PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon solo shows on NET25

Tito, Vic & Joey pinasaya ang mga Pinoy sa Dubai.
by PEP Troika
Published Dec 10, 2022
tito vic & joey dubai
NET25 President Caesar Vallejos on Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon (in photo): "They really are the TVJ that we know, at sila ang masasabing it’s a pride, it’s a great opportunity for NET25 to be able to, you know, bring this TVJ trio in Dubai. Yun lang, makasama mo sila sa isang lugar, napakalaking bagay na yun.”
PHOTO/S: NET25

GORGY RULA

Mapapanood na ngayong Sabado ng 9 p.m., December 10, 2022, ang special ng NET25 na Let’s Net Together Kabayan, ang star-studded show na ginawa nila sa The Agenda, Media City, Dubai nung November 19.

Sobrang tuwa ng mga taga-NET25 dahil dinagsa ng napakaraming kababayan natin ang naturang event, at wala raw kupas sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na may show na rin sa naturang network.

Read: Tito, Vic & Joey 50 years na ang samahan ngayong 2022

Bukod sa kanilang tatlo, kasama rin ang magkakapatid na sina Eric, Epy, at Vandolph Quizon; sina Pia Guanio-Mago, Daiana Menezes, Empoy Marquez, Jenny Quizon, Arielle Roces, Tonipet, Wej, at Emma ng Kada Umaga, at special guest nila si Ruru Madrid.

let's net together

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng presidente ng NET25 na si Mr. Caesar Vallejos, “Napakainit ng pagtanggap ng mga Pilipino sa Let’s Net Together Kabayan sa Dubai. We never expected huge reception.

“Initially, we were thinking because every day we look at ticket sales… for the final week, tumodo na sila. Maybe, ganun siguro tayong mga Pilipino, no? May pagka-last minute."

Matagal din kasing hindi nagsama uli ang sikat na trio (Tito, Vic & Joey) kaya nakikita raw nilang na-enjoy rin ng tatlo na mag-perform sa ating mga kababayan. Naramdaman naming na-miss sila ng mga kababayan natin.

Patuloy ni Ka Caesar, “Sila mismo ay natutuwa din dahil sinisigaw ang pangalan nila. Wala silang kupas.

"They really are the TVJ that we know, at sila ang masasabing it’s a pride, it’s a great opportunity for NET25 to be able to, you know, bring this TVJ trio in Dubai.

“Yun lang, makasama mo sila sa isang lugar, napakalaking bagay na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmamalaki ni Ka Caesar na mabubuo na rin nila ang public affairs program ni dating Senator Tito Sotto na pinamagatang Reality Check. Suportado pa ito ng big boss ng TAPE at Triple A na si Mr. Tony Tuviera.

Kaya mabubuo na nila ang TVJ sa NET25 dahil may Love, Bosleng and Tali si Vic Sotto, at may Oh No It’s B.O. naman si Joey de Leon.

JERRY OLEA

Pinapalakas ng NET25 ang kanilang weekend dahil hindi pa muna sila makakapag-produce ng soap opera na daily mapapanood. Kaya maganda ang programa nila sa Sabado at Linggo.

Sa Linggo, December 11, ay mapapanood na ang one-on-one interview ni Korina Sanchez-Roxas kay Karla Estrada sa Korina Interviews. Hindi natuloy ang airing nito noong nakaraang Linggo kaya nag-replay na muna sila ng episode ni Sylvia Sanchez.

Masaya ang tsikahan nina Korina at Karla sa isang beauty salon, kung saan sinagot ni Karla kung alin ang mas mahalaga sa kanya—ang magandang mukha o magandang katawan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

karla estrada korina sanchez korina interviews

Pero pasabog ang mga pahayag ni Queen Mother tungkol sa kanyang love life.

“Lahat ng babae, nangangarap magsuot ng traje de boda… puwede pa rin naman ako humabol doon.

“Yes, I’m in love,” bulalas ni Karla nang tinanong siya ni Korina tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Sasagutin na rin niya ang tanong ng karamihan kung pinag-uusapan na ba ng KathNiel ang balak na pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Karla Estrada’s boyfriend sees forever in their relationship: “Yun yung nakikita ko.”

May balak pa rin kaya si Karla na pasukin ang pulitika? Sa Kongreso ba o Senado ang target niya sa susunod na eleksyon?

Paano niya hina-handle ang pagkakaiba sa pananaw niya at ng kanyang mga anak sa pulitika?

NOEL FERRER

The more platforms and channels, the merrier! Sana, magtagumpay ang NET25 at kung ano pa ang ibang platform dahil it means work and dynamism in media once again.

Sana nga lang, may kaakibat na online presence ang lahat ng ito. Kasi, that seems to be where media is headed towards.

Para mas marami, mas magagaling, at mas makabuluhang content o panoorin — para ang audience ang panalo!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
NET25 President Caesar Vallejos on Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon (in photo): "They really are the TVJ that we know, at sila ang masasabing it’s a pride, it’s a great opportunity for NET25 to be able to, you know, bring this TVJ trio in Dubai. Yun lang, makasama mo sila sa isang lugar, napakalaking bagay na yun.”
PHOTO/S: NET25
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results