PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luv Is: Caught In His Arms at Underage, sasalang na sa ratings game

GMA-7 programs, patuloy ang paghahari sa ratings game.
by PEP Troika
Published Jan 16, 2023
luv is underage gma-7
(Left) Allen Ansay and Sofia Pablo top bill the new primetime series Luv Is: Caught In His Arms; (right) Hailey Mendes, Lexi Gonzales, and Elijah Alejo are launched in the new afternoon drama series Underage.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Interesting ang dalawang programang magsisimula ngayong Lunes, January 16, 2023, sa GMA-7.

Magsisimula ang Underage nina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes na mapapanood pagkatapos ng Unica Hija.

Read: Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Hailey Mendes bida sa Kapuso remake ng Underage

Sa gabi naman ang Luv Is: Caught in His Arms, tampok ang love team nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Read: Sofia Pablo at Allen Ansay, proud sa love team na sila mismo ang bumuo

Malakas ang mga panghapong programa ng GMA-7. Nung nakaraang Biyernes, January 13, ay mataas ang rating ng mga Kapuso afternoon drama.

Pagkatapos ng Eat Bulaga! ay ang Abot Kamay ang Pangarap na naka-9.6%.

Sumunod ang Unica Hija na naka-10.1%, at ang finale episode ng Nakarehas na Puso ay naka-9.6%.

Pagkatapos nito ay ang K-drama na Secretary Kim na naka-4.3% lamang.

Bumalik na rin sa tumataas na rating ang Family Feud na naka-12% nung araw na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinagabihan ay finale episode na rin ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters, at naka-9.2% ito. Mas mataas ito sa finale episode ng Start-Up Ph.

Itong iniwan na timeslot ng Start-Up Ph ang papalitan ng Luv Is: Caught in His Arms ngayong gabi.

Makakatapat nito ang Iron Heart sa A2Z, TV5, Kapamilya, at Jeepney Channel. 5% ang combined ratings nito nung Biyernes.

Nung Sabado, January 14, maganda ang ratings ng primetime programs ng GMA-7, at mas okay yata na binago ang timeslot ng Amazing Earth at Pepito Manaloto dahil tumaas ang ratings ng mga ito.

Pagtapos ng 24 Oras Weekend na naka-12%, sumunod ang Amazing Earth na naka-13.1%, at ang Pepito Manaloto ay naka-14.6%.

Ang katapat ng Pepito Manaloto na Everybody Sing ay naka-4.9%.

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng GMA Network ngayong 2023. Maganda ang lineup ng mga bago nilang palabas, at pinakaaabangan ang Voltes V: Legacy.

Kumpara sa mga ihahain ng kakumpitensiya, hindi pa rin matitinag ang Kapuso Network ngayong taon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“We try our best,” nakangiting sambit ni Ma’am Lilybeth G. Rasonable, SVP for Entertainment Group ng GMA-7, nitong Enero 14, Sabado, sa GMA Network.

Inamin din ni Ma’am Lilybeth na full blast ang development sa expansion ng GMA upang mapalakas ang signal nito nationwide. Makakaagapay kaya rito ang TV5, NET25, ALLTV, A2Z, at iba pang local TV stations?

At any rate, nitong Enero 15, Linggo, na ipinalabas ang 71st Miss Universe, naka-4.9% ang All Out Sundays, kumpara sa 3.3% ng ASAP Natin ‘To.

Ang GMA Blockbusters ay naka-3.3%, kumpara sa FPJ Da King na naka-3.6%.

Ang Atom Araullo Reports ay naka-3.5%, at ang Regal Studio Presents ay naka-3.9%.

NOEL FERRER

I’ve been watching free TV lately and I’ve noticed na walang masyadong commercials this season. Tama ba ito?

Marahil, nag-aayos pa ng budget ang mga ahensiya, o talagang mababa pa ang ad load ngayong January? Sana, hindi naman mangyari na kahit nagre-rate ang programa ay lugi pa rin dahil sa baba ng ad load.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At maganda ring kumustahin, kumusta naman ang viewership ng mainstream shows sa digital platforms, marami bang views at kumikita rin ba?

Sabi’y hindi ganoon kalaki ang bayad ng ads sa online pero it is what it is.

Hindi na rin maisasantabi ang power ng online viewing. Parang doon na rin papunta ang lahat, at ang hindi sumabay sa agos doon ay mapag-iiwanan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Allen Ansay and Sofia Pablo top bill the new primetime series Luv Is: Caught In His Arms; (right) Hailey Mendes, Lexi Gonzales, and Elijah Alejo are launched in the new afternoon drama series Underage.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results