PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BB Gandanghari returns to the Philippines after 7 years

BB Gandanghari and brother Robin Padilla attend Mutya ng Pilipinas.
by Bernie V. Franco
Published Dec 8, 2022
robin padilla bb gandanghari
Siblings Senator Robin Padilla and BB Gandanghari were spotted together at the Mutya ng Pilipinas grand coronation last Sunday night, December 4, 2022; (Right photo) BB is in the Philippines and immediately went to see her mom Eva Cariño.
PHOTO/S: TikTok (The Philippine Pageantry) / @gandangharibb on Instagram

Namataan ang magkapatid na sina Senator Robin Padilla at BB Gandanghari sa isang national pageant kamakailan.

Sa short video na ipinost ng pageant vlog na The Philippine Pageantry, nakunang sabay na dumating sina BB at Robin sa grand coronation ng Mutya ng Pilipinas 2022 sa San Juan City, noong Linggo, December 4, 2022.

Magkasabay na dumating ang magkapatid, sakay ng isang puting Land Cruiser, at sinalubong ng organizers.

Pareho ring nakaputi ang magkapatid.

Hindi malinaw kung ano ang partisipasyon ng magkapatid sa event, pero mahihinuhang special guests sila sa pageant dahil hindi sila kabilang sa panel of judges.

Robin Padilla BB Gandanghari Mutya ng Pilipinas 2022

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Senyales itong nagkapatawaran at nagkaayos na ang magkapatid matapos ang kanilang naging hidwaan noong 2020.

Matatandaang masasakit na tirada ang mga pinakawalan ni BB laban kay Robin at iba pang kaanak sa pamamagitan ng vlog nito noong 2020.

Read: BB Gandanghari regrets hurtful words to Robin Padilla: “Kung pwede ko lang burahin”

BB ARRIVES IN THE PHILIPPINES

Kamakailan ay nag-post si BB ng video na nasa airport siya.

Caption niya ay "long time coming," na tila nagpapahiwatig na uuwi na siya ng Pilipinas pagkatapos ng maraming taon.

Kasunod niyang ipinost ang video habang sakay sa eroplano. May caption itong “Homebound.”

Nakapaloob din sa video na ito ang mga larawan ni BB kasama ang inang si Eva Cariño—ang isa ay habang nakahiga sila ng ina at ang isa ay habang kumakain sila.

Caption ni BB (published as is): “happiest to see my dearest mama in 7 years. Yes, it was that long ago. How time flies”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inig sabihin, nakarating na sa Pilipinas si BB.

bb gandanghari eva carino

BB APOLOGIZES TO ROBIN IN 2021

Matatandaang nagsunud-sunod ang mga birada ni BB laban kay Robin noong 2020. Idinawit din niya ang misis ni Robin na si Mariel Padilla.

Naglabas din noon ng sama ng loob si BB sa kanyang pamangking si Daniel Padilla.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi rin nagpaawat si BB sa pagresbak sa celebrity at media personalities gaya nina Ai-Ai delas Alas, Ogie Diaz, Lolit Solis, at Cristy Fermin.

Ang mga maaanghang na pahayag ni BB ay may kinalaman sa pagpuna sa kanya ng mga nasabing personalidad sa paglabas ng hinanakit niya sa pamilya.

Nauwi pa ito sa pag-ungkat ni BB ng mga galit niya kina Ai-Ai, Ogie, Lolit, at Cristy sa nakaraan noong siya pa si Rustom Padilla.

Pero binawi lahat ito ni BB at humingi ng patawad sa pamamagitan ng kanyang January 1, 2021 vlog, o halos isang taon na ang nakalilipas.

Sabi ni BB noon: “I wanna apologize, I wanna have that chance na to express better why I reacted that way, or bakit lumabas yung mga words na hindi dapat, because it’s hurtful.

“And then I realized na sometimes honesty is not enough.

“Sometimes no matter how honest the words are, it is better to keep it to yourself.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siblings Senator Robin Padilla and BB Gandanghari were spotted together at the Mutya ng Pilipinas grand coronation last Sunday night, December 4, 2022; (Right photo) BB is in the Philippines and immediately went to see her mom Eva Cariño.
PHOTO/S: TikTok (The Philippine Pageantry) / @gandangharibb on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results