JERRY OLEA
Inaasam ng model-turned-actor na si Kirst Viray na gumanap muli bilang Hesukristo.
Matatandaang pinangunahan ni Kirst ang senakulong Kristo MMXIX, na itinanghal noong Abril 10, 2019 sa Tanghalan ng Masa, San Juan City.
Hindi na iyon nasundan dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang senakulong iyon ay idinirek ni Robi Bertubin, at nagtampok din kay Valerie Concepcion bilang Maria Magdalena. Handog iyon ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan.
"Nagkausap po kami ni Sir Lou Veloso sa taping ng Maria Clara at Ibarra,” kuwento ni Kirst.
Nakapanayam si Kirst sa shooting ng Pinoy BL series na My Story, nitong Marso 2, Huwebes ng hapon, sa Paco Park, Manila.
"Tinanong niya ako kung gusto kong gumanap na Kristo sa darating na Holy Week. Sabi ko, ‘Oo naman, Sir, baka hindi na ako kunin dun sa San Juan.’
"Ako kasi, willing ako to improve myself sa akting. Siyempre, iba yung ano ng teatro. Malawak yun, e. Kumbaga, mas mahirap ito. Bawal kang magkamali.
"So kailangan yung lines mo, memorized mo, aral na aral mo lahat. So yun nga, willing akong i-accept kung matuloy man yung offer ni Sir Lou Veloso."
Batid ni Kirst na matagal nang panata ni Lou ang pagpapalabas ng senakulo sa Sta. Ana, Manila tuwing Semana Santa.
Okay din kay Kirst na mag-Vivamax, at bet niyang makatrabaho si Angeli Khang.
Humanga si Kirst kay Angeli sa movie nitong Silip sa Apoy na idinirek ni Mac Alejandre, mula sa panulat ni Ricky Lee.
Siyempre, ipinapaubaya niya sa Sparkle (dating GMA Artist Center) kung papayagan siyang mag-Vivamax.
Pinayagan ng Sparkle ang paglabas ni Kirst sa My Story na pinagbibidahan nina Miko Gallardo at Teejay Marquez.
Si Xion Lim ang director ng seryeng My Story, na sequel ng My Day. Ipapalabas ang My Story sa YouTube sa darating na summer.
GORGY RULA
Nagkita kami ni Kirst sa premiere night ng My Father, Myself last December; binati ko ang pagpayat niya.
Hindi rin daw niya alam kung bakit siya pumayat ng ganun. Pero kung mag-Hesukristo siya uli sa Senakulo, tama lang ang ganun kapayat.
Sana, mabigyan ng magandang break si Kirst, dahil may karakter naman talaga ang mukha niya.
Pero naka-focus din siya kasi siya sa restaurant niyang Mangan-tila Pigar-Pigar na nama-manage naman niyang maayos.
NOEL FERRER
Kumusta na sila ng non-showbiz girlfriend niya? Malapit na ba silang magpakasal?
"Wala na," natatawang sambit ni Kirst.
Kailan pa sila nagkahiwalay?
"Matagal na, hindi ko na maalala. Kinalimutan ko na lang," saad ng hunk actor. "Kasi gusto ko na lang, mag-focus na lang ako sa work."
Inamin ni Kirst na isa sa maaring dahilan ng paghihiwalay nila ay dahil sa kani-kanyang trabaho.
Kumbaga, magkaiba sila ng mundong ginagalawan.
"Hindi siya showbiz; ako, showbiz. Parang hindi niya ma-get yung work ko.
"Kunyari yung work ko, ganito, may partner. Nagseselos," lahad ni Kirst.
"Tapos minsan, alam mo yun, sasabihin mo naman, 'Ito yung work ko, trabaho ko, ito yung gagawin ko.'
"Pero sa kanya, iba pa rin ang iniisip niya.
"So, hindi talaga kami nagko-connect."
Sana more than his girlfriend, mag-connect din si Kirst sa mga tao at manonood na Pilipino , para ma-define na ang saysay niya sa showbiz, di ba?
Read more hot stories on PEP.ph:
- Eric Tai on being axed from It’s Showtime in 2016: “Di na nila kami kailangan.”
- Sarah Geronimo, may mensahe para kina Mommy Divine at Daddy Delfin
- Content creator, multi-millionaire at 16; nakapagpundar ng properties, car, businesses
- Mga anak ni Romy Jalosjos, nakipagpulong sa GMA-7 executives tungkol sa TAPE Inc.
- Did Tito Sotto just debunk "splitting" issue involving Eat Bulaga Dabarkads?
