PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cosmo Manila King & Queen 2022 winners

Sinu-sino ang mga nanalo sa Cosmo Manila King & Queen 2022?
by PEP Troika
Published Nov 8, 2022
cosmo manila king & queen 2022
Jocy Angel and Morena Carlos were hailed as Cosmo Manila King & Queen 2022 winners at the grand finals held at Skydome in SM North EDSA, Quezon City, last Saturday, November 5.
PHOTO/S: Cosmo Manila

JERRY OLEA

Lumpuhan ang labanan sa Cosmo Manila 2022 bikini open noong Nobyembre 5, 2022, Sabado ng gabi sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.

Itinanghal na Cosmo Manila 2022 King and Queen ang 22-anyos na si Jovy Angel at 24-anyos na si Morena Carlos.

Tig-P200,000 cash prize sila sa nakamit na korona at setro, at may karampatan pang cash prizes sa special awards.

cosmo manila king & queen 2022 winners

First runner-up sina Nash Mendoza at Aya Valdez.

cosmo manila king & queen

Second runner-up sina RJ de Vera at Dimpol Ortega.

cosmo manila king & queen

Third runner-up sina Christian Villarin at Anita Gomez.

cosmo manila king & queen

Fourth runner-up sina Simon Abrenica at Sahara Cruz.

cosmo manila king & queen

Ang mga hurado sa paligsahan ay sina Direk Jeffrey Jeturian, Direk Jay Altarejos, Bb. Joyce Penas Pilarsky, Christian Singson, Joni McNab, Anthony Flores, G. Louie Gamboa, G. Gus Apostol, Angeline Alip, Karlo Vergara, John Minas, Dr. Ramon Ramos, Mannix Carancho, at Aaron Domingo.

Rumampa ang finalists sa apat na segment bago pinili ang walong pareha para sa legit na kabugan.

Sa unang segment, Best in LED Costume sina Simon Abrenica at Morena Carlos.

Silang dalawa rin ang umariba sa pangatlong segment na Runway Bikini by Sonny Mindo.

Sa second segment, Best in Candy Costume sina Jovy Angel at Ver Johansson.

Sa fourth segment na Cosmo Bikini by JPP, umarangkada sina Jovy Angel at Morena Carlos.

Llamado si Morena sa scores ng mga hurado. Wagi siya sa tatlo sa apat na segment.

Tigdalawa ng pinanalunang segment sina Simon at Jovy, kaya akala ko ay sila ang mahigpit na maglalaban sa huling rampahan.

Pasok siyempre sa Top 8 Kings at Top 8 Queens ang mga umangat nang lubos sa apat na segment. Back to zero ang scores ng finalists sa ultimate rampahan.

Nanatiling stand out sa kababaihan si Morena, samantalang nasungkit ni Jovy ang unang puwesto at napunta sa panlima ang himbo na si Simon.

Take note na ang Darling of the Press na sina Nash Mendoza at Sahara Cruz — maging ang runner-up sa kanila na sina RJ de Vera at Anita Gomez — ay pawang kabilang sa Top 5 Cosmo Manila Kings and Queens.

Read: Mga kontesero at kontesera, nagbubunyi sa pagbabalik ng bikini contests

Walang bearing sa scores iyong choices ng press people at vloggers sa mediacon na ginanap noong Oktubre 23 sa Le Reve events place, pero iyong darlings para sa kanila ay nagpakitang-gilas sa grand finals.

Ang winners na best in Halloween costume sa October 31 party na sina Simon Abrenica at Anita Gomez — maging ang personal bet kong Spider-Man at Spider-Woman na sina RJ de Vera at Morena Carlos — pawang nasa Top 5, huh?!

Read: Cosmo Manila contestants, may mas malalim na dahilan sa pagsali sa bikini contests

Ang Mr. & Ms. Photogenic ay pinagbotohan mismo ng bikini handlers, agents, and production staff.

