JERRY OLEA
Ipinagmamalaki nang lubos ni Cherry Pie Picache ang bagong pelikula niyang Oras de Peligro, na idinirek ni Joel Lamangan.
“I think the beauty of the film, ng Oras de Peligro, is actual, factual footages that happened during that time are going to be shown,” sambit ng multi-awarded actress sa mediacon nitong Pebrero 12, 2023, Linggo, sa Max’s-Sct. Tuason, Brgy. Laging Handa, Quezon City.
“At makikita. That’s one of the beauty of the film, bukod doon sa sinasabi ni Direk na buhay namin, buhay ng pamilya ng character ko.
“I think yun nga, one of the beauty of the film is actual and factual footages that happened during 1986 is going to be shown.
“Ngayon, papaano makakapagsinungaling yun? At yun ang importante na mapanood lalung-lalo na ng mga kabataan na hindi naranasan yung EDSA Revolution.
“Tapos sana, ahhhmm yun din, di ba, in our own little way, through the film, sana nga mamulat na ang taumbayan. Kasi paano tayo aasenso kung hindi mulat ang mga mata natin?
“Panahon na para mamulat tayo.”
Kung gaganap siya ng real-life character, gaano kaimportante na makilala niya ang karakter na iyon sa pamamagitan ng pagre-research?
“Siguro hindi na importante para makilala pa siya. Kasi, most of the characters naman, pag magpo-portray ka ng real-life story, di ba, it’s either wala na, or you pay an homage to them, yung ganun,” pananalig ni Cherry Pie.
“Ahhh siguro importante, depende sa konteksto ng pelikulang gagawin, pero importante na factual siya.”
Kailangan bang naniniwala siya sa katotohanan ng kanyang karakter?
“I mean, we’re actors. We’re actors. We’re here to portray roles and characters,” pagmamatuwid ni Cherry Pie.
“So siguro a matter of preference na lang sa isang aktor kung dapat ba niyang paniwalaan yung ginawa niya o hindi.
“Pero I think if you’re portraying a true-to-life character — it is vital, it is important na factual yung meron.”
Siyempre, depende pa rin iyon sa direktor. Sabi ng pinagpipitaganang aktres, collaboration na iyon. May mga artista na nagsasabing ginagawa lang nila ang kanilang trabaho. Kesyo napag-utusan lang sila.
Pero ikinukunsidera ba niya ang social responsibility sa mga manonood, sa sambayanang Pilipino?
Napangiti si Cherry Pie, “Honestly, that’s why I feel very honored that I was offered to be part of this film.
“Because I think it’s high time that we all give our contribution. Responsibility natin.”
Sakaling alukin siya na gumanap na Imelda Marcos, tatanggapin ba niya?
“By Darryl Yap?” tanong ni Cherry Pie.
Kahit hindi si Darryl Yap ang direktor, tatanggapin ba niya?
Natawa si Cherry Pie at tila nag-isip sandali, “Depende sa konteksto ng pelikula. At saka sa script, why not? Di ba?
“Pero by Darryl Yap? No!”
Bakit ayaw niyang magpadirek kay Direk Darryl?
“Ewan ko. May konsensiya pa ba siya?” makahulugang sabi ni Cherry Pie.
Si Darry Yap ang direktor ng Maid in Malacañang, ang 2022 film na tumalakay sa huling tatlong araw umano ng pamilya Marcos sa Malacañang bago patalsikin sa puwesto si dating Pangulong Ferdinand Marcos bunsod ng makasaysayang EDSA People Power Revolution.
May mga alegasyon noon na ang Maid in Malacañang ay tangka ng pamilya Marcos na baguhin ang kasaysayan, na mariin namang pinabulaanan ng mga may kinalaman sa pelikula.
Read: Sen. Imee Marcos, wala umanong historical revisionism sa Maid In Malacañang movie
Si Darryl rin ang direktor ng Martyr or Murderer, ang follow-up sa Maid in Malacañang. Magsasalpukan sa March 1 playdate ang Oras de Peligro at Martyr or Murderer, kasabay ang Hollywood film na Creed III.
Read: Grupo ng Filipino-Chinese businessmen, nilinaw ang isyu sa pagbili ng tickets ng Maid In Malacañang
Si Darryl ay kilalang malapit kay Imee Marcos at masugid na kritiko ni dating Vice President Leni Robredo.
Sa kabilang banda, si Cherry Pie ay isa sa mga artistang hayagang sumuporta sa kandidatura ni Robredo noong 2022 presidential elections.
GORGY RULA
Nilinaw ni Cherry Pie na wala siyang personal na galit kay Direk Darryl Yap.
Pinanindigan lang daw ng premyadong aktres ang pinaniniwalaan niya, at gusto lang niyang patunayang hindi ito puro pera lang. Kailangang panindigan kung ano ang stand mo at kung ano ang pinaniniwalaan mong nararapat para sa bayan.
