Gladys Reyes, engrande ang 45th birthday party; naiyak dahil wala ang ama

by PEP Troika
Jun 24, 2022
Gladys Reyes, Christopher Roxas
Gladys Reyes at mister na si Christopher Roxas, may pa-kissing scene sa 45th birthday party ng aktres na nagmistulang debutante sa suot na bonggang gown.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Pretty in pink si Gladys Reyes sa grand entrance niya sa kanyang 45th birthday celebration nitong Hunyo 23, 2022, Huwebes ng gabi, sa isang events place sa Marikina City.

Mistulang debutante siya na bumaba ng staircase, at sinalubong ng asawang si Christopher Roxas para ihatid sa entablado at simulan ang kanyang pa-concert with a live band.

Gladys Reyes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbiro ang celebrator na hindi masyadong happy ang kanyang debut party noon.

"So, ngayon ako bumabawi. Kasi, kelan pa, di ba?! Pag singkuwenta na, pag ano na, di ba?!" maigting na bulalas ni Gladys.

"Tsaka sa isip ko, since bisita lang kayo, wala kayong magagawa!"

Gladys Reyes

Tawanan siyempre ang mga panauhin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na-miss ko kayo! Lahat ng nandito, lahat ng mga inimbita ko na nandito ngayon, miss ko yung face-to-face na kuwentuhan," patuloy ni Gladys.

"Di ba, ang chaka kung sa Zoom, wala! Iba, iba pa rin ang face-to-face! It’s nice to you, good friends, close friends. Siyempre, ang aking mga pamilya, kamag-anak ko po, ang INC TV, ang NET 25.

"Naku, talagang salamat, salamat po! Pinagbigyan ninyo ang trip ko. OK ba? Lakas mag-trip, di ba? Walang pakialaman, birthday ko, e, di ba?

"Itong trip ko, bakit ba?! At saka tingnan niyo naman, ang ganda, di ba?!" sabay winasiwas ang detachable train ng kanyang gown.

Gladys Reyes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Early bird sa pagtitipon ang best friend ni Gladys since 1998 na si Carmi Martin, na nag-alay ng mga awit para sa celebrator.

Tatlong birthday cake ang hinipan ni Gladys ang kandila, kasama ang asawang si Christopher at apat nilang mga anak.

Gladys Reyes

Siyempre, importanteng bahagi ng selebrasyon ang dinner, kaalinsabay ang picture-taking with the birthday girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gladys Reyes and Angelu de Leon

Ang sweet-sweet nina Gladys at Christopher na naghalikan sa stage, huh?! Ang cute ni Gladys sa film clips niya noong child actress pa siya na nakaeksena sina Vilma Santos at Dindo Fernando sa pelikulang Muling Buksan Ang Puso (1985), pati na sina Phillip Salvador, Mark Gil, at Marianne de la Riva sa Afuang: Bounty Hunter (1988).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, may film clip din ng confrontation nila ni Judy Ann Santos sa Mara Clara: The Movie (1996).

Bukod kay Carmi, kabilang pa sa mga celebrity guests ni Gladys sa birthday party niya sina Angelu de Leon, Wowie de Guzman, Patricia Javier, Jeffrey Hidalgo, at Tess Bomb.

Gladys Reyes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatsikahan namin sandali ang butihing ina ni Gladys na si Mommy Zeny. Sabi ni Mommy Z, noong umaga ay dumalaw sila sa puntod ng daddy ni Gladys.

Siyanga pala, kahapon din ang first death anniversary ni Carmelito Reyes, na mas kilala bilang Shalala.

Nagkaroon ng misa para kay Shalala sa isang buffer restaurant na malapit sa Banawe St., Quezon City. Dumalo roon ang kanyang mga kapamilya, kaibigan at fans.

Shalala

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Na-miss ko ito kagabi dahil may kasabay na event, pero nag-message ako kay Gladys na next time mag-concert siya at magpa-sing along, magbo-volunteer na ako kung mala-rockeoke ang concept.

Of course, we miss and love Gladys. Ang gaan at ang saya niya lang kasama. Diretso kausap at sobrang totoo.

With our group kasama sina Juday at Ryan Agoncillo, Gladys and Christopher will always be family!!! Happy Birthday, Chic Chic!!!

GORGY RULA

Doon sa birthday party ni Gladys, bumulong sa akin ang mommy ng aktres na nagkaiyakan daw silang mag-ina dahil first birthday ito ni Gladys na hindi na nila kasama ang namayapa niyang ama.

READ: Gladys Reyes reveals late father Sonyer Reyes was in coma in his last moments

READ: Gladys Reyes mourns death of her father: "I will always be a daddy's girl!"

Sobrang close si Gladys sa papa niya kaya apektado talaga siya. Lalo na’t sa ganitong espesyal na araw ay talagang na-miss niya ang kanyang ama. Kaya hindi na niya napigilang maiyak nang na-interview na siya ng mga kaibigang reporters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naalala ko lang kasi ang papa ko na sana nakikita niya lahat ng ito. Sana, nakita niya na may endorsement na kami buong pamilya, lalo na ang bunso ko.

"Tiyak matutuwa si Papa makita na may sitcom na kaming pamilya at successful ang food business namin. Sana, nakita niya lahat ‘to.

"Tinamaan ako kagabi ng lungkot after ng program," pahayag ni Gladys.

Gladys Reyes with mom Zeny and husband Christopher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapasalamat si Gladys sa Diyos na hindi sila pinababayaan. Bukod sa suporta ng mga close friends sa loob at labas ng showbiz, maganda na rin ang business nila ni Christopher.

Nagiging active na uli ang Sommereux catering niya, pati raw ang kanyang That’s EntertainMeat. At meron pa siyang Pinoy restaurant na Sonyer Restaurant na kinuha niya sa pangalan ng kanyang ama.

Ang saya pa ni Gladys dahil hindi lang siya, kundi buong pamilya ang nag-endorse ng Wow Fiesta Videoke at Protect Plus alcohol.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes at mister na si Christopher Roxas, may pa-kissing scene sa 45th birthday party ng aktres na nagmistulang debutante sa suot na bonggang gown.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results