PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Mamasapano" producer answers "premiere night" issue

"Mamasapano," lumabag sa MMFF rule?
by PEP Troika
Published Nov 9, 2022
mamasapano cast
"Mamasapano: It Can Be Told" stars Paolo Gumabo (left), Aljur Abrenica (center), and Edu Manzano (right) with director Lester Dimaranan.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

GORGY RULA

Nagka-COVID si JC de Vera at hindi maka-report sa pagpapatuloy ng shooting ng Mamasapano: Now It Can Be Told, kaya kinuhang replacement niya si Paolo Gumabao.

Read: Paolo Gumabao, na-subpoena dahil sa pagti-TikTok na naka-SAF uniform

"Well, to be honest with you, hindi ko siya nakikita as a replacement," sabi ni Paolo.

Nakapanayam si Paolo sa mediacon noong Nobyembre 7, 2022, Lunes, sa Pandan Asian Café, Sct. Limbaga St., Quezon City.

"Para sa akin, trabaho ito. Binigyan nila ako ng trabaho, and for me, that’s all that matters, replacement man o hindi."

Present si Paolo sa private screening ng Mamasapano: Now It Can Be Told noong Agosto 26, 2022 sa Baguio Country Club, Baguio City.

Ano ang reaksyon niya nang mapanood ang rough cut o unfinished film?

"Siyempre, halu-halo po ang naramdaman ko. Being able to watch the film na pinagtrabahuhan namin, yung kuwento ng mga pamilya, yung mga naapektuhan,” lahad ng Kapamilya hunk actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nandun po sa screening yung mga pamilyang naulila ng SAF… so, halu-halo po ang emosyon. Siyempre tuwa, nandun yung nagalit ka, naaawa ka sa nangyari. Sadness.

"So, mixed emotions talaga after the screening. And isang malaking karangalan din po talaga.

"Kasi, nung napanood ng mga magulang, ng mga naulilang pamilya… may lumapit nga po sa akin, e.

"Sabi sa akin, 'Nasaan yung artista na nag-play as Tabdi?' 'Ah, si Ronnie Liang po? Wala po si Ronnie Liang dito,' sabi ko.

"'Ahh, ako kasi si Mrs. Tabdi. Gusto ko lang magpasalamat sa kanya.' And nakita ko yung mata niya kung gaano siya ka-emotional.

"And hindi ko na rin napigilan, medyo naluha na rin ako."

Maliban kay Paolo, bida sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 official entry na Mamasapano: Now It Can Be Told sina Edu Manzano at Aljur Abrenica.

Nasa cast din nito sina Claudine Barretto, Gerald Santos, Alan Paule, Rey “PJ” Abellana, Jojo Abellana, Ronnie Liang, Myrtle Sarrosa, Ritz Azul, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Jojo Alejar, Jim Pebanco, at Tom Olivar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bahagi rin ng Mamasapano: Now It Can Be Told sina Rico Barrera, Marco Gomez, LA Santos, Marcus Madrigal, Jay Garcia, Rash Flores, AJ Oteyza, Elmo Elarmo, Nathan Cajucom, at Carlos Dala.

JERRY OLEA

Sa Facebook post ng isang kasama sa Mamasapano: Now It Can Be Told na nasa private screening sa Baguio, sinabing "premiere night" daw iyon.

Meron tuloy gustong ireklamo ang Mamasapano movie at ipa-disqualify sa MMFF 2022 sa kadahilanang nag-premiere na raw pala ito.

Base kasi sa rules ng MMFF, ang official entries ay hindi pa dapat nagkaroon ng screening bago ang mismong film festival.

Paglilinaw ng producer na si Atty. Ferdie Topacio, "Unang-una, hindi puwedeng maging premiere night yun. At the time, it was a rough cut, e.

"Ang dami pang kulang na VFX (visual effects). May mga dapat pang tanggalin na hockey lights.

"Yung editing, hindi pa ganun kaganda. Andami pang mali na dapat ayusin. May mga VFX, sound effects nun, wala pa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Number 2, hindi puwedeng maging premiere kasi at the time, walang playdate. Magpi-premiere ka kung may playdate ka na. Unahin mo, di ba? Wala pang playdate!

"Number 3, hindi pa nga nae-enter sa Metro Manila Film Festival.

"Number 4, walang revenue yun, e.

"Number 5, paanong magiging premiere yun, e, sa Baguio Country Club. Hindi naman sinehan yun.

"Number 6, hindi naman open to the public. Ang nanood lang nun, si Mayor Magalong, yung families ng SAF 44, mga artista, mga crew. So, hindi iyan premiere.

"Huwag nilang gagawin sa akin yung ginawa nila kay Erik Matti. Sana huwag. Huwag na sana kaming mag-away. At hindi ako magandang kaaway, actually.

"Baka gawin nila sa Mamasapano yung ginawa nila sa Honor Thy Father. Huwag, please! Ang dami na ngang depekto nung festival, dadagdagan nyo pa?!"

Read: PEP SPECIAL REPORT. 2015 Metro Manila Film Festival issues in brief

N.B. Minabuti ng Ka-Troikang Noel Ferrer, na nagbitiw bilang spokesperson ng MMFF, na huwag magkomento sa usaping ito at hayaan na lang ang pamunuan ng MMFF mismo ang sumagot ng mga pahayag ni Atty Ferdie Topacio, isa sa producers ng Mamasapano: Now It Can Be Told.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mamasapano: It Can Be Told" stars Paolo Gumabo (left), Aljur Abrenica (center), and Edu Manzano (right) with director Lester Dimaranan.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results