PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BB Gandanghari, nanibago sa pagbabalik-showbiz after seven years

BB Gandanghari, posibleng gumawa ng pelikula o serye sa Viva Films.
by PEP Troika
Published Dec 28, 2022
bb gandanghari mmff 2022
BB Gandanghari: “I’m very, very excited especially seeing my mom again, my brothers and sisters, and all of you sa ganitong… Alam niyo naman, simpleng tao tayo sa Amerika. So, this is like new to me again. So, thank you.”
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Isa si BB Gandanghari sa mga celebrity na pinagkaguluhan sa red carpet ng Gabi ng Parangal ng 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City, Martes, December 27, 2022.

Tuwang-tuwa siya sa dami ng entertainment press at bloggers na nagkagulo para interbyuhin siya. Ang saya raw ng bakasyon niya rito dahil sa nakasama niya ngayong Pasko ang kanyang pamilya.

“I’m very, very excited especially seeing my mom again, my brothers and sisters, and all of you sa ganitong…

"Alam niyo naman, simpleng tao tayo sa Amerika. So, this is like new to me again. So, thank you,” bulalas ni BB.

Nagpapasalamat siya sa mainit na pagtanggap sa kanya, lalo na ang kanyang pamilya.

“Ah, oo! Especially, I think you’ve seen it on my vlog, nagpunta ako ng Binondo. Lumakad ako dun, walang nambastos, not even once.

“So, yun talaga… everyone is very welcoming and loving. So, I can’t really ask for more, yung parang nadarama mo talaga,” pahayag ni BB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: BB Gandanghari returns to PH after 7 years; reunites with mom Eva Cariño, brother Robin Padilla

JERRY OLEA

Hindi pa masabi ni BB kung kailan ang balik niya ng Amerika dahil may mga project daw na inaalok sa kanya dito sa lupang hinirang. Isa na rito ang series o pelikula para sa Viva Films.

Sabi niya, “Merong nine-negotiate. So, hopefully matuloy lahat yun.

"Oo. Meron ding offer na pelikula, hopefully matuloy. But everything is, like, under negotiation.”

Posibleng magdirek siya ng isang pelikula, pero uunahin daw muna niya ang pag-aartista.

“Artista muna tayo. Hindi natin puwedeng pagsabay-sabayin.

"Actually, ang plano ko talaga is bakasyon lang. So, we’ll see," sey pa ni BB.

NOEL FERRER

Salamat kay kapatid na Betchay Vidanes na siyang nagtulay sa amin kay BB sa pagho-host ng MMFF 2022, at kinonek ko sila sa Viva.

Buti na lang, natuloy ang pagko-co-host niya with Giselle Sanchez and Cindy Miranda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

She is after all an interesting personality — at sana makita ni BB ang kanyang purpose at productivity sa kanyang buhay dito man sa Pilipinas o sa US kung saan siya namamalagi.

Her beautiful core should come out. Her stories should be embraced.

Mangyayari lang iyan kung meron, hindi lang interes sa kanya kundi paghanga rin for what she stands for.

It’ll start with BB kung ano ang willing niyang i-share ulit sa ating mga kababayan. Siya ba ang magiging mukha ng modern transwoman?

Aantabayanan natin iyan!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari: “I’m very, very excited especially seeing my mom again, my brothers and sisters, and all of you sa ganitong… Alam niyo naman, simpleng tao tayo sa Amerika. So, this is like new to me again. So, thank you.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results