PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Joel Lamangan, nabiktima rin ng hacker sa Facebook

Mag-ingat sa mga manloloko sa Facebook!
by PEP Troika
Published Nov 23, 2022
joel lamangan in black
Ang direktor na si Joel Lamangan ang latest celebrity na nabiktima ng hacking sa Facebook. Ilang kakilala ng direktor ang nakatanggap ng mensahe na umuutang umano siya ng pera kahit hindi naman.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nag-message sa akin ang isang kaibigang scriptwriter ngayong Nobyembre 23, 2022, Miyerkules ng hapon, via Messenger.

Aniya, “Na-hack yata ang Facebook Messenger ni Direk Joel Lamangan! Nangungutang sa akin hahaha! Imposible!”

Na-hack na before ang FB ng multi-awarded director pero nabawi niya ang kanyang account.

“Oo, kaloka, di naman nagcha-chat sa akin si Direk Joel. Call kung call yun, di ba?” sabi pa ng premyadong scriptwriter.

After a little while, nag-message din sa akin ang undisputed indie publicist of Philippine Cinema.

Ipinadala niya sa akin ang screet shot ng usapan nila na inuutangan siya ni “Direk Joel.”

Agad kong tinext si Direk Joel about this.

Ang kanyang reply, “Na-hack ang Facebook ko! Hindi totoong nangungutang ako. Pls spread the word, hindi ako nangungutang!”

Ang alam namin ay abala these days si Direk Joel sa shooting ng pelikulang Sa Kanto ng Langit at Lupa.

Hopefully ay makatsikahan muli natin si Direk Joel sa presscon bukas ng MMFF 2022 official entry niyang My Father, Myself kung saan bida sina Jake Cuenca, Dimples Romana at Sean de Guzman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Direk Joel Lamangan, tanggap ang mga kritisismo sa trailer ng "My Father, Myself"

NOEL FERRER

Nagiging palasak yata ngayon ang pagha-hack! Ano kaya ang puwedeng gawin diyan ng Meta o FB?

Noong isang araw ay na-hack din ang ating ka-Troikang Gorgy Rula at buti na lang naagapan niya! Presto, may bago siyang FB account!

Nakakaloka rin na as I am reacting to this item, may mga nagse-send ng messages sa akin ang hacker ni Direk Joel…

"HELLO! BUSY KA?" panimula niya. Deadma na lang ako sa pagsagot.

Sa dami ng kaso ng pangha-hack lalo na ngayong Kapaskuhan, ibig lang sabihin nito na mahirap talaga ang buhay.

Ang mga nag-e-FB at nagsasakripisyo na ring consumers ang tinatamaan sa pagtaas ng presyo ng bilihin lalo na yung mga pang-noche buena. Kaya yung iba, wala na bang makitang alternative kundi mang-hack na lang ng accounts? Huwag naman sana.

At sana, may magawa ang DICT or NBI sa ganitong mga sitwasyon bago pa lalong lumala.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Masigasig talaga ngayon ang hackers dahil nga siguro sa magpa-Pasko na. Grabe ang pangha-hack nila dahil naranasan ko ito kamakailan lang.

Sa tingin ko, pati ang email ko ay nabubuksan nila dahil kapag pinapalitan ko ang password ng aking FB account, ilang sandali lang ay naha-hack na naman nila. Kaya nag-decide akong i-deactivate na ang dati kong account at gumawa na lang ng bago.

Nung nakaraang weekend ay merong isang kagalang-galang na FB friend ang nag-message sa akin na hinihingi ang cellphone number ko dahil iti-text daw ang bagong code ng Facebook account niya. Kapag na-text daw sa akin ang code, i-screenshot ko raw at ipadala sa kanya.

Sa tingin ko, iyon ang daan para ma-hack ako. Kaya mag-ingat sa mga ganoong mensahe, at mas mabuting magpalit siguro kayo palagi ng inyong password.

Hindi lang si Direk Joel, kundi pati sina Direk Bobot Mortiz at Zsa Zsa Padilla ay nabiktima rin ng hacker.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Zsa Zsa Padilla devastated after official Facebook fan page was hacked

Read: Dalawang kaibigan ni Edgar Mortiz, nabiktima ng hacker/scammer na aktor

Stressful sa akin dahil ang FB friends ko na inuutangan nung hacker ay kaagad na naniwala na kailangan ko ng pera, kaya kaagad silang nagrespondeng magpapadala sila sa ibinigay na GCash number.

Nakikita ko sa messenger ko na sumasagot itong hacker at ibinibigay na ang GCash number at pangalan na padadalhan ng pera. Kaya pinagtatawagan ko silang huwag maniwala, dahil na-hack na nga ang aking account.

May isa akong FB friend na naawa na sa akin, at baka nga nangangailangan na ako kaya gusto na niyang magpautang. Mukha kasi akong nangangailangan, samantalang hindi kapani-paniwalang mangungutang sina Direk Joel, Zsa Zsa, at Direk Bobot.

Nagpain ang isa kong kaibigan, nagpadala siya ng isang libo sa GCash nung hacker para madaling ma-trace ng Cyber Crime ng NBI. Sinabihan akong pumunta ng NBI para pormal na mag-file ng reklamo sa hacker na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iniimbitahan ko si Direk Joel na sumama sa akin sa NBI para maaksyunan na ito ng Cyber Crime Division.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang direktor na si Joel Lamangan ang latest celebrity na nabiktima ng hacking sa Facebook. Ilang kakilala ng direktor ang nakatanggap ng mensahe na umuutang umano siya ng pera kahit hindi naman.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results