GORGY RULA
Maayos ang relasyon ng mag-amang Mark Anthony Fernandez at Grae Fernandez.
Okay sila ng kanyang anak, sabi ni Mark Anthony nang nakapanayam namin sa DZRH nung Miyerkules, Disyembre 7, 2022, para sa promo ng pelikula niyang Pamasahe.
Read: Mark Anthony Fernandez gives love advice to son Grae Fernandez
May komunikasyon daw sila ng kanyang anak na nag-aaral ngayon sa Amerika.
Ayon sa aktor, “Nasa States siya ngayon. Kukuha ng diploma sa New York… four-year course ng acting, theater arts.”
Posibleng plano rin ni Grae na ma-penetrate ang Hollywood, kagaya ni Iñigo Pascual.
Read: Inigo Pascual recounts how he got his big break in Hollywood TV series, Monarch
Sabi ni Mark Anthony, “Gusto niyang mas lumawak yung market niya. Siguro marami siyang idea.
"Hoping siya na maka-jackpot din po sa international market naman po. Siguro ma-discover din doon.
"Pero ang isang point dun, kaya siguro nag-aaral siya sa New York, para makakuha din po ng acting diploma."
NOEL FERRER
Isa si Grae sa promising actors na pagkatapos ng Kapamilta teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin (Agosto 2020-Marso 2021), akala ko ay magpu-full blast na siya sa pag-aartista ka-tandem si Kira Balinger.
Anyare kaya? Bakit hindi natuloy ang paglipat niya sa GMA-7? At ano ang nangyari sa pagitan niya at ng ABS-CBN na unang sumugal sa kanya?
Sana nga ay ma-discover si Grae sa U.S. at matuto pang lalo sa kanyang pag-aaral abroad.
Nasasayangan lang ako sa momentum ng kanyang pagsikat sa local showbiz. Sana makabawi pa!
JERRY OLEA
Mas matangkad na nga raw si Grae kesa kay Mark Anthony.
Ang yummy-yummy ni Grae sa Instagram posts niya. Pang-Hollywood ang kaguwapuhan!
Pinakamapangahas pa ring pagganap ni Mark Anthony iyong sa Scorpio Nights 3 na bida rin sina Christine Bermas at Gold Aceron.
Read: Mark Anthony Fernandez, tunay o peke ang ipinakita sa frontal nudity sa Scorpio Nights 3?
Sa bandang hulihan na ng pelikulang Pamasahe, nagtalik sa shower sina Rod (karakter ni Mark Anthony) at Lineth (Azi Acosta).
Ang paandar ng movie, sabay na nagpa-breastfeed si Lineth kay Rod at sa kanyang baby. Sa kanan si Rod, sa kaliwa ang sanggol.

Ang nakabuntis kay Lineth ay ang kanyang kuya na si Toto (Felix Roco). Umaatikabo ang mga lampungan nila.
Before that ay pinanood ni Lineth ang pakikipagniig ni Toto sa asawa nitong si Shiony (Shiena Yun).
Sunud-sunod na nagpasasa kay Lineth sa barko sina Chief Mercado (Rash Flores), Security Sanchez (AJ Oteyza), Security Caridad (Chadd Solano), at Captain Ramos (Julio Diaz).
Back-to-back na nakalampungan nina Security Caridad at Security Sanchez ang dalawang akyat-barko (Apple Castro at Joanna David).
Ang Pamasahe ay idinirek ni Roman Perez Jr., at nasa cast din nito sina Shirley Fuentes, Erlinda Villalobos, Kyle Fermindoza, at Vino Gonzales.
Mag-i-streaming ang Pamasahe sa Vivamax umpisa ngayong Biyernes, December 9.
Excited si Mark Anthony sa bagong movie niya na idinirek ni Mac Alejandre mula sa panulat ni Ricky Lee, ang Bela Luna.
