JERRY OLEA
Excited si Juan Karlos “JK” Labajo sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikulang Ako Si Ninoy kung saan siya ang title role.

“We really put in so much effort and then… grabe, grabe, grabe yung pinasok namin for this film,” sabi ni JK bago magsimula ang premiere screening ng nasabing musical drama nitong nakaraang Sabado, Pebrero 18, sa Power Plant Mall ng Rockwell Center, Makati City.
“And I feel like the people deserve to see this film. Kasi it’s really well thought of. So ayun, I’m really excited honestly.”

Ipapalabas na sa Pebrero 22, Miyerkules sa local cinemas ang Ako Si Ninoy, na sinulat at idinirek ni Vince Tañada.

Nag-research ba si JK para gampanan ang karakter ni Ninoy Aquino?
Mabilis na tugon ng singer-actor, “Definitely, definitely. Kasi nung binigay po sa akin ni Direk Vince yung character, I mean siyempre as an actor, it’s really a scary character to play.
“It’s a real person e, as compared to playing a character na fictional, right? 'Tapos, kinausap ko si Direk on how close does he want me to act as Sir Ninoy.
“And then sabi niya I don’t have to act as Ninoy as… actually at all. It’s not really parang… I don’t have to do it a hundred percent depiction of Sir Ninoy.
“Basically in a sense parang… Ninoy is acting as Juan Karlos.”
Hindi pa ipinanganak si JK nang paslangin si Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983 sa airport tarmac.

Ano ang na-realize niya matapos gawin ang Ako Si Ninoy?
Lahad niya, “Well, definitely one thing that made me relate to Sir Ninoy was that he spent most of his life with many people not believing him, and not many people listening to him. And in some sort of way, I can relate to that.
“Kasi alam mo yun, especially in the showbiz industry, issues come up and all of these different accusations, and then even though you know the truth, sometimes people just don’t wanna believe you.
“And parang grabe yung sinakripisyo niya para sa bayan. As in pinili niyang bumalik ng Pilipinas kesa sa mag-live happily ever after with his family sa Boston.
“So I mean, grabe yung sakripisyong ginawa niya.”
GORGY RULA
Sinabi ni JK na na-enjoy na raw niya ang pag-arte, pero nandiyan pa rin siyempre first love niya ang pagkanta.
Ang dami pa raw siyang mga nagawang kantang hindi pa niya na-record.
Na-enjoy ni JK nung ginawa niya itong Ako Si Ninoy dahil naging close daw niya ang mga kasamahan niya rito.
Naihirit nga namin sa kanya ang kuwento ni Cassy Legaspi na kasama rin niya sa pelikulang Ako Si Ninoy.
Sabi kasi ni Cassy, naikuwento niya ito kay Darren Espanto, pero dedma lang daw itong kasabayan ni JK sa The Voice Kids.
Walang kamalay-malay si Cassy sa isyu nina Darren at JK, pero wala naman daw sinabi ang Fil-Canadian singer.
READ: Darren Espanto, tinuldukan na ang pagkakaibigan nila ni JK Labajo?
READ: JK Labajo insists he's innocent of Darren Espanto's accusation
Napangiti lang si JK nang hiningan namin siya ng reaksyon sa kuwento ni Cassy.
“Yeah! I mean, buhay niya yun, e. That’s her story to tell, I don’t have any part of that. Wala naman akong kinalaman dun,” tugon ni JK.
Kaya tinanong na namin kung okay na ba sila ni Darren.
“I don’t wanna talk about it. We are… but I don’t wanna waste my time there,” napapangiti niya uling sagot sa amin.
Gustung-gusto ko ang musical numbers ni JK dito sa Ako Si Ninoy. Ang ganda ng boses niya, at gusto ko rin ang Ninoy version niya ng kanta niyang Buwan.
Sana okay na talaga sila ni Darren, at magkaroon sana ng collaboration silang dalawa ng isang kanta o concert, di ba?
NOEL FERRER
Sana ma-promote pa ni Juan Karlos ang pelikula at talagang seryosohin niya ang pagiging aktor, dahil oo nga’t kilala at naparangalan na ang galing niya sa musika, pero heto na ang panibagong hamon sa kanya sa pag-arte.
Maganda ang feedback sa kanya sa Cinemalaya 2022 film na Blue Room, at sana dito sa bago niyang pelikula ay umani rin siya ng papuri at pagtangkilik.
Good luck and all the best, JK!
