Glaiza de Castro, inaming nagkakapikunan ang Running Man Philippines cast

by PEP Troika
Sep 19, 2022
running man philippines cast
Glaiza de Castro (center) on Running Man Philippines cast members: "Talagang wala kaming maitatagong emotion dito. Totoo talaga ang lahat na ipinakita namin dito. I think masaya rin sa audience na nakikita nila yung ganung side namin na, kumbaga, hindi kami talaga artistang-artista o hindi kami masyado concerned about our image na makaka-relate din sila sa amin."
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Kinagigiliwan na ng mga manonood ang bagong reality show ng GMA-7 na Running Man Philippines.

Pataas na nang pataaas ang ratings nito, at ikinatutuwa ito nang husto ng isa sa mga players nila na si Glaiza de Castro.

Reality show raw talaga ito na nakikita ang totoong sila. Abangan daw sa mga susunod na episodes dahil talagang nagkakapikunan sila dahil lumalabas na ang pagiging competitive nila.

Saad ng Kapuso actress, “May mga times po talaga na nagkakapikunan kami, just because we wanted to ano… kumbaga, we want it to do our best.

“Tapos, after that, okay naman kami. Even until now. Yun nga.

"Naalala ko lang ang sinabi ni Kuya Dondon Sermino before kami umalis ng Korea, ‘O, ano, siyempre 45 days kayo sa Korea, I’m sure may magkakapikunan,' and it happened.

“Nung time na yun, parang aware kami na it was just a part of yung laro. Siyempre, sa lahat naman ng game or mga sports, ganyan, may mga times talaga na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya nga po reality kasi talagang wala kaming maitatagong emotion dito. Totoo talaga ang lahat na ipinakita namin dito.

“I think masaya rin sa audience na nakikita nila yung ganung side namin na, kumbaga, hindi kami talaga artistang-artista o hindi kami masyado concerned about our image na makaka-relate din sila sa amin.”

Nitong nakaraang weekend, naka-14.5% ang Running Man Philippines nung Sabado, September 17, at 15.5% naman nung Linggo, September 18.

NOEL FERRER

Sa afternoon drama ay tumataas lalo ang The Fake Life na nasa panghuling linggo na. Nung nakaraang Biyernes, September 16, ay naka-8.1% ito.

Ang Abot Kamay ang Pangarap ay naka-7.5%, at naka-7.6% naman ang Return To Paradise.

Noong Sabado, September 18, okay rin ang ratings ng ibang programa ng GMA-7. Pero ang Idol Philippines ng Kapamilya Channel na nasa grand finals na ay halos ganun pa rin ang rating.

Ang 24 Oras Weekend ay 9.5%, at 1.9% naman ang TV Patrol Weekend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang Pepito Manaloto na naka-11.7%, at 4.3% ang Idol Philippines.

JERRY OLEA

Maganda rin ang rating ng All-Out Sundays nung Linggo, September 18. Naka-4.7% ito, at 2.4% naman ang ASAP Natin ‘To.

Ang GMA Blockbusters ay 3.8% at 4.5% ang The Wall. Ang FPJ Da King ng A2Z, TV 5 at Kapamilya Channel ay naka-4%.

Ang Regal Studio Presents ay 4.2%, at 6.8% naman ang sumunod ditong Amazing Earth ni Dingdong Dantes.

Pagdating sa primetime ay naka-12.3% ang 24 Oras Weekend, at 2.4% ang TV Patrol Weekend.

Naka-12.1% naman ang Happy ToGetHer, at 4.5% ang finals ng Idol Philippines.

Kahit pinag-usapan online ang finale ng Idol Philippines Season 2, kung saan wagi si Khimo Gumatay, ay hindi pa rin ito umarangkada sa ratings.

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay nangunguna pa rin with 16.2%, at 3.8% naman ang The Boobay and Tekla Show.

Iyong mga programa ng ALLTV — ang bagong Channel 2 — ay hindi pa nararamdaman sa ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit iyong Wowowin ni Willie Revillame na bongga ang mga paandar at papremyo ay hilahod pa.

Sa Setyembre 26, Lunes, ay magpa-pilot na ang unang Kapuso primetime series ni Bea Alonzo, ang Start-Up PH, kung saan katambal niya si Alden Richards.

Mapapanood ito pagkatapos ng Lolong, kaya mauurong ang What We Could Be nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix.

So, makakasalpukan ng Start-Up PH ang 2 Good 2 Be True nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Magkatapat ang kani-kanyang serye ng lead stars ng pelikulang Hello, Love, Goodbye na sina Kathryn at Alden.

Paparating pa lang tayo sa exciting part, 'ika nga!!!

Patuloy ang pamamayagpag ng Kapuso Network, na naghandog sa atin ng magarbong GMA Thanksgiving Ball.

Iyong ABS-CBN Ball na gaganapin sana sa Oktubre 2 ay postponed indefinitely. Ayon sa reliable source ng PEP Troika, malabo itong matuloy ngayong 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro (center) on Running Man Philippines cast members: "Talagang wala kaming maitatagong emotion dito. Totoo talaga ang lahat na ipinakita namin dito. I think masaya rin sa audience na nakikita nila yung ganung side namin na, kumbaga, hindi kami talaga artistang-artista o hindi kami masyado concerned about our image na makaka-relate din sila sa amin."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results