Ang nagwagi ng special award na ito ay sina Simon Abrenica at Ver Johansson. Nasa Top 5!

Runner-up kay Simon sa Mr. Photogenic si RJ de Vera. Pasok pa rin sa palayok!

Ang nakakatuwa pa… ang Ms. Congeniality na ibinoto ng kapwa finalists ay ang winner na si Morena Carlos.

Kung pamilyar sa inyo ang kanyang mukha at katawan, iyon siguro ay dahil first runner-up siya sa Sexy Babe contest ng It’s Showtime.

Ang Mr. Congeniality na si Jiggs Venturero ay hindi pinalad na makasama sa Top 8. Proud Mangyan si Jiggs, na nag-frontal nudity sa isang forthcoming Vivamax project.

Siyanga pala, PAKIUSAP sa vloggers, media people at audience na na-video o nalitratuhan ang pagrampa ng isang Cosmo queen na nag-hello ang nipples dahil sa bigat ng mga pakpak sa third segment kung saan kumakanta si Kris Lawrence… huwag pong i-post sa social media ang nasabing litrato o video clip.

OK lang iyong pa-puwet ng isang Cosmo king sa candy costume. Sinadya niya iyon para makaagaw ng pansin. Ibinilad niya nang lubos ang kanyang wetpaks.

Pero iyong sa Cosmo queen ay wardrobe malfunction, at halatang uncomfortable ito sa pagrampa.

GORGY RULA

Nakapanayam namin si Jovy Angel sa aming DZRH program noong Nobyembre 1, Martes, kung saan nai-share niya ang adhikain niya kaugnay sa mental health.

jovy angel

Kumusta ka na ang Cosmo Manila King 2022?

“Sa ngayon, bumawi po muna ako ng lakas dahil sa mga nakaraang araw ay todo effort ako sa paghahanda sa coronation, puyat, pagot,” kuwento ni Jovy ngayong Nobyembre 8, Martes ng umaga, via Messenger.

“So, kailangan din natin ipahinga yung katawan natin just to make sure hindi tayo magkasakit. But about how I feel right now, it feels really amazing and I feel really blessed unexpectedly having this title na first ever Cosmo Manila King Grand Winner 2022.

“Alam natin na hindi lang ako ang naghahangad na maabot ito. All of the hard work, struggle, and trials na naranasan natin during preparation, nagbunga lahat.

"At siyempre dahil na rin po sa aking handler na si Nay Rona Gamboa na nag-effort po sa akin from the very first day ng Cosmo, Sir Iwa Moto for making my angel costume, Sir Darwin Lianco for my candy wear and rave wear, at sa aking make-up artist na si Warren Rammos who gave me a nice and clean makeup during coronation.

“I always say everything happens for a reason that's why I do believe that it is GOD'S plan and gift and GOD made it more successful by Sir Marc Cubales with his wife Miss Joyce Pena Pilarsky, who gave all the effort, gumastos, nagpagod, and it happens na sobrang ganda and prestige ng kinalabasan ng Cosmo Manila 2022 King and Queen."

cosmo manila king & queen 2022 winners

Pagpapatuloy niya, “They both truly have a good heart — caring and loving. They really treat us not just as models, not just as candidates but a family inside Cosmo with the whole production team, Direk Leklek Tumalad, Mama Edz Galindez, Direk Bembem Espanto, Mama Quinnie Adapon Ison.

“Gusto ko rin pong pasalamatan ang aking pamilya na palaging nakasuporta sa akin sa bawat competition na aking salihan, lalung-lalo na ang aking mga magulang, mga supporters at kaibigan nagpapalakas ng aming loob.

“Hindi mawawala riyan yung mga sponsor sa Cosmo na nag bigay ng mga tulong at services sa bawat candidate ,and to my co-candidates, thank you very much. It is an honor na makasama ko silang rumampa at makalaban sa entablado lalung-lalo na po ang mga kilala nang batikan sa ramapahan, no need to mention isa-isa dahil sigurado akong kilalang-kilala sila and I also salute all of them.