Sabi niya, “Walang personalan, it’s just that… yun lang. I’m just making a stand di ba? Parang ano ba? Yun lang!
“I mean, it’s his work. So, yun nga, we’re in a democratic country. Whatever expression you wanna do, however you wanna use it, yun lang. Yun lang ang tinatanong ko.
“Actually, tanong yun, e. May konsensiya ka ba?”
Dagdag pang paglilinaw ni Cherry Pie tungkol sa pelikulang Oras de Peligro, “This movie is not about against anybody. This movie is just telling the truth! It is what it is!
“We just want… especially the people na hindi nakaranas ng EDSA Revolution, malaman kung ano ang totoong nangyari sa kasaysayan.
“Hindi puwedeng i-edit. Hindi puwedeng baguhin, that’s why it’s history, nangyari talaga. So, yun lang ang gusto naming ipakita.
“Let’s please focus on that, na sana mapanood ito ng marami. Kasi talagang, hindi mo madi-deny na totoo yung pelikula, because actual footages. And let’s spread light and kindness.”
Sa pamamagitan ng Facebook, sinagot ni Darryl ang tanong ni Cherry Pie kung may konsensiya pa ba siya.
Patanong din ang sagot ng kontrobersiyal na direktor:
"1. Alin kaya sa eksena sa #MAIDinMALACAÑANG at #MARTYRorMURDERER ang hindi totoo, napanood na ba nya ang #MIM, kasi ang #MOM ineedit ko pa. Ano sa loob ng mga gawa ko ang kasinungalingan?
"2. Napakahusay umarte ni Miss Cherry Pie, pero ngayon lang ako parang naOAyan sa kanya (actually pangalawa na pala ito, una nung umiyak sya sa kampanya ni Leni at para siyang CEO na isang pyramiding company na sumisigaw ng MANGHIKAYAT KAYO!) ito, seryosong tanong Miss.
"Napanood ko kasi kung paano mo pinatawad ang pumatay sa Nanay mo, ang pagsabi mo ng magagandang bagay patungkol sa pangtanggap at pagbibigay katwiran sa mismong kriminal na pumatay na Nanay mo— naisip ko, YUNG PUMATAY SA NANAY MO, NAYAKAP MO.
"sigurado kang may kabutihan sa kanya— Ako, na gumagawa lamang ng pelikula (na dahilan kung bakit kayo may pelikula) AKO ANG TINATANONG MO KUNG MAY KONSENSYA?
"at wag po kayong mag-alala; wala naman po akong deklarasyon na gusto ko kayong makatrabaho."
NOEL FERRER
We are defined by the things and people we say NO to.
Daryll Yap to direct Cherry Pie — diretsong NO!!!
And I respect Cherry Pie Picache’s choices!!!
At nasabi niya sa akin na isa rin si Boni Ilagan sa magandang script nito katuwang si Eric Ramos sa dahilan ng pagtanggap niya sa pelikulang ito.
Nanawagan si Cherry Pie Picache alang-alang sa Bagong Siklab Productions, ang producer ng pelikulang Oras de Peligro.
“Sana ay maraming manood ng pelikula nang sa ganun, magkaroon pa ng pagkakataon yung Bagong Siklab, di ba?” saad ni Cherry Pie.
“Tulungan din natin sila na makagawa pa ng maraming makabuluhan at magandang pelikula.
“Kasi kahit sino naman, di ba, lalo na sa hirap ng panahon ngayon, hindi naman sila nagtatapon ng pera.
“The least is sana maibalik ang pera nila nang makagawa pa sila ng marami, di ba?”
Nagpalakpakan ang ilang media people, saka nagpatuloy si Cherry, “Pangalawa, sana ipinapakiusap ko personally sa lahat ng media people ngayon.
“Alam natin kung gaano kaimportante ang social media. Yung pelikula namin, isa lang ito na tool para hikayatin ang tao na sana, labanan natin ang disinformation.
“In our own also little way, pag nagpo-post tayo sa social media, siguraduhin natin na responsible tayo — alam natin kung ano ang facts. Let’s be responsible in posting.
“Kasi, tayong may mga edad na, OK e. OK lang, alam natin kung paano i-discern, di ba, yung totoo sa hindi.
“Pero kawawa naman ang kabataan natin. Papaano nila maipaglalaban yung bansa na mahal natin, di ba, kung mabubuhay sila sa disinformation and false facts, yung ganun?
“So I think, di ba ahhh, yung film, huwag na nating ilaban. Magtulungan na lang tayo. Huwag na nating ilaban sa kung kanino.
“Alam naman natin… ang tama, tama. Ang mali, mali.
“So magtulungan na lang tayo na ipakita natin, di ba? Magtulungan tayo na ipakita natin kung ano yung totoong nangyari sa kasaysayan.
“At sana matutunan lalung-lalo na ng mga kabataan. Kasi sila talaga ang pag-asa ng bayan.
“E, kung mali ang natututunan nila ngayon, ano’ng maaasahan natin in the future?”
