JERRY OLEA
Makahulugan ang Facebook post ng kaibigan at katotong Ogie Diaz ngayong Pebrero 28, 2023, Martes.
Hopefully, may matanto rito ang dati niyang talent na si Liza/Hope Soberano at ang bagong manager nito na si James Reid.
Read: Liza Soberano opens up about people getting “disappointed” with decision to change management
Hanash ni Ogie, “Akala n’yo, madaling mag-manage ng talents? Ay, hindi po. Apakahirap. Para kang buntis. Binubuo mo pa lang sa iyong sinapupunan, iniisip mo na ang future niya.
“Hindi ka lang basta manager — nanay, tatay, kapatid, kaibigan ka din nila. Ibig sabihin, pati personal nilang buhay, kailangan mong gabayan — nang walang komisyon. Nang labas na sa trabaho mo bilang talent manager.
“Pag napapa-trouble sila sa labas, kailangan ka nila. Di pwedeng di mo sila samahan kahit wala ka namang kinalaman. Pag nasasangkot sila sa isyu na sila rin ang may gawa, dahil manager ka, troubleshooter ka din.
“Akala ng ibang mga mema, kuha lang nang kuha ng komisyon ang talent manager.
“Hoy, ano’ng feeling n'yo? Kakakilala ko lang sa talent ngayon, gusto n'yo, sikat na siya next week?
“Gusto nyo, pag-iri ko sa sanggol ngayon, Grade 6 na siya next week?
“Eh, kung ganun pala gusto n'yo, at marunong pa kayo sa manager, ba’t hindi kayo ang mag-manage? Ang dami n'yo palang alam, eh.
“Since 1986 pa ako sa showbiz. Mula sa pagiging alalay ko kay Ate Cristy Fermin—na, by the way, kahit saan ako magpunta, lagi kong ipinagpapasalamat na kung hindi niya ako pinagkatiwalaan ay hindi ko naman mararating ang kung anuman ako ngayon, sabihin pa ng iba na magkasalungat pa kung minsan ang mga stand namin sa mga isyu, wala naman kaming pakialam ni Ate Cristy—hanggang sa maging manunulat ako, editor ng ilang magazines, natutong umarte, naging field reporter, radio anchor, segment host na eventually naging talk show host, at naging talent manager, at ngayon ay nasa vlogging na rin.
“Binanggit ko na lahat yung pinagdaanan ko kasi gusto kong sabihin sa inyo na hindi ko naman overnight na-achieve ang goal ko in life. Pinatibay din ako ng mga trabahong pinasok ko.
“Yun ang humubog sa akin, kaya very grateful ako sa mga taong naging bahagi ng success ko.
“Kaya bukod kay Ate Cristy, gusto kong pasalamatan ang mga kaibigan ko sa industriyang ito na tumulong sa akin (di ko na kayo iisa-isahin, baka me makalimutan pa ako), ang ABS-CBN na anytime gusto kong magka-show, magma-magic lang si Tita Cory Vidanes, the following week, me tatawag nang EP sa akin.
“Higit sa lahat, wag nating kalimutan pasalamatan ang Diyos kasi sa Kanya galing ang mga blessings.
“Gratitude and humility, dapat meron ang isang tao para tuluy-tuloy lang ang blessings.”

Liza Soberano with former talent manager Ogie Diaz (standing) and Liza's boyfriend Enrique Gil
GORGY RULA
Ganun talaga! Hindi lahat ng bagay ay madali, lalo na kung pinagkakakitaan mo naman ito.
Isa lamang ito sa mga episode ng kuwento ng talent at manager, di ba, Sir Noel?
Ang mahalaga ay sumikat at malayo ang naabot ng tandem nina Ogie Diaz at Liza/Hope Soberano.
Kesa naman sa hanash ng iba na hindi mo nga kilala kung sino yung artista. Mapapakunot lang ang noo mo at magtatanong kung sino ba yun?! Cynthia?! Cinex Films?!
Ang mahalaga pa rin dito ay ang salitang “gratitude.”
Ang ganda ng sinabi ni Ogie sa YouTube channel niya nitong Pebrero 27, Lunes, bilang reaksiyon sa mga huling pahayag ng dating anak-anakan. Pawang pasasalamat lamang at walang sumbatan.
Nauunawaan at naiiintindihan daw niya ang saloobin ni Liza/Hope sa kanyang showbiz career sa nakalipas na 13 taon.
Saad ni Ogie, "Gusto ko na lang unawain at intindihin ang kanyang kuwento tungkol sa thirteen years ng kanyang showbiz career.
"Kung sinasabi ni Liza na parang kinokontrol siya ng mga tao sa paligid niya, kung ako man yan at sa Star Magic, gusto kong magpasalamat kay Liza kasi sinunod niya kami, kaya siguro sumikat siya.
"Imadyinin ninyo kung walang nangyari sa career ni Liza noong hawak ko siya at ng Star Magic, malamang iba ang narating niya ngayon, at least okay na yan kesa naman nagra-rant dahil walang magandang bagay na nangyari sa career, di ba?"