“GOD gave this opportunity to all of us. Kahit anong oras, pwede Niya itong bawiin sa atin kaya kahit ano mang achievement ang ating makamtan, always be humble and pray and dedicate it to Him, stay kind and be a good person, at huwag tayong gagawa ng masama na ikakasira natin.

“Although it makes us sad dahil may mga nakikita tayo na nag-aaway sa social media, I just want to say na let's be kind with each other Hindi po natin kailangang makipag-away dahil sa result. We are all winners in this pageant, remember that an author said this position is temporary, titles are limited but the way we treat people will always be remembered.

“Kaya kung may mga negative man tayong naririnig, always be positive po palagi. Piliin pa rin po natin na maging mabuti at mabait. Don’t worry about bashers. Always remember, we can’t please everbody. We are not in this world to please everyone. But always spread love and kindness with everyone.” Ano ang gagawin niya sa natamong cash prizes?

“To be honest, nakuha ko din po within that day ang P200K cash price and I've already shared some of it sa mga handler and kapwa ko model, and I'm also planning to donate sa foundation then the rest po, for savings and my family,” tugon ni Jovy.

NOEL FERRER

Hangang-hanga ang isang judge ng Cosmo Manila 2022 sa production values ng palabas.

“Ginastusan talaga ni Marc Cubales! Ang galing ng sounds, lighting at effects. Meron pang crane!” sambit ng judge na nakatsikahan ng PEP Troika nitong Nobyembre 7, Lunes ng hapon, sa isang restaurant sa Quezon City.

Nakakapanghinayang lang na lampas anim na oras ang programa. Kaya naman iyong gawin nang tatlo o apat na oras lamang.

At any rate, sa mga litrato ng winners na sina Jovy at Morena ay kita na napapaluha sila sa labis na kagalakan.

Kumusta naman kamo ang Cosmo Manila 2022 Queen?

morena carlos

Mapagkumbabang sagot ni Morena ngayong Tuesday morning via Messenger, “To be honest po, hanggang ngayon di pa rin po ako makapaniwala. Kasi sobrang higpit po talaga ng laban.

“Sobrang saya at laking pasasalamat ko po talaga na sa panahong pinaka-hindi ko po inaasahan, dun pa po ako pinagpalang masungkit ang korona. Kaya hanggang ngayon, para po akong nakalutang sa saya!”

Ano ang gagawin nita sa perang napanalunan?

“Ang grand prize po namin ay P200,000 in cash plus yung ibang awards po. Plano ko po sana, yung iba sa napanalunan ko na gamitin siya para magtayo ng maliit na business,” lahad ni Morena.

“Nasubukan ko na po magtinda o magbenta ng pagkain, damit, make-up at kung anu-ano pa po lalo na po nung kasagsagan ng pandemya, gusto ko po sanang ituloy ulit yung pagbi-business para po umiikot yung perang napanalunan.

“Yung iba naman po ay para sa savings at para po sa pamilya ko, sa mga taong tumulong po sa akin lalong lalo na po sa handler ko na si Mama Phong Estabillo na nagtiwala po sa kakayahan ko at nagsali sa akin sa Cosmo Manila 2022.

“Salamat din po sa mga nag-assist na Team Phong particularly sina Monica Huenda at Sam Red Alcantara, ang make-up artist na si John Erico Tilo assisted by James Verdadero, at costume designer Khandie Segovia assisted by Khiendra Salamanque and Matmat Sicat.

"Salamat po sa inyong lahat. God bless!”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jocy Angel and Morena Carlos were hailed as Cosmo Manila King & Queen 2022 winners at the grand finals held at Skydome in SM North EDSA, Quezon City, last Saturday, November 5.
PHOTO/S: Cosmo Manila
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results