PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Piolo Pascual admits sucess has gone into his head

Piolo, naranasang magtrabaho bilang security guard sa Oscars party.
by PEP Troika
Published Nov 10, 2022
Piolo Pascual and Korina Sanchez
Piolo Pascual (right) says in his interview with Korina Sanchez (left): "Living in the States taught me to really value work. Kung wala kang trabaho, wala kang kakainin.
PHOTO/S: Korina Interviews

GORGY RULA

Hanggang ngayon ay pinapanood pa rin sa YouTube ang nag-trending na interview ni Korina Sanchez kay Piolo Pascual para sa Korina Interviews sa NET25.

Kaya ang dami ring na-curious sa susunod na feature ng programa ni Korina. Dinayo pa niya ang El Nido, Palawan para sa opening ng bagong bukas na resort hotel na Isla Amara nina Piolo at Kathryn Bernardo.

Ang bongga ni Korina na napagkasya niya sa halos isang oras na interbyuhan ang buong buhay ni Papa P.

Inilahad ni Piolo ang pag-migrate ng kanyang buong pamilya sa Amerika kung saan nagtrabaho siya bilang clerk sa isang hospital, at naging security guard sa Oscars party para bantayan ang sikat na Hollywood stars.

Sabi ni Piolo, ang laki ng natutunan niya sa Amerika dahil sa murang edad ay nagtatrabaho na siya roon.

"Living in the States taught me to really value work. Kung wala kang trabaho, wala kang kakainin. Unlike here in the Philippines, we’re very family-oriented.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In the States, we’re forced to work even at the young age. So, you would know the value of money. It really taught me, the hard way, how to be able to value yung oras mo.

"You know, when you work, you have to pay your bills. So, good thing also, because it kinda prepared me to showbiz," saad ng Kapamilya actor.

Naibahagi pa ni Piolo ang tungkol sa namayapa niyang ama na isa palang talent caster ng foreign actors sa ilang produksiyon dito sa atin.

Ang ama pala niya ang unang nagpasok sa kanya sa pag-aartista. Nung bata pa siya ay bigla raw siyang ipinasok sa pelikulang Vizconde Massacre, bilang batang kapatid ni Maureen Hultman, nang hindi dumating ang kinuhang talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Napag-usapan ding nakahiligan na rin ni Piolo ang pagpipinta. Hindi raw niya ito ibinebenta.

Lahat na mga paintings ni Piolo ay nakalagay sa Isla Amara.

May 42 rooms ang Isla Amara, at merong Piolo Room at Kathryn Room.

Pagpapayabong ito ng kanyang sining.

Nagteatro na siya, TV, pelikula at musika. Ngayon visual arts naman. How to be you po, Papa P?

JERRY OLEA

Nagpapasalamat si Piolo na pinayagan siya ng kanyang ina na bumalik ng Pilipinas para balikan ang showbiz career niya.

Aminado si Piolo na dumating sa punto ng kanyang napaka-successful showbiz career na hindi naiwasang lumaki ang ulo niya.

Kuwento pa ng Kapamilya actor: "Admittedly, yeah. Na parang feeling ko I deserved this, na this is because of what I’m doing.

"And good thing, I understood that, I realized that early on. Because after all nung mga accolades, after all nung mga victories and successes, I felt empty.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"My saving grace is my family. They never looked at me as celebrity.

"Whenever I’m home, they always make sure that I feel grounded. Puwede pa rin nila akong utusan. And you know, hindi nila pini-feed yung ego ko.

"And also in this business I learned early on na, you know, you don’t bring your work home.

"Pagkatapos ng trabaho, pagkatapos ng camera, you know, your natural self again.

"Sabi ko nga, it’s work for me, e. I think I have a good support system lang."

Siyanga pala, sa darating na Linggo, November 13, 2022, si Small Laude ang makakatsikahan ni Ate Koring sa Korina Interviews ng NET25.

Small Laude and Korina Sanchez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nang kaibigan ni Korina si Small, pero marami pa raw siyang nalaman nang magsimulang mag-vlog ito.

Inamin ni Small na nung siya ay bata pa, pangarap niyang maging donya at magkaroon ng sarili niyang Chedeng.

May paborito siyang yaya sa lahat ng mga lumabas sa kanyang vlogs (sino kaya?).

Hindi raw aprubado ng kanyang buong pamilya ang kanyang vlogging at na-depress ang kanyang mga anak dahil dito.

Pero kinalaunan, sinuportahan na rin siya ng mga anak. At ngayon, mas nirerepesto siya ng kanyang asawa.

"Very personal ang kuwentuhan namin dahil matagal na kaming magkaibigan at para lang kayong nag-e-eavesdrop," sabi ni Ate Koring.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual (right) says in his interview with Korina Sanchez (left): "Living in the States taught me to really value work. Kung wala kang trabaho, wala kang kakainin.
PHOTO/S: Korina Interviews
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results