Ipinaalala naman ni Ogie kay Liza /Hope ang mga naging pag-uusap nila noong nasa bakuran pa ng Star Magic at ABS-CBN ang aktres, kung saan malaya raw itong magpahayag ng opinyon o saloobin.
"Anak, lagi kang binibigyan ng chance to say your piece, your opinion, your suggestion. Pinapakinggan ka rin naman 'pag may complaints ka, pero minsan, di ba, we have to meet halfway?
"Pinagbibigyan mo naman ang production pag nilambing ka nila and I thank you for that. Pakikisama ang tawag doon, Anak, pagtatanim para in the future, may aanihin.
"Kapag may ayaw ka, anak, isinaalang-alang din nila yun, di ba?"
Narating daw ni Liza ang kasikatang tinatamasa nito hindi lamang sa tulong ng mga namahala sa kanyang career at mga nakasama sa trabaho kundi dahil na rin sa dedikasyon ng aktres.
Ani Ogie, "Tandaan mo, Anak, narating mo ang fame di lang dahil sa akin at ng Star Magic, ng ABS-CBN, at ng production staff—dahil din yan sa dedication mo sa trabaho, dahil yan sa yo.
"Kaya palakpakan mo rin ang sarili mo, ah. Lahat ng ito, ng narating mo, pinaghirapan mo yan, Anak, para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Sila ang inspirasyon mo, kaya minahal mo rin ang career mo."
Ipinaliwanag din ni Ogie kung bakit "Liza" ang ginamit na screen name ng aktres sa halip ng tunay nitong pangalang Hope.
Pahayag ng dating manager ni Liza/Hope: "Yung sinabi mo na 'I didn't choose the name Liza, it was chosen for me.' Anak, yung screen name na Liza Soberano na ibinigay sa 'yo ni Tita Malou Santos ng Star Cinema, yan ang nagtaguyod sa pamilya mo.
"Nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang daddy mo, nakakapagpadala ka rin ng tulong sa Mommy mo sa States. Naibili mo ng bahay sa Amerika ang lola at lolo mo na kumupkop sa inyo ng kapatid mong si Justin nung mga bata pa kayo sa Amerika.
"Lahat yan dahil sa 'yo, dahil sa pagiging Liza Soberano mo, Anak.
"Mas issue siguro yung screen name kung tumatak sa mga utak ng tao, ng mga Pilipino, kung hindi ka tinangkilik."
Ipinarating din ni Ogie sa dating alaga na hangad niyang maging successful ito sa bagong bihis nito.
Bahagi ng mensahe niya para kay Liza: “Eto anak, ha? Wa echos ito. I wish you good luck sa bagong bihis na Liza Soberano.
“Alam mo ito, lagi kong sinasabi kahit kanino. Malaki ang utang na loob ko sa 'yo. Dahil ang mga kinita ko sa 'yo bilang manager ang pinambabayad ko sa hospitalization ng inaanak mong si Meerah Khel noong 2017, na six years old na siya ngayon.
“Nung naghiwalay tayo bilang manager-talent, sabi ko sa 'yo, basta may concerns ka, problema, o tanong ka, nandito lang palagi ang Tito Ogie mo. Maghihintay lang ng tawag o text mo.
“Kaya doon sa mga bashers ko— na sinasabing mukha akong commission, mukha akong pera, na palibhasa hindi ako ni-renew bilang manager ni Liza, na pinayaman ako ni Liza Soberano, na kung hindi dahil kay Liza, mamamatay ako sa gutom… darling, no man is an island.
“Pag hindi niyo alam ang meaning niyan, baka kayo ang mamatay sa gutom.”
Sinasabi ni Ogie na ang saloobin niya'y gusto pa rin niyang makabalik si Liza at bumalik ang dating ningning.
Pero hindi natin alam kung ano na ang gusto ni Liza para sa kanyang career. Gusto niyang Hope na ang gamitin at hindi Liza.
So, let’s hope na tama itong desisyon ng aktres.
NOEL FERRER
Napanood ko ang parehong video and I feel for both Liza/Hope Soberano and Ogie Diaz.
Kay Liza, she could have kept the video shorter para hindi rin magtunog defensive. (At sana, yung coming out at rebranding niya ay hindi lang dahil part ng bago niyang endorsement.)
I really don’t belittle Ogie’s and the network’s contribution sa kanya, pero na-address naman ni Liza yun sa first part ng video at sa interview nito after the endorsement launch kagabi… but if we want to see her grow, we just have to support her, remind her, and call her out on her limitations — but not shoot her down.
Tama si Ogie, if you are coming from a genuine position of care, concern, and love, iniintindi natin at nandito lang tayo para sa mga taong yun.
Maganda at naka-identify ako sa mga sinabi ni Ogie bilang isang manager din: We just want what’s best for our talents who have since become family to us.
But when things are less and less about us, mas liberating na ang ating pakikitungo sa kanila at pati na sa iba. Kaya kahit mag-extreme comments pa ang ibang kampo, we keep our settled and good core.
With love and gratitude, goodwill na lang ang dapat mamayani sa chapter na ito sa buhay at career ni Liza/Hope Soberano.
