GORGY RULA:
Ang buong akala ng karamihan, pinag-usapan na ng mga boss ng GMA-7 at ABS-CBN ang malaking teleseryeng Unbreak My Heart nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, at Joshua Garcia.
Lumabas kasi sa social media ang meeting nina Senior Vice-President ng GMA-7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes kasama si First VP Program Management na si Mr. Joey Abacan kina Charo Santos at Malou Santos na parehong retired top executives ng ABS-CBN.
"Greet lunch meeting," saad sa caption ni Ma'am Annette.
Marami ang naintriga kung ano ang pinag-usapan ng bigating network executives. Ito na nga kaya ang Unbreak My Heart?
READ: Jodi Sta. Maria at Richard Yap, balik-tambalan sa collab project ng ABS-CBN at GMA-7
Hindi raw iyun, sabi ni Ma’am Annette. Iba raw ang pinag-usapan nila.
May kinalaman daw pala ito sa Digiworx ni Ma’am Malou Santos na kinukuha nila Atty. Annette at Joey para tumulong sa social media content ng artists ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7.
Kapag matuloy ang pinag-usapan nila, itong Digiworx ang tutulong sa Sparkle artists na mapalakas ang kanilang social media accounts.
"We hired them to help some Sparkle artists with their socmed content," bahagi ng text ni Ma’am Annette sa PEP Troika.
Nandoon si Ma’am Charo, dahil pinag-uusapan nila ang pelikula nito kay Dingdong Dantes.
Ang Cornerstone Studios at AgostoDos ni Dingdong ang producers nito; pero sabi ni Sir Joey, ini-explore pa raw nila ang posibilidad na makipag-partner o baka bilhin ang TV rights nito. Pina-finalize pa naman nila ito lahat.
Pagdating sa Unbreak My Heart nina Jodi at Richard, wala pa raw silang maibigay na latest development sa naturang project.
"Finalizing contract pa," text uli sa amin ni Ma’am Annette.
Sabi naman sa amin ni Sir Joey, embargo daw muna ang pinag-usapan namin tungkol sa drama series na ito, dahil marami pa raw kailangang ayusin.
Hindi muna siya nag-comment sa binanggit naming ilang artistang kasali sa proyektong ito. Saka na raw kapag final na final na talaga.
Pero sa tingin ko naman, matutuloy na ito, di ba, Ka-Troiks?
NOEL FERRER:
Tingin ko ay tuloy na tuloy na ito dahil kailangang ayusin ang mga papers dahil balitang sa Switzerland pa sila magsu-shoot!!! Bongga!!!
Masaya ako at nagkakatulungan ang mga tao na dati from rival companies. Sa huli’t huli, iisang industriya lang naman talaga tayo!
Sino nga ba ang mag-aangat nito at magdadamayan kundi tayu-tayo rin lang? Magandang balita itong mga collab na ganito!!!
JERRY OLEA:
Pinaghahandaan na ng isang beteranang aktres ang mga isusuot niya para sa taping ng nasabing teleserye collab.
Sa pagkakaalam ng aktres, Pebrero ang taping nila sa Switzerland.
Maganda raw ang visuals para sa local television sa season na iyon. Nakaka-good vibes ang pagsasanib-pwersa ng mga Kapuso at Kapamilya!
- Vhong Navarro posts P1M bail for temporary liberty
- Court ruling shows Deniece Cornejo "inconsistencies" during cross-examination; Vhong Navarro lawyer speaks up
- CA orders Taguig Prosecutors to file rape, acts of lasciviousness charges vs Vhong Navarro
- Bianca Lapus reveals son Yce deeply affected when he visited dad Vhong Navarro at detention facility
- Tanya Bautista, humarap sa korte bago nilipat si Vhong Navarro sa Taguig City Jail
- Kampo ni Deniece Cornejo, umalma sa "trial by publicity" kaugnay ng rape case laban kay Vhong Navarro
