GORGY RULA
Nanginig si Kakai Bautista nang tawagan ni Madam Korina Sanchez para makasama sa TV program na TikTalks.
“Kasi naman, Korina yun, di ba?” sambit ng Dental Diva sa mediacon noong Nobyembre 16, 2022, Miyerkules, sa TV5 Studio sa Reliance St., Mandaluyong City.
“Saka parang naisip ko, ‘Bakit ako? Wow!’ Ganun, tapos parang hindi ako makapaniwala. Kasi nga, di ba, sino ba naman…
“Although naggi-guest na talaga ako sa show ni Madam dati sa kabilang istasyon. So, minsan yung mga mahihirap, pinapagawa sa akin. ‘Kay Kakai na ipagawa iyan!’ Ha! Ha! Ha!
“So, nakilala ko na siya and… nai-starstruck pa rin ako sa kanya every taping. So, hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako kasama siya.
“Of course yung haligi, Miss Pat-P [Daza], di ba, saka si G3 [San Diego], saka si Kuya Alex [Calleja].
“So, hindi ko alam kung ooo ba ako o hindi pero mas ooo ako. Pero… totoo ba ito? Parang ganun, ‘Totoo ba ito?’
“S,o sinabi niya sa akin ang konsepto na magkakaroon tayo ng ganito. Kasi, dumiretso sa akin, e, si Madam.
“At saka isang beses, nagte-taping ako… so, nakababa yung phone diyan. Parang tinatawagan niya ako. E, ang nakalagay, totoong pangalan niya, si Ms. Korina Sanchez.
“So, nalokah yung mga kasama ko sa taping. ‘Bakit tinatawagan ka ni Miss Korina?!’ Nag-aayos akong ganun. Ay, sagutin ko, ‘Hello, Madam.’
“Sabi nila, ‘Ay! Iba!’ Hanggang buong araw kaming nagte-taping, ‘Ay! Iba, tinatawagan ni Ma’am Korina!’ ‘Kalma, kalma, Korina lang iyan…’ Ha! Ha! Ha! Ha! Rubbing elbows kami!
“So, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala… Hanggang ngayon, masayang-masaya pa rin ako at saka grateful ako.”

Kakai Bautista (extreme right) with TikTalk co-hosts (from left) Alex Calleja, G3 San Diego, Korina Sanchez, and Pat-P Daza.
Magpa-pilot ang TikTalks sa Disyembre 3, Sabado ng 8:00 p.m., sa OnePH, na available sa Cignal Channel 1, SatLite Channel 1 at sa Cignal Play app.
May simulcast ito sa TV5 at Radyo Singko 92.3 News FM.
Ang replay ay tuwing Linggo ng 7:00 p.m. sa One News, na available sa Cignal Channel 250 HD at 8 SD, SatLite Channel 60, at Cignal Play app.
“Sana, umabot ng 100 seasons para masaya, di ba?” pakli ni Kakai.
JERRY OLEA
Pagkakakitaan ba ng nag-iisang Dental Diva ang kanyang heartbreaks at mga hugot sa TikTalks? May kirot at kurot pa ba sa kanyang puso?
Read: Kakai Bautista finds her peace amid social media chaos: "Hindi ka talaga puwedeng balat-sibuyas”
Natawa si Kakai, “Wala! Ano na lang kumbaga, para kasing general yung topic, e, about love. Sabi ko nga, itong topic namin, nag-o-open ng mga little topics within the show, the taping.
“So ayun, lumalabas na lang bigla siyempre. Si Madam, nagtatanung-tanong. Nagkukuwento din naman ako.”
May generation gap ba sila ni Madam Korina?
Mabilis na sagot ni Kakai, “Wala, wala. Si Ms. Pat-P din, OK kami. Kasi ano nga, e, hindi din namin alam kung paanong nangyaring magic sa chemistry.
“Hindi kami nao-offend sa isa’t isa, alam mo yun? Masaya yung usapan, ganun.”
Natutuwa nga raw sa kanya si Alex Calleja. Gustung-gusto siya nitong biruin o “bastusin.”
“Kasi sanay naman ako sa ganun, e! Sanay naman kami sa ganung batuhan,” pagmamatuwid ng comedienne.
“Saka ano, maingat din naman kami kapag nagsalita na si Madam, alam mo yun? Siguro nga, may respect din kami sa isa’t isa.
