PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boots Anson Roa-Rodrigo not optimistic about MMFF 2022

Boots Anson Roa-Rodrigo, di umaasang babalik ang sigla ng MMFF ngayong taon
by PEP Troika
Published Jul 20, 2022
boots anson roa rodrigo mmff 2022
Boots Anson Roa-Rodrigo on MMFF: "Talagang it’s here to stay and by experience, alam natin na binubuhay nito ang pelikulang Pilipino every time na ginaganap ito.”
PHOTO/S: Instagram / Jerry olea

GORGY RULA

Hindi umaasa si Boots Anson Roa-Rodrigo na babalik na ang dating lakas sa takilya ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Iyan ang tinuran niya sa aming pakikipagpanayam sa kanya sa radio program namin sa DZRH noong Hulyo 19, 2022, Martes ng gabi.

Aniya, “Kung gagawa tayo ng reality check, mahirap talagang maasahan na bumalik yung earnings nung mga nakaraang four years, three years, nung pre-pandemic, kasi ibang-iba ang sitwasyon ngayon.

“Unang-una, hindi naman lahat bukas na mga sinehan.

"Pangalawa, ang mga tao, because of the economic situation ay siguro bago manood ng sine, may ibang prayoridad muna sila sa kabuhayan nila, nabibigyan nila ng importansya, hindi ba?

"By way of spending, by way of cost. Nandiyan pa rin ang pandemic.

"Hopefully by December, wala na talaga, but who knows, baka may iba na namang health issues na naman ulit."

Nagpapasalamat siya sa film producers na sa kabila ng hirap ng buhay at hindi pa talaga nakakabangon ang ating movie industry, nagpu-produce pa rin ng pelikula at interesado pa ring sumali sa MMFF ngayong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nitong mga nakaraang dalawang taon, dahil nga online tayo… last year meron na ring nagbukas na mga sinehan, pero very limited yung numbers ng mga sinehan na bukas, at siyempre ang mga tao ay takot pa din dahil sa COVID.

“Talagang ang kinikita ng MMFF para sa mga beneficiaries nito, talagang bumagsak talaga, and that was expected. Pinaghandaan na yun pati ng mga producers.

“Nakakatuwa lang nga na nitong nakaraang dalawang taon, merong mga producers na nagpasok ng pelikula nila kahit alam nila na hindi mapa-patronize ng kasindami ng mga manonood katulad ng dati.

“Pero dahil nga ang MMFF ay isang tradisyon na… 48 years old na ang MMFF, e, at ito ay nilikha ng isang batas ng Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

"Talagang it’s here to stay and by experience, alam natin na binubuhay nito ang pelikulang Pilipino every time na ginaganap ito,” saad ni Tita Boots.

Si Tita Boots ang chairperson ng Selection Committee ng Metro Manila Film Festival.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagkatapos napili ang apat na script na pasok sa Magic 8 ng MMFF 2022, inaasahan niyang may mga magaganda pang pelikulang sasali sa para sa huling apat na pipiliin nila sa September.

Read: Coco-Jodi, Vice-Ivana, Ian-Heaven, Joey-Toni movies pasok sa MMFF 2022

JERRY OLEA

1975 nag-umpisa ang Metro Manila Film Festival, sa kapanahunan ni Presidente Ferdinand E. Marcos.

Positibo si Tita Boots na susuportahan ng bagong administrasyon ang ating movie industry.

“I think it’s common knowledge na ang pamilya ng Marcos Sr., si Madam Imelda, ang first lady nun at ang mga anak nila, e, meron talagang pagtingin, not only art but in particular in Filipino film industry,” lahad ni Tita Boots.

“Na-prove iyan nung mga nakaraang taon. Pinagpahalagahan talaga nila ang Filipino film industry and it’s been proven in so many ways. Unang-una na nga iyan, ang Filipino film festival, ang MMFF.

“Pagtatag ng MOWELFUND, ang pagtatag ng Film Development Council of the Philippines, and many other agencies na tumutulong sa Film Academy of the Philippines at sa iba pang mga ahensya na tumutulong para mapaunlad ang industriya, o at least mapanatili ang industriya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

At para sa isang senior citizen na dumaan at binuno ang COVID-19, pati na ang pamilya niya, naipatanong natin sa mahal nating Tita Boots kung paano na ang factory at playground, open pa rin ba?

Masayang sagot ni Tita Boots (despite her COVID ordeal), “Ganun pa rin. The factory may be closed. But the playground is wide open. Pero ngayon, the toy is broken.”

So close-open, close-open dahil sa COVID… pero sana, ang mga sinehan, manatili na lang open!!!

Read: Boots Anson Roa-Rodrigo, husband Atty. King Rodrigo test positive for COVID-19

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boots Anson Roa-Rodrigo on MMFF: "Talagang it’s here to stay and by experience, alam natin na binubuhay nito ang pelikulang Pilipino every time na ginaganap ito.”
PHOTO/S: Instagram / Jerry olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results