GORGY RULA
Nailahad na namin dito ang sexperience ng model/escort sa guwapong aktor na mahusay humalik.
Read: Hunk actor, ibinuko ng guwapong model na nag-"service" sa kanya
Memorable din ang karanasan ng model/escort nang kinuha siya ng isa ring kilalang dating hunk actor.
Sabi ni model/escort, iyon na ang first at last niya kay dating hunk actor dahil hindi niya kinaya ang trip nito.
Hindi raw niya kasi ma-take ang pagda-drugs ng dating hunk actor. Pinapasali pa raw siya sa trip nito at kailangang suminghot din siya bago siya mag-"service."
Pababa pa raw ang trip ni dating hunk actor at hindi raw kinaya ni model/escort dahil nakakaloka ang kadakilaan nito. Ayaw na raw talaga niya kahit gusto pa sana nitong kliyente niya na i-book siya uli.
NOEL FERRER
Parang hindi na discreet itong dating hunk actor na ito dahil kung sinu-sino na ang nababalitaan nating nali-link sa kanya. Sayang dahil kung magseseryoso, may ibubuga naman sana siya sa pag-arte.
Sana naman, mahanap na ng dating hunk actor ang kanyang kaligayahan. Kasi, matino naman yung nabalitaan kong na-link sa kanyang magaling na artist.
Hindi pa ba siya kuntento roon? Hanggang kailan siya maglalaro? Lipas na siya dapat doon.
Basta, I really wish him well.
JERRY OLEA
Noon pa man ay mahiwaga na ang mga ngiti ng dating hunk actor. Iyong love affair nila ng magaling na artist ay open secret sa showbiz circles.
Kung mas gusto ng dating hunk actor na makipaglaro sa iba’t ibang model/escort nowadays, huwag na nating basagin ang kanyang trip — lalo na’t wala siyang taong tinatapakan.