“Pag sobrang masaya, ‘Teka!’ — gaganun na si Madam. Pag sobrang masaya na, yung nakakalimutan na… ‘Hoy, talk show ito! Hindi ito ano!’
“Ganun. So, nababalanse ni Kuya Alex din yung side ng boys, side ng girls, di ba? So, maganda na nandun talaga siya. Parang siya talaga yung gitna namin.”
Ano ang ine-expect sa kanya sa TikTalks? Ano ang pangunahin niyang ambag? Kailangan bang kumanta siya sa programa sa tuwi-tuwina?
“Nire-request kasi ni Madam na kumanta talaga ako, so hindi ko lang alam yung mga copyright ng mga ano natin dito,” sambit ng host-singer-comedienne.
“Ha! Ha! Ha! Ha! Bahala na! Pero siguro kung minsanan lang naman, OK lang naman yun, di ba?
“Hindi ko nga rin alam, bakit ako kinuha ni Madam. Siguro she finds me really ano, ahh opinionated and outspoken.
“Kasi, nung first time niyang tumawag sa akin, parang… nagulat ako. Kasi, before kasi I was with Rated K sa ABS-CBN, di ba? ‘O eto, isalang mo si Kakai diyan!’
“Parang I did three segments, ‘Wala si Madam, ikaw yung gumawa!’ As in… eto lang ang script. Ha?! Ha?! So, nagulat ako.
“Siguro inaasahan na niya rin na nagde-deliver ako kapag isinama niya ako dito sa TikTalks.
“Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, e, ba’t niya ako kukunin, di ba?! Kung wala siyang nakita sa akin na something…
“At saka gusto niya, kumakanta ako. Gusto niya, masaya lang. Siguro yun. Kaya masaya sa TikTalks kasi iba-iba yung dating ng mga opinyon namin dito.”
Siyempre pa, nagkokontrahan sila sa balitaktakan.
“Oo, may mga ganun pero tatawa lang kami. ‘Ayun iyan! Hindi ganyan iyan!’ Hindi kami napipikon sa isa’t isa, kasi napupunta sa tawanan,” bulalas ni Kakai.
So far, sa mga tinalakay nilang paksa, alin ang paborito niya?
Napa-smile si Kakai, “Ang paborito ko, yung sa pulbos. Nakakatawa yun, e. Saka yung iba naming topics about infidelity. Kasi andami kong natutunan kay Ms. Pat-P.”
Di ba, sila ang maraming puwedeng matutunan sa kanyang mga kasawian at karanasan?
Natawa na naman si Kakai, “Ha! Ha! Ha! Ha! Sa relasyon, madami silang natutunan. Andami kong mga chika sa relasyon.
“Pero kasi parang hindi matatapos yung isyu ng mga topic namin dito. Ano siya, e, kumbaga panghabambuhay.
“Timeless nga, sabi ni Madam. So, ang ganda na marinig mo sa iba-ibang point of view. Iba-ibang ganito, na meron pala yun na kaya ganito, e, pinagdaanan niya ito. Kaya ganun ang opinyon niya.
“Kasi makikilala mo rin kami pag sumagot kami sa mga topics, e.”
May panahon na ba siyang mailalaan para sa kanyang love life?
“Wala! Busy ako ngayon! Parang kung meron man, ano man. Pero hindi ako nag-e-entertain masyado. Wow! Andami?!” hirit ni Kakai.
“Hindi. Ngayon kasi, ano… naglabas ako ng bagong single, yung 'Pag-ibig Ko’y Panalo.' Pang-Star Pop.
“So I would like to concentrate siguro half-half ng time ko is to pursue my dream bilang performer, recording artist.
“The song talks about yung mga taong nabigo sa pag-ibig, nabigo sa maraming pagsubok sa buhay, but had the courage and motivation to stand up again and continue their lives.
“Yung message ng song, if you love yourself, you will always win. Panalo ang pag-ibig mo pag mahal mo ang sarili mo.
“Iyon yung sinasabi sa kanta. Na kung magiging matapang ka, if you have the courage to love yourself, you will never lose. Parang ganun.”
NOEL FERRER
Gusto kong mapanood itong TikTalks para tingnan ang dynamics ng hosts na sina Korina, Pat-P, Kakai, G3, at Alex, at kung may maibibigay silang lampas sa common knowledge.
Sa gitna ng ingat ngayon sa social media, sana exactly hindi ingay lang ang dala ng TikTalks kundi laman din. Let’s wait and see!!!
