JERRY OLEA
“Balik Saya” ang tema ng 48th Metro Manila Film Festival (Disyembre 25-Enero 7).
“Sana, kasiyahan talaga!” nakangiting sambit ni Boots Anson Roa-Rodrigo sa mediacon at Christmas party for the press ng MMFF 2022 nitong Disyembre 14, Miyerkules ng gabi, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.
Si Tita Boots ang chairperson muli ng Selection Committee ng MMFF. Second consecutive year na iyong iniatang sa kanya.
Matagal nang bahagi si Tita Boots ng MMFF Executive Committee. Isa siya sa mga haligi ng industriya, ika nga.
Pagpapatuloy ni Tita Boots, “Maraming hopes. Kasi, marami naman talagang innovations ang ginawa. We really worked hard on bringing back not only the glory but also the fun and the spirit of the MMFF.
“At nakakatuwa na ang mga cinema owners ay talaga namang nagko-cooperate. Medyo mahirap pa talaga.
“Kasi siyempre, ang mga tao are not back yet to moviegoing habits. Pero the MMFF will parang… restore the spirit, enjoin the moviegoing public dahil yun namang mga pelikula natin, magandang mix, e. Maganda ang mix nila, yung walong pelikula.”
Naniniwala si Tita Boots na ang MMFF ay praktikal at realistic ngayong hindi pa natatapos ang pandemya.
“I don’t think na aambisyunin nito na abutin yung mga inabot noong pre-pandemic years na nag-P1B, or a little over one billion,” pahayag ni Tita Boots.
Kailangan daw tanggapin natin ang katotohanan na hindi pa open ang lahat ng sinehan ng bansa.
“We’re trying to approach normalcy as much as possible. That’s a very tough challenge.”
Maraming moviegoers ang namamahalan sa halaga ng tiket sa sine. Minamabuti ng iba na bumili ng pagkain o ibang pangunahing pangangailangan kesa gumastos sa panonood ng pelikula.
Pagmamatuwid ni Tita Boots, “Hindi mo din naman masisi yung producers at yung theaters. Kasi, matagal silang nawala. They need to recuperate.”
Read: Boots Anson Roa-Rodrigo, di umaasang babalik na ang sigla ng MMFF ngayong 2022
NOEL FERRER
“Kahit kalahati lang,” sabi ni MMDA/MMFF Chair Atty. Romando Artes.
He meant, kahit kalahati lang ng P1B ng naitalang record noon sa pre-pandemic Metro Manila Film Festival. Kakayanin natin iyan kung tayo ay magtutulungan.
Ang laki rin naman ng sakripisyo ng mga tao na gumagawa ng pelikula, pati na ng may-ari ng mga sinehan na natengga nang mahabang panahon, at nang magbukas noong Nobyembre 2021 ay napakatamlay pa rin ang reception ng mga tao.
Sana, ang Parada Ng Mga Bituin na magaganap sa December 21 sa Quezon Avenue, Quezon City, ay magbalik ng interes ng mga tao sa pagpanood ng mga sineng Pinoy sa sinehan.
Hayyyy, pardon our sounding out nang paulit-ulit, nakasalalay sa atin ang pagbabalik-sigla ng pelikula.
Kung tatangkilikin natin ang mga ito sa sinehan kung saan nakasanayan na nating mapanood, everybody happy sana ngayong Pasko!
GORGY RULA
Sinisikap naman daw ng theater owners na maayos ang mga saradong sinehan para magamit pa ng walong pelikulang kalahok.
Sabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes, masaya na sila sa kalahating bilyon, pero ipu-push nilang mahigitan pa ito.
Aniya, “Hindi naman po natin inaasahan na maibalik yung record level nang inabot na mahigit P1B nung 2018. Pero ang ini-expect po natin na, hopefully, makakalahati lamang po tayo siguro sa level na yun ay decent na.
“Pero siyempre po, pipilitin po natin na mas lumagpas pa po dun sa target natin.
“Unang-una, 80 percent pa lang po ng mga sinehan ang open ngayon. At alam naman po natin na ngayon pa lang po bumabangon ang ating ekonomiya.
“So, ang atin pong mga kababayan ay hindi pa po lahat may trabaho. So, masasabi naman po namin na at least, ito po siguro iyung simula ng pagbabalik natin dun sa level na maka-P1B tayo, hopefully a year or two years ng MMFF.”
Kung naka-P22M daw ang first day ng Avatar: The Way of Water noong Disyembre 14, Miyerkules, ibig sabihin ay naglabasan na ang mga tao para pumasok sa sinehan.
Sana, ma-maintain ito hanggang sa darating na MMFF.
