NOEL FERRER
Hindi alintana ang maagang schedule ng 7th birthday party ni Luna Agoncillo nitong Enero 7, 2023, Sabado.
Si Luna ang bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Nagtungo ang mga imbitadong bisita at nagpa-mandatory antigen swab para ligtas ang lahat.
Nagpakabata rin sila sa kaka-games at nagpista sa saganang buffet na inihanda ng team ni Teena Barretto at ng Dreamplay.
Dumalo ang usual suspects, kumpleto ang Agoncillo at Santos families na naging active din sa mga games.
“Ewan ko ba ang mga anak ko, napaka-competitive. E, Notepad lang ang mapapanalunan, ha, kinakarir ang pagpanalo sa games. Nakakatuwa! Ang saya nilang panoorin lahat-lahat,” sabi ni Juday sa PEP Troika.

JERRY OLEA
May Bring Me game at marshmallow eating contest.
Sa Bring Me, talagang masayang-masaya ang mga bata sa kadadala ng mga hinihingi sa kanila.
Sa marshallow eating contest, na-set ng ibang bata ang record na 11 pieces ng marshmallow. Na-break nina Yohan at Lucho ang record by consuming 14 pieces with matching greeting ng “Happy Birthday, Luna!”
At bilang finale, may tissue paper wrapping contest din kung saan lumaban si Juday with Luna, at si Gladys Reyes at ang bunso niyang anak.
OK at game na game ang dalawang celebrity moms, pero ang nagwagi ay ang mother-and-daughter team na hindi galing showbiz.

Ang highlight ng party, maliban sa pag-blow ng cake at ang actual na paglalaro ng unlimited for the whole day ng mga bata (at matatanda) sa Dreamplay, ay ang paglabas ng DreamWorks characters na sina Shrek at Fiona, Kung Fu at Trolls characters.

Ang saya lang talaga!
GORGY RULA
Isa pang nakakatuwa sa party ni Luna ay ang pagkikitang muli ng orig na Mara at Clara, sina Judy Ann Santos at si Gladys Reyes.
Naikuwento ni Gladys noon na halos limang taon silang hindi nagkikita ni Juday. Hindi sila nakakadalo sa kani-kanyang okasyon dahil hindi nagtutugma ang kanilang schedule.
Nag-usap sila ni Juday na dapat ay magkita naman sila nang personal.

“Nung in-invite ako sa birthday ni Juday, ka-birthday naman niya ang bunsong anak ko, si Gavin. Nung 45th birthday ko naman, hindi naman sila nakapunta,” kuwento ni Gladys.
“Kaya almost five years na di kami nagkita. Hindi nagtatama ang schedule namin. Nung birthday ni Yohan, kasabay naman sa birthday ng pangatlong anak ko si Grant.
“Buti na lang this January, sakto wala akong taping at walang kasabay na birthday,” text ni Gladys sa PEP Troika.
Nang makausap daw kayo ni Mommy Carol, Sir Noel, ay hinanap ninyo raw ang trademark ni Gladys na hula hoop.

And sabi ni Gladys, “Kundi niyo binanggit ang hula hoop, mahihiya ako ilabas. Buti nasa entrance lang, naghihintay lang ng lakas ng loob.
“Kahit saan naman, dala ko ang hula hoop, kahit noong nag-Japan ako. Naa-assemble at disassemble naman yun.
"Pero ang request talaga ng marami naming followers ni Juday ay dalawa: mag hula hoop kami at mag-Tiktok.”
At napakasaya lang at naganap iyan ngayon after five years!!!
Dahil diyan sa hula hoop challenge nina Mara at Clara, nadamay sa challenge sina Ciara Sotto at Iya Villana na kasama ang mga anak nila sa party.

Iya Villania, Ciara Sotto, Judy Ann Santos, and Gladys Reyes
Ang highlight, walang pinipili si Gladys, ultimo si Yohan na anak ni Juday, pati na ang mascot, napag-hula hoop niya!
Nangako si Gladys na paglabas ng video niya ng ginawa nila ni Juday ay ise-share niya sa atin sa PEP Troika at marami pa siyang mga side kuwento.
