PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos on Luis Manzano's Investment Issue

"Ang anak ko, tumutulong, hindi nangloloko..."
by Jojo Gabinete
Published Feb 14, 2023
vilma santos luis manzano
Vilma Santos to critics of her son Luis Manzano: "The only thing I can say is that I know my son. Ang anak ko, tumutulong, hindi nangloloko. Kaya yung mga nagsasalita, naghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo."
PHOTO/S: GMA Network / YouTube

“Ang anak ko tumutulong, hindi nangloloko. Kaya yung mga nagsasalita, naghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo. Walang ibang nakakakilala sa anak ko kundi ako.”

Ito ang madamdaming pahayag ng Star for All Seasons na si Vilma Santos sa live guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes ng hapon, February 14, 2023.

Si Vilma ang special guest sa Valentine’s day presentation ng showbiz-oriented talk show ni Boy Abunda sa GMA-7.

Ang mga tanong ni Boy ay tungkol sa mga klasikong linya ni Vilma mula sa kanyang mga pelikula, at kung paano siya magmahal sa maraming aspeto ng kanyang buhay.

Hindi sinasadyang nasaling ang damdamin ng multi-awarded actress nang sambitin ni Boy ang isang linya niya buhat sa Dekada ’70: "Hindi masamang tao ang anak ko. Kahit sa oras na ito, humarap ako sa Diyos. Kahit sa demonyo, hindi masamang tao ang anak ko."

Sabi ni Boy kay Vilma, "Tanong lang, Vi, bilang ina, gaano kasakit ngayon ang maranasan na may pinagdaraanan ang iyong anak na si Luis?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natigilan, hindi agad nakasagot, at hindi napigilan ni Vilma ang sariling mapaluha dahil sa pagsubok na kasalukuyang pinagdaraanan ng kanyang panganay na anak na si Luis Manzano.

“I’m sorry… I’m sorry, Tito Boy… It’s not easy. I’m sorry… it’s not easy.

"I mean, kaya ko i-entertain but the only thing... sorry,” sabi ni Vilma, na paulit-ulit humingi ng paumanhin dahil hindi niya nakontrol ang sarili kaya napaluha siya.

Nang medyo mahimasmasan na ay nagpatuloy sa pagsasalita si Vilma.

Naluluha pa rin niyang pahayag: “Mahirap din kasi na kung minsan, it’s your job to do good.

“To show people that you’re comfortable, pero deep inside, you’re hurting.

"And the only thing I can say is that I know my son.

“Ang anak ko, tumutulong, hindi nangloloko. Kaya yung mga nagsasalita, naghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo."

Diin pa ni Vilma: "Walang ibang nakakakilala sa anak ko kundi ako. And I know he’s such a good person. I’m sorry."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagdarasal ni Vilma ang patuloy na paggabay ng Panginoong Diyos sa kanya at sa mga anak niya.

"Diyos ko. Oh Lord, oh my God… At this point, it’s just asking for guidance not even for myself but for my children,” aniya.

May pakiusap si Vilma sa mga naninira kay Luis: "Ako na lang. Huwag ang anak ko, ako na lang."

Muling humingi ng paumanhin ang actress-politician sa manonood: “Sorry, it’s just… naano lang ako kasi hindi ko ito in-entertain. Nadale mo lang ako, Tito Boy.”

Bilang isang tunay na mapagmahal na ina, masakit kay Vilma ang mga paratang laban sa kanyang anak kaugnay ng dati nitong kinabibilangang petroleum company, ang Flex Fuel Petroleum Corporation.

Sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Regidor Caringal, nagpadala si Luis ng sulat kay NBI Director Atty. Medardo de Lemos noong November 8, 2022.

Nakasaad sa sulat ni Luis na nagpasya itong alisin ang kanyang interes at nagbitiw bilang chairman of the board ng mga korporasyon ng grupo ng ICM na pinamumunuan ng business partner at kaibigan nitong si Ildefonso "Bong" Medel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Luis Manzano seeks NBI's help to investigate Flex Fuel Corporation

Si Medel ang chief executive officer ng ICM Group, na nagpapatakbo sa maraming kompanya kabilang ang Flex Fuel.

Ayon kay Luis, lumapit sa kanya ang mga investor ng Flex Fuel na nais mabawi ang mga perang isinosyo nila sa naturang fuel company.

Hindi lamang ang mga naghahabol na investor ng Flex Fuel ang biktima umano ni Medel dahil, diumano, may pagkakautang din itong P66 million kay Luis.

“Various individuals claiming to be investors/co-owners of Flex Fuel have been reaching out to our client for assistance,” pahayag ni Atty. Caringal tungkol sa paglapit ni Luis sa NBI para imbestigahan ang reklamo ng mga investor dahil nabigo si Medel na lutasin ang problema ng kompanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos to critics of her son Luis Manzano: "The only thing I can say is that I know my son. Ang anak ko, tumutulong, hindi nangloloko. Kaya yung mga nagsasalita, naghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo."
PHOTO/S: GMA Network / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results