PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sean de Guzman on acting alongside Jake Cuenca, Dimples Romana

"Kumbaga, sumabay din tayo sa kanila."
by PEP Troika
Published Nov 10, 2022
sean de guzman acting
Sean de Guzman on controversial soryline of "My Father, Myself": “Yung mga iniiwasan na pag-usapan, nandito. Mapapanood nila. Hindi importante kung sino sa amin ang top at sino ang bottom. Ang importante, maipakita ang message ng istorya, kung ano ang dapat matutunan ng audience sa namamagitan doon sa dalawang karakter.”
PHOTO/S: YouTube / @seandgman_ on Instagram

JERRY OLEA

Takaw-pansin ang kissing scene nina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa trailer ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 official entry na My Father, Myself.

Read: Sean de Guzman at Jake Cuenca bigay na bigay sa kanilang mapangahas na eksena

Sa istorya kasi, si Jake ay foster father ni Sean. Ang biological father ni Sean na ginampanan ni Alan Paule, ex-lover ni Jake. At ang daughter ni Jake na ginampanan ni Tiffany Grey, nabuntis ni Sean.

jake cuenca sean de guzman kissing scene

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Sean, marami pang eksenang kaabang-abang na waley sa trailer na nakakawindang.

“Marami silang aabangan, hindi lang yung kissing scene at love scene, kundi yung pagtalakay sa istorya ng pamilya na puwedeng mangyari kanino man dito sa atin,” sambit ni Sean sa storycon ng pelikulang Sa Kanto ng Langit at Lupa noong Nobyembre 7, 2022, Lunes, sa Iago’s restaurant, Sct. Rallos St., Quezon City.

“Yung mga iniiwasan na pag-usapan, nandito. Mapapanood nila. Hindi importante kung sino sa amin ang top at sino ang bottom.

“Ang importante, maipakita ang message ng istorya, kung ano ang dapat matutunan ng audience sa namamagitan doon sa dalawang karakter.”

Naramdaman ba niya yung pag-ibig o pagnanasa ng isang foster child sa dating mangingibig ng kanyang tunay na ama? Lumukob ba iyon sa kanyang puso at bituka?

Natigilan sandali si Sean, “Base po dun sa istorya, yun po ang kailangan — maging in love.

“Pero kailangan din pong makita sa kabuuan ng pelikula kung si Jake ba talaga ang may interes o yung karakter ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Challenging po yung role na nabigay sa akin. Unang-una, mabibigat at magagaling ang mga kasama kong aktor.

“Siyempre, kinabahan din tayo, of course. At hindi naman natin hinahayaan na magpalamon tayo or magpaiwan. Kumbaga, sumabay din tayo sa kanila.”

Paano nakatulong sa kanya na nakaeksena ang mga beteranong tulad nina Jake at Dimples Romana?

“Si Kuya Jake, alam niyan, nag-usap kami na every time may gagawin kaming eksena, may maa-absorb ka sa kanya,” pagtatapat ni Sean.

“May makukuha ka sa kanya. May mga bagay na hindi niya sinasabi sa iyo pero ipinapakita niya. So, yun ang maa-absorb mo pag katrabaho mo siya, and kay Ate Dimples din.

“More of having fun kami ni Ate Dimples. Kasi, alam na namin yung mga assignments namin. Alam na namin yung gagawin namin.

“And kapag may mga laylay na eksena, guide na lang sa isa’t isa. Tulungan. Yun ang ginagawa namin ni Ate Dimples.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Hindi na bago kay Sean ang makipagharutan sa kapwa aktor.

Nagawa na niya ito sa Lockdown, Anak ng Macho Dancer, Bekis on the Run, pati na sa wala pang playdate na Ang Huling Birheng Bakla sa Balat-Lupa.

Ang mga ito ay pawang idinirek ni Joel Lamangan, na siya ring direktor ng My Father, Myself, Sa Kanto ng Langit at Lupa, at Fall Guy na nagpanalo kay Sean bilang best actor sa dalawang international film festivals.

Read: Direk Joel Lamangan, nagdilang-anghel tungkol sa pagiging best actor ni Sean de Guzman

Take note na isa sa factors kaya pinagkatiwalaan si Sean na magbida sa Anak ng Macho Dancer (2021) ay dahil kamukha niya si Alan Paule na nagbida sa Macho Dancer (1988).

Mag-ama sina Sean at Alan sa Anak ng Macho Dancer, ganun din sa My Father, Myself.

Speaking of father… may daddy issue pa ba si Sean sa amang umabandona sa kanilang pamilya nang ilang taon at recently lang niya nakaharap muli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ni Sean, “Ngayon, wala naman, wala na. Kinalimutan na natin yung mga ganung isyu. Acceptance and forgiveness na lang yung pinapairal natin.”

Read: Sean de Guzman, muling nakita ang amang umabandona sa kanila

NOEL FERRER

Mahuhusay sina Jake Cuenca, Dimples Romana, at Sean de Guzman sa My Father, Myself. At itong si Sean ay bagay na bagay maging anak ni Alan Paule dahil sa pagkakahawig nila.

Nang makausap ko si Direk Joel Lamangan, ang sabi niya’y hango sa tunay na buhay ang kuwento ng My Father, Myself. Pero sana nga, sa huli, mas mas hope at redemption ang mangyari sa totoong buhay natin dahil iba ang konteksto ng panahon nang mangyari ang kuwento ng My Father, Myself.

I am particularly interested on how the audience will take the ending talaga. I’m sure it’ll be talked about, and good iyon na may discussion after watching the film. At least, may natututunan tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Good luck sa pelikulang ito sa MMFF 2022!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sean de Guzman on controversial soryline of "My Father, Myself": “Yung mga iniiwasan na pag-usapan, nandito. Mapapanood nila. Hindi importante kung sino sa amin ang top at sino ang bottom. Ang importante, maipakita ang message ng istorya, kung ano ang dapat matutunan ng audience sa namamagitan doon sa dalawang karakter.”
PHOTO/S: YouTube / @seandgman_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results