PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo's 'Maria Clara at Ibarra' Trends|

Mga Lihim Ni Urduja, handa na bang tapatan ang FPJ's Batang Quiapo?
by PEP Troika
Published Feb 22, 2023
dennis trillo maria clara at ibarra
Dennis Trillo: “Nais kong magpasalamat ng buong puso sa bawat tao ng naghirap para pagandahin ang programang ito, at siyempre walang tagumpay kung wala ang mga tumatangkilik. Salamat sa iyo, na minahal at naglaan ng oras para panoorin ang palabas, tenkyu... mahal ko kayo, hanggang sa muli.”
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Nag-trending sa Twitter nung Martes ng gabi, February 21, 20223, hanggang ngayong Miyerkules, February 22, ang hashtag na #DennisTrillo mula sa historical drama series ng GMA-7 na Maria Clara at Ibarra.

Pinag-usapan ng netizens ang pasabog na death scene ni Simoun, na nagsilbing finale episode na rin ni Dennis Trillo bilang si Crisostomo Ibarra at Simoun.

Karamihan ng posts sa Twitter ay ang eksenang kinunan bago lumipad si Dennis pa-Amerika kasama ang asawang si Jennylyn Mercado at ang anak nilang si Baby Dylan.

Puring-puri nila ang Kapuso Drama King dahil inabot na raw sila ng alas-dos ng madaling-araw para matapos lang ang sequences na kasama si Dennis. Yung death scene ni Simoun ang huling kinunan.

Pinalakpakan si Dennis sa set ng co-actors niya, production staff, at yumakap sa kanya si Direk Zig Dulay para magpasalamat.

Read: Maria Clara at Ibarra's X factor: great storytelling, stellar cast, big-budget production

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat din si Dennis sa lahat na mga nakasama niya sa Maria Clara at Ibarra na itinuturing niyang isa sa pinaka-memorable na proyekto niya sa GMA-7.

Sabi niya sa kanyang Instagram account: “Nais kong ibahagi ang mga kaganapan sa pagtatapos ng aking huling eksena, sa maituturing kong isa sa pinakamakabuluhan at importanteng proyektong kinabilangan ko.

“Nais kong magpasalamat ng buong puso sa bawat tao ng naghirap para pagandahin ang programang ito, at siyempre walang tagumpay kung wala ang mga tumatangkilik. Salamat sa iyo, na minahal at naglaan ng oras para panoorin ang palabas, tenkyu (Praying and heart emoji) mahal ko kayo, hanggang sa muli.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naka-12% ang Maria Clara at Ibarra ang episode na yun nung Martes, kasama na rito ang rating sa GTV.

Ang katapat nitong FPJ's Batang Quiapo, na nakaere rin sa apat pang istasyon bukod sa Kapamilya Channel, ay naka-11.1%.

Nung Lunes, February 20, ay lamang din ang Maria Clara at Ibarra na naka-12.3%, at naka-11% naman ang Batang Quiapo.

Abangan natin kung tuluy-tuloy na tututukan ang Maria Clara at Ibarra hanggang sa finale nito sa Biyernes, February 24.

Read: Team behind Maria Clara at Ibarra reveals who stands out best among impressive cast

JERRY OLEA

Malaking challenge ito sa Mga Lihim ni Urduja na papalit sa timeslot ng Maria Clara at Ibarra.

Magsisimula na ang Mga Lihim ni Urduja sa Lunes, February 27, pagkatapos ng 24 Oras.

Bale reunion ito ng Encantadia Sang’gres na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

Tinanong ng PEP Troika ang direktor ng Mga Lihim ni Urduja na si Jorron Lee Monroy kung ano ang paghahanda nila para sa pilot week nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi maitatangging malakas ang makakatapat nito na nakakuha na ng audience na tumutok sa kanila.

Sabi ni Direk Jorron, hindi sila nagpapaapekto sa kung ano ang makakatapat ng kanilang programa. Hindi raw sila kailangang mag-revise para matapatan nila nang bonggang-bongga ang teleserye ni Coco Martin.

Tuloy lang daw ang nasimulan nila rito sa Urduja dahil matagal na nilang nabuo ang istorya nito.

“As a director and in my team also, ang parati kong sinasabi sa kanila, ‘Don’t look outside.’

“Hindi po ako nagkukumpara sa ibang palabas. Bagkus, ako po, fan din ako ni Coco Martin, napanood ko rin yung palabas niya.

“Hindi po sumagi sa isip ko na aralin yun at magpa-revise ng mga writers, because last year pa lang, buo na yung script namin, e. Solid na yung kuwento nung serye.

“Kaya I don’t think there was ever a need to revise in competition to anything else. Because this is a series of its own naman po,” pahayag ni Direk Jorron sa nakaraang mediacon ng Mga Lihim ni Urduja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pilot week daw ng Mga Lihim ni Urduja, tinitiyak nilang mai-involve na rito ang mga manonood.

“Ang vision kasi nito, para kang nasa loob ng adventure. Para kang pumasok sa loob ng game. So siguro dahil sa mahilig din ako sa games, natutuwa din ako sa adventure series, so yun yung kakaiba sa kanya.

“Pilot pa lang, nasa loob na tayo kaagad ng adventure. Kasi dati, di ba, meron pang buildup yun bago ka magpunta dun sa main adventure. Eto, pagbukas pa lang, ayun na! Inilatag na sa yo, eto yung kuwento, eto yung adventure, kasali kayo.

“So, ganun kaagad siya nagsimula. So, mas ano po siya, mas siksik yung adventure ano niya, element, yung excitement na sundan mo linggu-linggo, kung paano nila mabubuo yung pitong hiyas ni Urduja,” pahayag ni Direk Jorron.

NOEL FERRER

Malaking hamon talaga sa Mga Lihim ni Urduja na makipagsalpukan sa FPJ’s Batang Quiapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang tanong ng ibang tao: bakit pa nga ba in-extend ang Maria Clara at Ibarra?

Ang lakas hindi lang sa free TV kundi sa online ng FPJ’s Batang Quiapo at buhos pa rin talaga sa publicity ang grupo ni Coco.

More and more ang mga papasok ditong karakter, kabilang ang kontrobersiyal na artist na tatalak sa karakter ni Ma’am Charo Santos-Concio.

Kaabang-abang tuloy kung paano matatapatan ng pitong hiyas ni Urduja ang adventures ng Batang Quiapo.

Muli’t muli, sa pagandahan, pagalingan at pabonggahan ng content… ang audience ang panalo!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo: “Nais kong magpasalamat ng buong puso sa bawat tao ng naghirap para pagandahin ang programang ito, at siyempre walang tagumpay kung wala ang mga tumatangkilik. Salamat sa iyo, na minahal at naglaan ng oras para panoorin ang palabas, tenkyu... mahal ko kayo, hanggang sa muli.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results