GORGY RULA
Finally, natuloy na ang taping ni Herlene Budol para sa kanyang pagbibidahang teleserye sa GMA-7, ang Magandang Dilag, pagkatapos maantala nang ilang beses.
Bago umalis si Herlene pa-Uganda, nakapag-taping siya ng isang araw pero natapon lang ang mga nakunan doon dahil hindi inaprubahan ang prosthetics na ginawa para sa kanya.
Nakakaintriga kung ano ang ginawa sa mukha ni Herlene, pero isa raw yun sa pambulaga sa drama series na ito kaya bawal kunan ng litrato at i-post ang mga kuha niya sa taping.
Read: Herlene Budol, kumusta ang first taping day para sa Magandang Dilag?
Pagbalik ni Herlene galing Uganda para sa naunsiyaming Miss Planet International 2022, nagpa-schedule na ng taping at handang-handa na ang comedienne-beauty queen na bumalik sa trabaho. Pero dalawang beses itong na-pack up dahil nagkaproblema sa location.
Finally, natuloy na rin ang taping nung Miyerkules, November 30, 2022.
Tuwang-tuwa ang production staff dahil nagkakasundo ang buong cast. Ang nakakatuwa pa raw, kaagad daw nagkasundo si Herlene at si Sandy Andolong, na siyang gumaganap na ina ni Hipon Girl sa naturang serye.
Parang mag-ina na raw ang dating nila. Magaan daw ang loob ni Sandy kay Herlene dahil ang bait daw nito at napaka-humble.
Sabi ni Sandy, parang anak-anakan na raw ang turing niya kay Sanya Lopez nung nagsama sila sa First Yaya at First Lady.
Nadagdag daw sa mga anak-anakan niya si Herlene. Nakikita raw niya kay Herlene na gusto talaga nitong matuto sa pag-arte.
JERRY OLEA
Magandang balita ito para sa mga KaBudol, KaSquammy, at KaHiponatics.
Hopia, asado, at expectorant tayo na maghahasik ng pag-asa at kasaganaan ang Magandang Dilag sa Taon ng Water Rabbit. Hakuna matata!
Abangan natin ang mga paandar at payanig ni Hipon Girl!
NOEL FERRER
Sana talaga ay mag-pay off ang efforts ni Hipon Girl sa bagong teleseryeng ito. Sana rin, mahanap na ni Herlene kung saan siya magmamarka dito sa ating industriya.
Good luck at sana, wala nang distraction sa pagsikat niyang ito tulad ng Miss Planet International o kung anu-ano pang beauty pageant na hindi ka-miss-miss!!!
