JERRY OLEA
Sa tinagal-tagal ni Leandro Baldemor sa showbiz, first endorsement niya ang King Tut dietary supplement for men.
“Unang-una po talaga, pangarap ko rin pong mag-endorso,” pahayag ni Leandro matapos pumirma ng one-year contract sa King Tut nitong Pebrero 20, 2023, Lunes ng hapon, sa tanggapan ng Goldshine Pharmaceuticals sa Kapalaran Subd., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
“Kasi po, ako po ay 26 years na sa showbiz. Iyon po, pangarap kong mag-commercial. Siyempre, ang mga artista, gusto nilang mangarap din.
“Gusto nilang maging direktor, gusto nilang maging best actor, ganyan. Ako naman, pangarap ko ring magkaroon ng endorsement.
“E, sabi ko, ano kaya ang magiging endorsement ko? Kaya tamang-tama, na lahat ng pagkakataon na nangyari at nagkaroon tayo ng kuwentuhan ngayon, lahat ito ay ibinigay ni Lord.”
Read: Leandro Baldemor, naranasang ituring na ekstra sa isang teleserye
Nakilala si Leandro sa ST (sex trip) films ng defunct Seiko Films.
Ang una niyang movie ay Sariwa (1996) katambal si Priscilla Almeda. That year din ipinalabas ang Patikim ng Pinya nila ni Rosanna Roces.
“Excited din ako dahil unang-una, bagay na bagay dun sa role ko bilang isang artista noong nagsimula ako,” sambit ni Leandro.
“Tapos ngayon, medyo may edad na. So, parang kailangan na yata… pero hindi pa. Meron kasing sinasabi, ‘Hindi ko pa kailangan yan.’
“Hindi naman iyon basta ikaw ay uminom ay pampaganun, e. Hindi. Para pampakondisyon ng katawan.
“Kahit sinong lalaki, pwedeng uminom. Kahit medyo bata pa sa akin. E, ilang taon na ako? Forty-seven (47). So sa totoo… may galit pa rin, ano, ha?!
“Iyong iba kasi, mukha lang nagagalit, e. Ha! Ha! Ha! Ha!”
NOEL FERRER
Member si Leandro ng King Tut Riders Club, na mahigit 100 ang kasapi. Suportado ng King Tut ang aktibidades nila sa pagmomotor.
“Yung IronMan, katulad niyan, 24 hours kaming tatakbo ng IronMan. Connected ito sa IronMan na triathlon. Ito naman, mga bikers naman ito,” lahad ng simpatiko at makisig na aktor.
“Dapat pakondisyon ka rin siyempre para tumagal ka. Hindi naman basta… kung puyat ka pa, tatakbo ka ng IronMan, isipin mo naman, iikutin mo ang Norte.
“Simula Clark, Vigan, Pagudpud, Tuguegarao, Aurora. Twenty-four hours.”
Bilang riders, napo-promote nila ang turismo ng bansa.
Kuwento ni Leandro, “Consultant ako sa tourism ng Laguna… at napatunayan ko, napakaganda ng Pilipinas! Sobrang ganda.
“Meron ngang na-discover kami sa Tarlac, yung sa Bamban. Akala mo, nasa Rome ka! Nasa Rome ka, puta, napakagandang lugar!
“So isipin mo yun, nasa Pilipinas pala, lalayo ka pa?! Di ba? So makakaengganyo kami sa mga turista ng pasyalan tayo.
“First time kong makarating sa Bamban, grabe, ang ganda! Napakagandang lugar!”
Ang layo na nga ng narating ng manlililok ng Paete, Laguna.
GORGY RULA
Meron na palang inaalok noon kay Leandro na pelikulang pam-Vivamax, pero nagugulat lang daw siya sa sobrang kapangahasan ng mga artistang napapanood niya sa naturang streaming platform.
Meron siyang komento sa mga taga-Vivamax, pero ipinakiusap niyang "off the record" na lang. Nakahanda naman siya ngayong tumanggap ng projects na pam-Vivamax.
“Aba’y puta, pag talagang lalaban ako sa Vivamax, magki-King Tut ako! Para alam na! Ha?!” natatawa niyang pahayag.
Magtu-27 years na si Leandro sa showbiz, at masaya siyang hindi naman siya nawawalan ng trabaho.
Katatapos lang niya ng Nakarehas na Puso sa GMA-7, at may pelikula rin siyang kasama si Sid Lucero na baka pang-Netflix daw ito. Ang title ng movie ay Karma.
Isa si Sid sa mga palaban sa Vivamax. Nag-frontal ito sa Virgin Forest.
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies
“Ang sabi sa akin ni Sid, ‘It’s my turn, Leandro!’ Sabi niya sa akin. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Ako naman!’
“Sabi ko, ‘Papunta ako diyan! Hintayin mo ‘ko! Ha! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak ni Leandro.
Ano ang sikreto niya at tumagal siya sa showbiz?
“Siguro, alam ko lang ang assignment ko. Hindi ako pasakit sa ulo. Hindi ako pasaway sa taping,” pagtatapat ni Leandro.
“Kasi alam mo na, kailangang mapagaan mo ang trabaho mo sa taping, hindi ka nagpapabigat.”
Tuloy pa rin ang woodcarving business niya, at iyon daw talaga ang bread and butter niya sa dami ng mga orders niya na ginagawa niya sa Paete, Laguna.
“Let’s face it, ang showbiz, e, sikat ka lang pag ikaw ay meron kang show. After ng show mo, hindi mo na alam kung saan ka kukuha ng pangkain,” sambit ni Leandro.
“Hindi ko naman nilalahat, ha? Kasi ako, sigurista lang ako. Kasi meron na akong mga anak na pinakakain, pinag-aaral.
“At may mga pangarap din sa buhay ang mga anak ko na kailangan nating i-provide.”
Tatlo ang mga anak ni Leandro. Ang panganay niyang 23-anyos ay graduate na ng civil engineering. Ang pangalawa ay katorse, at ang bunso ay trese anyos.
