GORGY RULA
Maraming pasabog ang interview ni Kuya Boy Abunda kay Nora Aunor sa Fast Talk with Boy Abunda nung nakaraang Lunes, February 20, 2023, pero parang kapos para sa amin ang rating nitong 6%.
Read: Nora Aunor reveals she died for three minutes recently
Read: Nora Aunor breaks silence on past tampuhan with adopted daughter Matet de Leon
Read: Nora Aunor, inaming may nararamdaman pa ring pagmamahal kay Tirso Cruz III
Mas bongga pa ang episode nung Biyernes, February 17, kung saan si Sanya Lopez ang isinalang.
Ibinahagi ni Sanya ang mga hirap na pinagdaanan nila ng kapatid niyang si Jak Roberto bago nila naabot ang success ng kanilang showbiz career.
Naka-6.2% ito na kapareho ng episode ni Carla Abellana.
Tingnan natin bukas, February 22, kung papalo rin ang rating sa guesting nina Ken Chan at Michelle Dee.
Samantala, consistent pa ring mataas ang mga afternoon drama ng GMA-7, at tila humahabol na ang Underage.
Nung nakaraang Biyernes ay naka-8.6% ang Abot Kamay na Pangarap. Sumunod ang Unica Hija na naka-8.4%, at 6.7% ang Underage.
Ang Family Feud naman ay naka-9.6%.
Nung nakaraang Lunes, February 20, ang Abot Kamay na Pangarap ay naka-8.6%. Ang Unica Hija ay naka-7.9%, at 6.3% naman ang Underage.
Ang Family Feud ay naka-10%.
NOEL FERRER
Napanood ko ang interview sa ating Superstar Nora Aunor sa Fast Talk with Boy Abunda at ang panayam din ni Boy sa nag-iisang Vilma Santos.
Read: Vilma Santos breaks down when asked about son Luis Manzano's investment issue
Kumusta kaya ang ratings ng mga ito kung ihahanay sa mga Sanya, Carla, at iba pang nakababatang stars?
Although talaga namang puno ng rebelasyon ang interview with the icons, curious ako sa viewership nito. Nasa TV ba ang audience nila o sa social media na rin?
JERRY OLEA
Nung Sabado, February 18, steady lang sa di gaanong mataas ang mga programa sa prime time.
Ang 24 Oras ay naka-9.6%, at naka-2.2% ang TV Patrol Weekend.
Sumunod ang Amazing Earth na naka-11%. Ang Pepito Manaloto ay naka-12.8%, at 4.5% ang katapat nitong Everybody Sing.
Nung Linggo naman ay mataas ang All-Out Sundays na naka-5.6%, at naka-3.4% ang ASAP Natin ‘To.
Sumunod ang GMA Blockbuster na naka-4%, at naka-4.3% ang FPJ Da King.
Ang Regal Studio Presents naman ay naka-5%.
Pagdating sa prime time, naka-7.3% ang 24 Oras Weekend, at 2.9% naman ang TV Patrol.
Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay naka-8.8%. Sumunod ang Happy ToGetHer na naka-10%, at ang PBA Games sa TV5 ay 4.5%. Ang Everybody Sing naman ay naka-4.8%.
Medyo tumaas naman ang The Clash na naka-12.2%. Nakatapat nito ang 60th anniversary special ni Ate Vi na naka-1.5%.
Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay naka-16.3%, at ang The Boobay and Tekla Show ay naka-4.4%.
