GORGY RULA
Na-excite ako nang naimbitahang dumalo sa mediacon ng bagong kilig-serye ng GMA-7 na Luv Is: Caught in His Arms, na collaboration ng Kapuso network sa Wattpad Webtoon Studios.
Ginanap ang mediacon sa Studio 7 ng GMA-7 ngayong Miyerkules, January 11, 2023.
Hindi na dumaan pa sa antigen testang mga imbitadong press. Parang balik na talaga sa normal na dating ginagawa tuwing may pa-presscon ang Kapuso network.
Finally, nakabalik kami sa GMA-7 at sa loob ng studio 7 pagkatapos magkahigpitan nang pumutok ang pandemya noong 2020.
Ang saya pa dahil mga guwapo at magagandang bagets ng Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7, ang nakatsikahan namin.
Tampok sa bagong seryeng ito ang magka-love team na Sofia Pablo at Allen Ansay.
Ilulunsad din dito ang mga bagong mukha ng Sparkada under Sparkle ng GMA Artist Center na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Tanya Ramos, Cheska Fausto, at Kirstin Gonzales.

Sa naturang presscon, hindi naiwasang itanong kay Sofia ang isyu nila ni Jillian Ward, na naging co-star niya sa dating Kapuso afternoon drama series na Prima Donnas.
Base kasi sa mga lumabas na ulat, binu-bully umano ni Jillian si Sofia. Pero walang nagkumpirma o nagsalita tungkol dito mula sa magkabilang kampo.
Pag-amin ni Sofia, hindi sila ganun ka-close ni Jillian kaya wala silang regular na komunikasyon.
Saad niya, “Kami po kasi ni Jillian, ever since, hindi po talaga kami yung nagdya-jive, as in.
"Kumbaga, magkaiba po kami ng interes. So, there are issues. Pero wala na po… matagal na po yun.
"So, hindi na rin namin siya napapag-usapan. It’s all in the past.
"So, we’re all happy sa success namin. I’m happy for her kahit na we never got to be the besties."
Dagdag pa ni Sofia. "Pero happy ako kasi isa siya sa artista na nakatulong sa akin na naging tatlo kaming magkakapatid.
“And we know that Jillian is a good star, and I’m really proud of her, even hindi kami ganun ka super-duper close na may issues. I’m proud for the both of us.”
Magsisimula ang Luv Is: Caught in His Arms sa January 16 sa GMA Telebabad, sa dating timeslot ng Start Up Ph.
NOEL FERRER
Sabi ni Sofia, malaki ang pasasalamat niya sa Prima Donnas dahil dito siya nabigyan ng break at nabuo ang magandang friendship sa co-stars niya kagaya nina Althea Ablan at Elijah Alejo.
“Kami naman po, mga Prima Donnas co-stars po, ganun pa rin po pag nagkikita kami, nagbabatian.
“Ayan! With Elijah, kinongrats ko siya kasi sabay kami mag-airing ng Underage.
"Hindi po talaga sila mawala sa puso’t isip ko, kasi iyon yung show na napakita ko po na, ‘Kaya ko ito, mahalin niyo ako guys,' ganun!
“So, yung Prima Donnas po, nasa puso ko na talaga siya, forever and ever.”
Ang Luv Is kaya, magiging forever din sa puso niya?
JERRY OLEA
Naunang inilunsad noon si Jillian Ward.
Pero sa Prima Donnas, si Sofia ang unang binigyan ng break na magbida sa isang primetime show.
Si Jillian naman ay bida ngayon sa afternoon drama series na Abot Kamay Na Pangarap.
“Dun naman po sa ako po yung unang nag-prime time, of course, grateful din po.
"Pero para sa amin din po kasi, ang mahalaga naman po sa amin lahat, kaming apat, including Elijah, lahat kami may trabaho. And lahat naman po ng projects namin is magaganda.
“Merong doktor, merong back-to-back na Arabella, meron namang Underage na classic.
“I’m proud to all of us, kasi after Prima Donnas, nandito kaming lahat na patunayan namin na kaya naming maging next generation stars,” sambit ni Sofia.
Si Althea Ablan ay nasa Arabella at si Elijah Alejo ay nasa Underage.
