JERRY OLEA
Itinigil ang pag-ere ng Bahasa Indonesian-dubbed version ng Mars Ravelo’s Darna sa free TV network na ANTV ng Indonesia.
Read: ABS-CBN clarifies reported cancellation of Darna in Indonesia
“Nag-analog shutdown na kasi ang Indonesia. Nagta-transition na sa digital ang mga TV station nila,” paliwanag ng reliable source ng PEP Troika nitong Enero 26, 2023, Huwebes ng gabi, via Messenger.
“Karamihan daw kasi ng household sa Indonesia ay wala pang digital box. Ipapalabas muli ng ANTV ang Darna ni Jane de Leon kapag OK na ang transition.”
Samantala, ABS-CBN has inked a content localization partnership with Indonesia’s OTT/streaming platform Vidio.
Mapapanood online sa Indonesia ang mga Kapamilya teleseryeng Hanggang Saan ng mag-inang sina Arjo Atayde at Sylvia Sanchez; Love Thy Woman nina Kim Chiu, Yam Concepcion, at Xian Lim; pati ang Sino ang Maysala?: Mea Culpa nina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Ketchup Eusebio, at Tony Labrusca.
Palabas din sa Vidio ang drama anthology series ni Charo Santos na Maalaala Mo Kaya, pati ang Wansapanataym.

Pahayag ng Asia Pacific managing director of ABS-CBN Global na si Maribel Hernaez, “The past couple of years saw a huge boost in the streaming industry.
“Around this period, ABS-CBN has taken massive steps to dominate the digital landscape through partnerships among the OTT sectors across the globe.
“On another hand, we acknowledge the support of Indonesians for our TV programs, films and music. This partnership with Vidio will allow us to further reach Indonesian viewers.”
Ayon naman sa managing director ng PT Vidio Dot Com na si Monika Rudijono, angkop sa kanilang mga manonood ang mga programang dala ng ABS-CBN.
Sabi ni Rudijono, “As a leading OTT in Indonesia, Vidio is committed to providing premium entertainment content and seamless viewing experience for everyone. “We continuously expand and refresh our content library with new titles from all around the world.
“This collaboration with ABS-CBN is a huge opportunity to further enhance our content offerings and bring some of the best shows across a wide variety of genres from the Philippines to our beloved Indonesian audiences.”
Nakapagbenta na ang ABS-CBN ng mahigit 50,000 hours ng content sa mahigit limampung (50) bansa.
NOEL FERRER
Sana na lang, matapos na ang pagsasara ng Mars Ravelo’s Darna at ang daming lessons to be learned from that. (Sana na rin, makahanap na sila ng huling babasbas kay Jane after nang umayaw ang maraming in-inquire).
Buti na lang, marami pang content na puwedeng humalili sa Darna. Kung patigilin man ang isang panoorin, marami namang ipapalit ang ABS-CBN at Star Cinema.
Digital is really the way to go!!! And content is king!!!
Pagandahan na talaga ng content. Pero alam ninyo, sa online, talbog ang mga nakasanayang formula ng mga panoorin. Mas edgy, mas patok. Mas shocking at daring, wagi!
But in the end, it should still be learned na dapat maganda at kakaiba ang pinaggagagawa para magustuhan ng mga tao. Hindi na papasa ang mga puchu-puchu lang.
GORGY RULA
Patapos na rin lang ang Mars Ravelo’s Darna, kung anu-ano pang isyung kinasuungan at problema.
Ang nabalitaan namin, nairaos naman ang taping ng finale nito. Kaya abangan na lang natin ang taping.
Yung pag-ere nito sa ibang bansa ay bonus na lang siguro. Ang mahalaga ay maganda ang pagtanggap dito sa atin.
Nagri-rate ba sa free TV o nagti-trending ba siya?
Pero okay na rin at natapos na. At least, malaki ang nagawa ng Darna sa showbiz career ni Jane de Leon.
Ang isa pa sa inaabangan ko ngayon ay kung ano naman ang magagawa ng bagong drama series na Magandang Dilag kay Herlene Budol aka Hipon Girl.
Ang dami ring aberyang inabot ng taping nitong Magandang Dilag. May nagsasabing "Binibining Aberya" na raw si Herlene, pero nairaos naman.
Kaya lang, may narinig na naman kaming problema kaya natigil ulit ang taping nito. May nangyari na naman ba kay Herlene? Bakit kaya?
