GORGY RULA
“Puwede na” ang masasabi ko sa rating ng "The Haunted Soul" episode ni Bea Alonzo na ipinalabas sa Magpakailanman ng GMA-7 nung Sabado, December 10, 2022. Naka-11.2% ito.
Pero tila mababa ito para sa 20th anniversary celebration ng Kapuso drama anthology na hinu-host ni Mel Tiangco.
Keber na siguro ng mga taong aligaga sa pamimili at ang iba naman ay nag-iisip kung paano nila mapagkakasya ang P500-noche buena na sinasabi ng mga taga-DTI.
Kahit ang pinakahuling episode ng Maalala Mo Kaya (MMK) na nagtapos na nung Sabado ay naka-2.8% lamang.
Narito pa ang ratings ng ibang programa nung araw na yun:
Ang 24 Oras Weekend ay naka-11.7%, at 1.7% ang TV Patrol.
Ang Pepito Manaloto ay 12.5%, at 3.5% ang Everybody Sing.
Ang Running Man naman na malapit nang matapos ay naka-12.6%.
Pagkatapos ng Magpakailanman, ang Daddy’s Gurl naman ay 5.2%, at naka-2.4% ang I Witness.
NOEL FERRER
Ispageting pababa ang TV ratings ngayong Kapaskuhan dahil maraming ibang pinagkakaabalahan ang mga tao. Ibig sabihin, hindi nila priority ang panonood ng TV.
Paano na ang advertisers kung ganoon? Kaya ba ikinakalat na rin nila ang advertising money hindi lang sa TV broadcast kundi sa influencers? Pero sapat na ba yun?
At ang TV5 at NET25, balitang nagsu-subscribe din naman sila sa survey pero hindi pa rin mataas ang traction — pati ang ALLTV.
So, paano na ang TV ngayon? Bakit may mga sikat na artista na hindi na TV ratings ang barometer nila for success? Nag-iba na talaga ang panahon.
JERRY OLEA
Nagsama-sama si Charo Santos-Concio at 31 letter senders na nagbahagi ng kanilang kwento sa MMK Grand Kumustahan noong Disyembre 9, Biyernes ng 6:00 p.m. — bisperas ng huling episode ng MMK.
Ipinalabas iyon sa YouTube channel at Facebook page ng MMK at ABS-CBN, at iWantTFC.
Binalikan ni Charo kasama si Dimples Romana ang ilan sa hindi malilimutang kuwento ng MMK sa nakalipas na 31 taon.
Sa pagbisita ng letter senders, ibinahagi ang kanilang mga karanasan matapos iere ang kanilang life story pati na rin kung paano nakatulong ang MMK sa kanilang buhay.
Inalala rin nina Charo at Dimples ang episodes kung saan nakasama at bumida rin sila.
Ilan sa mga episode na pinag-usapan sa MMK Grand Kumustahan ang MMK classics na "Garapon" na pinagbidahan nina Carlo Aquino at Jaclyn Jose, "Regalo" nina Vilma Santos-Recto at Maja Salvador, "Courageous Catie" nina Shaina Magdayao at JC de Vera, at “Balsa" ni Zanjoe Marudo.
Ano kayang programa ang papalit sa timeslot ng MMK? Mas pag-uusapan kaya iyon kaysa sa outfit nina VP Sara Duterte at Atty. Leni Robredo?
Tampok sina Jeric Gonzales, Gardo Versoza, at Jackie Lou Blanco sa episode ng Magpakailanman sa Sabado night tungkol sa Dancing Bear na nag-viral sa social media?

Bukas, Disyembre 14, ay showing na sa local cinemas ang Avatar: The Way Of Water.
Inaasahan nating susugod ang moviegoers sa mga sinehan simula bukas hanggang weekend, kaya good luck sa TV ratings.
Samantala, heto ang ratings ng mga programa noong Disyembre 11, Linggo:
Ang All-Out Sundays ay naka-5.2%, at 3% ang ASAP Natin ‘To kung saan nagbalik si Sarah Geronimo, at nag-duet sina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.
Ang Amazing Earth ay naka-4.2%, at 3.8% ang FPJ Da King.
Finals ng NCAA nung Linggo ng hapon, at naka-3.8% ito.
Ang 24 Oras Weekend ay 11.7%, at 2.3% ang TV Patrol. Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 11.1%, at 3.3% ang Everybody Sing. Ang Running Man ay 13.3%. Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 15.2%, at ang The Boobay and Tekla Show ay 3.8%.
