PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Running Man PH Season 2 to be shot in the Philippines?

ABS-CBN Christmas special, di na gaanong enggrande.
by PEP Troika
Published Dec 19, 2022
running man ph abs-cbn christmas special
(Left) Running Man Philippines runners Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Fernandez, Mikael Daez, Glaiza de Castro, Buboy Villar, and Ruru Madrid; (right) Vice Ganda and Coco Martin in ABS-CBN Christmas Special 2022, "Tayo Ang Ligaya ng Isa't Isa."
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN

GORGY RULA

Noong Linggo, December 18, 2022, ang final episode ng Running Man Philippines, na pinanalunan ni Angel Guardian.

Consistent namang mataas ang rating ng Running Man Ph tuwing Sabado at Linggo, pero nagulat lang kami na hindi gaanong mataas ang final episode nito. Naka-11.3% ito na mababa sa inaasahan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa totoo lang, mula pa noong Biyernes ay hindi gaanong mataas ang rating sa free TV dahil na rin siguro sa aligaga na ang mga tao sa mga Chistmas party sa labas.

Pero maganda ang feedback sa programang ito na franchise ng South Koreang variety program na Running Man. Ang latest na narinig namin, magkakaroon ito ng Season 2 at baka dito na sa Pilipinas gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sila pa rin kayang pitong participants ang maglalaro? Pero malamang ibang grupo na ito.

Ang maganda lang dito sa Running Man Ph, nabuo ang magandang friendship nina Angel, Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Mikael Daez, at Glaiza de Castro.

Nung Linggo nga ay nag-emote na si Angel sa kanyang Instagram post.

Sabi niya, “To my mananakbos, I just wanna say na love na love ko kayo and grateful ako sa inyo — the family that’s been built during the making of RMPH is incomparable. I never thought na magiging ganito kasaya at ka-tight ang samahan natin. Salamat Runners!!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

While I am out of the house watching the Ben&Ben Homecoming Concert, pina-monitor ko talaga sa bahay ang ABS-CBN Christmas Special 2022, ang "Tuloy Ang Ligaya Ng Isa't Isa."

Kasi, may senti iyan sa akin as I was part of the grand productions before.

Okay pa rin naman, pero iba na raw. Yung dating bibihirang pagsasama-sama ng mga artista at staff ay nandun pa rin, pero hindi na kasing-engrande ng dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dati nag-a-Araneta Coliseum pa at nag-o-orchestra. Ngayon, tipid-tipid na.

Tuloy pa rin naman ang Christmas Specials, pero tipid-tipid na. Hindi na rin gaanong pumapalo sa ratings, pero ayun, nakakasenti pa rin…

Nag-iba na nga ang panahon.

JERRY OLEA

Umariba ang Avatar: The Way Of Water sa local cinemas noong Sabado at Linggo. May mga bagong palabas din sa streaming platforms na umaagaw ng pansin ng mga Pinoy televiewers.

Andiyan din ang mga pa-concert, at ang pagliliwaliw sa Star City at nag-reopen na Art In Island, at kung saan-saan pa.

Ratsada rin siyempre ang mga Xmas party last weekend, kaya understandable na bumaba ang TV ratings.

Narito ang rating ng iba pang programa nung Linggo, December 18…

Ang All-Out Sundays ay naka-4.8%, at 2.8% ang ASAP Natin ‘To.

Ang Amazing Earth ay naka-3.6%, at 3.8% ang FPJ Da King. Naka-4.4% naman ang NCAA Finals.

Ang 24 Oras Weekend ay 9.4%, at 2% ang TV Patrol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang PBA Game sa TV5 ay 4.7%, at ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 8.6%.

Pagkatapos ng Running Man, sumunod ang Kapuso Mo Jessica Soho na naka-13.7%, at 4.2% ang The Boobay and Tekla Show kung saan si Herlene Budol ang kanilang special guest.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Running Man Philippines runners Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Fernandez, Mikael Daez, Glaiza de Castro, Buboy Villar, and Ruru Madrid; (right) Vice Ganda and Coco Martin in ABS-CBN Christmas Special 2022, "Tayo Ang Ligaya ng Isa't Isa."
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results