JERRY OLEA
Finally, may kumabog na sa Wednesday sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines today.
Nanguna na ang South Korean fantasy series na Alchemy of Souls, na nasa Part 2 at may bagong episode tuwing Sabado at Linggo ng gabi.
Noong Sunday night ay streaming na ang Episode 24. Bale six episodes na lang ang natitira, at lalong nagiging kapana-panabik ang mga kaganapan!
Pangalawa na lamang ang supernatural mystery comedy horror series na Wednesday, at pumangatlo na agad ang spy adventure series ni Noah Centineo na The Recruit. Sumikat si Noah sa Netflix romcom film na To All The Boys I’ve Loved Before (2018), na may dalawang sequel.
Wala nang Pinoy series sa Top 10 TV shows ng Netflix Philippines.
Ang pito pang nasa talaan ay Money Heist: Korea — Joint Economic Area (4), Spy x Family (5), Sonic Prime (6), Under The Queen’s Umbrella (7), Bluelock (8), Lookism (9), at Harry & Meghan (10).

Sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines, isa na lang ang pelikulang Pilipino, ang Hihintayin Kita Sa Langit na nasa ikasampung puwesto.
Na-surprise ako na ang number 1 ay ang Indonesian action-comedy na The Big 4. Pumangalawa na lamang ang Bullet Train ni Brad Pitt.
Ang iba pang nasa Top 10 Movies ay The H8ful Eight (3), Guillermo del Toro’s Pinocchio (4), Troll (5), Hell Dogs (6), Code Name Tiranga (7), Shooter (8), at The Volcano: Rescue From Whakaari (9).

NOEL FERRER
Bakit nga ba ganoon, Ka-Troikang Jerry? Parang yung dati nating pagsubaybay sa first-day gross sa movie box office ay napalitan na ng Netflix ranking o kahit na anong standing ng streaming service.
Parang the pandemic has really lett an indelible mark sa atin, and everything points to streaming and going digital as the future.
Which makes me ask: paano na ang pelikula? Tapos na ba ang maliligayang araw ng Box Office King and Queen?
Parang nakakalungkot at nakakapanibago talaga.
GORGY RULA
Sa gitna ng pagsuporta natin sa Metro Manila Film Festival (MMFF), pinu-promote din natin ang ganitong streaming platform na siyang pumapatay sa mga sinehan.
Masigasig na rin ang Netflix, Amazon Prime, HBO Go, at iba pang streaming services sa pagkuha ng mga pelikulang ipalalabas nila.
Totoo bang wala pang dalawang buwan ay mapapanood na ang mga pelikulang ipinalabas sa MMFF? Bakit pa tayo gagastos para sa ticket at merienda kung maghintay ka lang sandali, mapapanood mo na sa iyong tahanan?
