GORGY RULA
Magkakaroon na ng sariling talent management arm ang NET25, na tinawag nilang NET25 Star Center.
Isa ito sa binubuo ngayon ng presidente ng NET25 na si Mr. Caesar Vallejos at ng creative consultant ng network na si Ms. Wilma Galvante.
Si Ma'am Wilma ay dating executive ng GMA-7 at TV5.
Ang kinuha nila upang mamuno sa NET25 Star Center ay si Eric Quizon, na mayroon ding show sa NET25, ang Quizon CT.
Pumirma ang actor/director para sa kanyang bagong posisyon sa NET25 Star Center ngayong Lunes, December 5, 2022.
Magsisimula na silang mag-groom ng mga bagong talents. May gagawin din silang isang youth-oriented show na tampok ang mga baguhang artista na ilulunsad nila at magiging exclusive contract ng NET25 na ima-manage ng Star Center.
Pahayag ni Ka Ceasar, “We are happy to have Eric Quizon join the NET25 family. He is our head of the NET25 Star Center.
“This is part of the efforts of NET25 to develop its own talents. Isa po si Eric Quizon naman sa bumubuo ng Quizon CT.
“Quizon CT is really one of the most successful shows. It’s a travel gag show. It’s family-oriented. It’s very wholesome. They really showcase the situational and the formula of their father Sir Dolphy, the king of comedy.
“Kaya ito napakalakas sa ratings, at napakalakas din sa social media. So, with his experience there, and he’s also a great director, I’m sure he will be able to develop talents for NET25.”
Read: Eric Quizon remembers dad Dolphy's huling habilin: "Ayoko ng away-away."
Pursigido silang mapalakas lalo ang NET25 dahil marami pa raw silang ilulunsad na mga bagong programa na sisimulan sa taong 2023, at magagamit ang mga bago nilang talents na ilulunsad at iha-handle ng NET25 Star Center.
Hindi tayo magtataka kung magkakaroon na rin sila ng talent/reality search, kagaya ng StarStruck na binuo noon ni Ma’am Wilma nung nasa GMA-7 pa siya.
JERRY OLEA
Noong 2020 pa natin naulinigang magkakaroon ng sariling talent agency ang NET25, na pangungunahan sana ni Anjo Yllana na main host ng defunct noontime show nilang Happy Time.
Recently ay nabalitaan nating meron nang pa-auditions ang NET25 para sa bagong talents ng network. Siyempre, the more the merrier, lalo pa’t inaasahan nating magpu-full blast na ang ALLTV sa first quarter ng 2023.
Hindi natitinag ang leading network na GMA-7 at kasado na ang mga programa nilang aarangkada sa Year of the Water Rabbit.
Patuloy na nag-e-evolve ang landscape ng local television, kaya abang-abang tayo sa mga susunod na kaganapan.
NOEL FERRER
Tunay kayo — the more the merrier. Pero sana, the more opportunities and platforms.
Ngayon, hindi na lang basta TV ang platform kundi may equally, if not more dominant nang digital.
Sana, magtagumpay ang mga network sa kanilang talent searches. Pero bago iyon, dapat sila-sila muna ay maayos ang kanilang unique selling proposition — yung bang magkakaiba ang naio-offer nila sa publiko.
Sana, this will usher in real growth and productivity na later magkaroon ng bigger purpose!
