up! Sana, may pagbabago na sa taping pagkatapos ng pangyayaring ito.
JERRY OLEA:
Nananabik ang mga KaBudol, KaSquammy, at KaHiponatics sa mga gawi at paandar ng pinakamamahal nilang Herlene Budol.
Hayan at may 3D billboard na si Herlene, na nagpapasalamat din sa mga KaInutz at KaFreshness.
Abang-abang tayo kung magrereyna ba next year sa lipon ng mga panghapong drama series ang Magandang Dilag.
