PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atom Araullo on bad public transportation system in PH

‘Elitista’ o ‘entitlement’ ba ang paghangad ng mas maayos na public transportation?
by PEP Troika
Published Dec 14, 2022
atom araullo public transportation
Atom Araullo: Matagal nang pasakit ang pag commute sa Metro Manila. Our public transportation system is... bad. Alam ito ng sinumang sumasakay ng tren, bus, jeep, atbp. The problem is so self-evident it doesn't require further elaboration. Marami na ring pagaaral dito. Pero di na rin nakagugulat ang maanghang na reaksyon ng iba sa ibinahagi kong karanasan. May mga allergic ata sa anumang puna sa lagay ng bansa natin."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for Esquire Philippines

JERRY OLEA

Pinag-usapan online ang hinaing ni Atom Araullo sa Twitter noong Disyembre 9, 2022, Biyernes ng 7:20 p.m.

Tweet ni Atom, “Just arrived at the airport from an overseas trip. No coupon taxis, no metered taxis, no Grab. Wala rin tayong mga bus at tren dito.

“Basically kung wala kang sundo, you’re dead. It’s been an hour and counting. This is what a broken transpo system looks like (skull emoji).”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Follow-up tweet niya noong Biyernes ng 8:17 p.m.; “Update: was able to book Grab after a little less than 2 hrs. Setting the pick up location to the departures area (T2) worked. Traffic nalang problema, hehe.

“Wawa yung mga nakapila pa sa taxi though, madalang talaga dating ng mga sasakyan. Salamat sa thoughts and prayers!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maski sa mga umpukan sa showbiz ay napag-usapan ang himutok na iyon ni Atom. Sandamukal ang naka-relate!

Nitong Disyembre 13, Lunes ng 5:13 p.m. ay nag-tweet muli si Atom kaugnay sa nasabing usapin.

Tweet ni Atom, “This tweet inspired a lot of reactions online. Nairaos ko na ang ilang deadlines (woot) so I'll share additional thoughts on an important topic. Ang thread na ito ay pinamagatang: ‘makatarungan ang panghangad ng maayos na public transportation.’ Lezgaw!

“Una, maraming nakarelate. Matagal nang pasakit ang pag commute sa Metro Manila. Our public transportation system is... bad.

“Alam ito ng sinumang sumasakay ng tren, bus, jeep, atbp. The problem is so self-evident it doesn't require further elaboration. Marami na ring pagaaral dito.

“Pero di na rin nakagugulat ang maanghang na reaksyon ng iba sa ibinahagi kong karanasan. May mga allergic ata sa anumang puna sa lagay ng bansa natin.

“Kakatawa nga, malinaw naman na bunga ng ilang dekada ng kapabayaan ang problemang ito. Bakit defensive? Bato-bato sa langit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tugunan natin ang ilang punto. ‘Elitista’ o ‘entitlement’ ba ang paghangad ng mas maayos na public transportation?

“Baliktad ata. Many people have no choice but to commute on a daily basis. A safe, reliable, affordable, and efficient mass transpo system is good for everyone!

“Hindi lahat, may kakayahan magpasundo. And even then, it's ultimately a waste of resources: fuel, time, energy, manpower, money. ‘Diskarte’ is not a feature of good public transportation.

“Ang totoo, patunay nga yan na may problema, ginagawan lang natin ng paraan. Resilient eh.

“Halimbawa, ilan sa mga kasama kong nahirapang sumakay sa airport noon, mga banyagang bisita.

“Paano kung wala silang kakilala sa Maynila? O wala silang internet para magbook ng sasakyan? We need to provide sensible options for everyone, especially if we want to promote tourism.

“True, a spike in demand can overwhelm the best mass transportation systems. But certain surges are predictable, which means solutions are within reach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Christmas comes along every year, and Friday congestion happens, well, every Friday. Kasama sa pinagpa-planuhan yun.

“Siyempre pa, hindi naman palaging ganito ang sitwasyon sa airport. Kung hindi mo pa ito nararanasan, edi mabuti. Happy for you beh, hehe. Excited na rin ako sa mga plano, kagaya ng pangakong tren na may istasyon daw sa paliparan. Sana matuloy.

“Still, this is a now problem, requiring immediate attention. And yes, it's a challenge not just for the airport, but the entire country too.

“A good public transportation system is pro-people, and essential for development. Pointing that out does not make you unpatriotic.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang galing lang na ang isang seemingly simpleng tweet ay mag-resonate sa napakaraming tao.

Nakausap natin ang ibang mga artists at concerned citizens, at pare-pareho silang nagsasabing makatarungan ang paghangad ng maayos na public transportation which we all deserve!!!

Gusto ko ring magpasalamat sa kaibigan natin sa industriya na si Senedy Que na nag-message sa akin noong una pang nag-tweet si Atom.

Sabi ni Senedy, “Na-sad ako sa post ni Atom -- if I only knew he was also at the airport earlier, I would have asked the driver to pick him up too.

“My mom and aunt arrived around 6:45 pm today sa PAL terminal 2. -- they are all here na -- same bldg where Atom and I live.”

Sa huli’t huli, sama-sama tayong nagdadamayan at sama-sama rin tayong nagtatanong at naghahanap ng mabuti at pangmatagalang solusyon sa problemang pambansa tulad ng lang ng sa transportasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ito lang ang kainaman ng social media. Kaagad na naipaparating ang hinaing ng bawat mamamayan.

Ilang pangulo na ba ang nagdaan, ganun pa rin ang problema nating sa transportasyon. Kaya kapag nag-a-abroad ka, makakaramdam ka ng lungkot at pagkainggit dahil ang layo na talaga sa ibang bansa.

Pumunta ka lang ng Bangkok, Thailand, hindi ka man makasakay sa taxi, napakadaling magtren at kaaagad kang makakarating sa hotel na titirhan mo.

Huwag na tayong magtaka pagdating ng bagong presidente, ganun pa rin ang problemang haharapin natin.

Ang isa ngang malimit na nasisilip ko ngayon sa TikTok ang pagkadismaya sa ating National ID. Maghihintay ka ng mahigit isang taon para sa pagdating ng National ID, yun pala ay nasa kapirasong bondpaper at ikaw na lang ang bahalang magpa-laminate.

Ang buong akala ng lahat, yung mukha namang ID o baka tipong magnetic card. Yun pala, nasa bondpaper lang. Ang sabi, temporary lamang daw yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

E, bakit ka hindi agad inisyu pagkatapos mong mag-apply kung temporary lang naman pala?

Pam-bondpaper na ID lang po ba ang kinaya ng budget na inilaan sa inaasam nating National ID?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atom Araullo: Matagal nang pasakit ang pag commute sa Metro Manila. Our public transportation system is... bad. Alam ito ng sinumang sumasakay ng tren, bus, jeep, atbp. The problem is so self-evident it doesn't require further elaboration. Marami na ring pagaaral dito. Pero di na rin nakagugulat ang maanghang na reaksyon ng iba sa ibinahagi kong karanasan. May mga allergic ata sa anumang puna sa lagay ng bansa natin."
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for Esquire Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results