PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Oras de Peligro: Katotohanang Pelikula

"Sila tumatapat, hindi kami."
by PEP Troika
Published Feb 13, 2023
oras de peligro presscon
Oras de Peligro director Joel Lamangan, lead actress Cherry Pie Picache, and producer Atty. Howard Calleja during the film's presscon.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Magkatapat sa March 1, 2023 playdate ang Oras de Peligro ni Direk Joel Lamangan at Martyr Or Murderer ni Direk Daryll Yap.

“Dati, February 22 sila. Bigla nilang inilagay sa March 1,” pahayag ni Direk Joel sa mediacon noong Pebrero 12, Linggo sa Max’s Restaurant, Sct. Tuason, Brgy. Laging Handa, Quezon City.

“Sila tumatapat, hindi kami. Ibig sabihin, napakaimportante ng pelikulang ito kaya nila tinatapatan. At takot sila.”

Read: Three movies tackle historic EDSA People Power Revolution

Ang mga pelikulang mag-o-open sa local cinemas sa Pebrero 22 ay Ako Si Ninoy, Bakit Di Mo Sabihin, at The Whale. Sa Marso 1 ay ipalalabas din ang American sports drama film na Creed III.

Ang tagline ng Oras de Peligro ay, "Huwag Pagtakpan ang Katotohanan. Igalang ang Kasaysayan."

Lahad ni Direk Joel, “Dahil ang ginagawa nila ay gusto nilang pagtakpan ang katotohanan. Ang katotohanan na ang mga Pilipino ang nagpatalsik kay Marcos sa Malacañang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun ang katotohanan, at igalang natin ang kasaysayan. Yun ang kasaysayan! Hindi dapat tayo padala sa melodrama ng awa sa kanila na sila ang pinalayas, sila ang parang ginawang kung anu-ano lang.

“Dapat tayo ay magbantay, nang hindi tayo pumayag na baguhin nila ang kasaysayan…

“Dapat ipagtanggol natin kung ano ang totoo! Lalo na doon sa mga hindi nakaranas ng totoo.

“Maaaring mabulag na ang buong Pilipinas. Aba’y kawawang-kawawa naman ang bayan na ito. Kasi anim na taon sila diyan!

“Marami pa silang pelikulang gagawin na magsasabi ng hindi totoo. Dapat alam natin yun!

“Sana magkaroon tayo ng producer parati na kagaya ng Bagong Sigla Productions nina Atty. Howard Callejo at Alvi Siongco na puwedeng gumawa ng pelikula na magsasabi ng totoo… Gusto kong sabihin kung ano ang totoo.”

Read: Joel Lamangan, palaban sa Oras de Peligro: "Ito'y nagsasabi ng totoo!"

Nakatanggap na ba siya ng death threats?

Mabilis na tugon ni Direk Joel, “Marami na. Inaalmusal ko yan, darling. Marami na. Pero hindi ako dapat matakot!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pag natakot ako at hindi na ako gumawa, sino ang gagawa? Walang gagawa.

“Ano pa ang ikakatakot ko? Ang magsabi ng totoo ay dapat bang ikatakot? Dapat hindi.

“Pag ako ay hindi na gumawa ng pelikulang katulad nito, sino pa ba ang gagawa?”

Bida sa Oras de Peligro sina Cherry Pie Picache at Allen Dizon.

Kasama sa cast sina Therese Malvar, Dave Bornea, Nanding Josef, Mae Paner, Jim Pebanco, Alan Paule, Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Alvi Siongco, Gerald Santos, Elora Espano, Rico Barrera, Timothy Castillo, at Crysten Dizon.

NOEL FERRER

Sa dinami-dami ng playdates, mahiwaga talaga kung bakit magkasabay pa itong dalawang lokal na pelikula na parehong nagke-claim na nagsasabi ng totoo.

Siyempre, titingnan mo ang credentials, integridad at body of works ng mga manlilikha nito.

Dito gumagana ang pagtatanong ng dalawang tunay na tanong… BAKIT ginagawa ang ganitong klaseng pelikula at PARA KANINO at SINO ang makikinabang dito?

Sana, ang mga sagot ay hindi lang para pansariling kapakanan kundi mas para sa pangkalahatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Bagong produksiyon itong gumawa ng Oras de Peligro. First venture ito ng Bagong Siklab Productions nina Atty. Howard Calleja at Mr. Alvi Siongco.

Tinanong namin ang dalawang producers kung nanibago ba sila sa ganitong isyu at masalimuot na intrigang inabot ng kanilang pelikula.

Sabi ni Atty. Calleja, hindi na ito bago sa kanya bilang sanay naman siya sa mga intrigang inabot ng celebrities na naging kliyente niya.

Ani Atty. Calleja, “Handa naman po tayo diyan, ano? Siguro, nalaman naman yan na yung pulitika at yung pelikula at yung industriyang ginagalawan ko, yung pagiging abogado, kasama na lahat ang mga intrigang yan. So, sanay na rin tayo diyan.

“Kung si Direk Joel ay natutulog sa mga death threat, e, kasama na rin kami diyan. So, kumbaga, handa na kami diyan. But in a sense, masaya po ako.

"Kasi, sabi ko nga kanina kay Alvi, nung pinag-usapan namin ito June, July, August, sabi ko, 'Maisip mo ba na maabot tayo dito?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, masaya ako at nagpapasalamat ako sa inyo sa media at sa ating mga kasamahan dito sa cast na nabuo itong pelikula, at sana nga suportahan ito.”

Sabi naman ng isang pang producer na si Mr. Alvi Siongco, “I’m just focused on what we are doing. Noise lang yun, e, kung ano man ang ginagawa ng kabila or whatever. Basta sila, kasinungalingan; kami, katotohanan.”

Tsina-challenge pa nga ni Atty. Calleja si Direk Darryl Yap at ang pamilya Marcos na willing daw mag-produce ang Bagong Siklab Productions ng kuwento ng Marcos, kung totoo lang daw ang sasabihin nila.

“Kung willing silang sabihin ang totoo, magpu-produce ako ng pelikula, kung totoo ang kanilang sasabihin.

“Kay Darryl Yap, kukunin ko siyang direktor, kung willing siyang magsabi ng totoo at tumigil na siya ng kanyang kasinungalingan,” saad ni Atty. Calleja.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Oras de Peligro director Joel Lamangan, lead actress Cherry Pie Picache, and producer Atty. Howard Calleja during the film's presscon.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results