JERRY OLEA:
Hopefully, mabasa ni Liza Soberano at kapulutan ng aral ang Facebook post ng multiawarded actress na si Aiko Melendez ngayong Marso 5, 2023, Linggo ng tanghali.
Ang showbiz career ni Aiko ay mina-manage ngayon ni Ogie Diaz, ang ex-manager ni Liza.
Dating nasa pangangalaga si Aiko ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano.
Sa kanyang mahabang post, binanggit muna ni Aiko na sa edad na 47 ay gumagawa pa rin siya ng mga bagay para patuloy na mahinang ang kanyang kaalaman.
Rumatsada raw si Aiko sa paglilingkod sa kanyang constituents sa Quezon City nitong mga nakaraang araw. Pahinga muna siya this Sunday.
Ani Aiko, may pinaghahandaan siyang presentation sa school. Nag-aaral kasi siyang muli, sa Philippine Women’s University.
Sabay sabi ng mahusay na aktres (published as is), "Opo nilalaanan ko po ng oras ang lahat na ninanais kong gawin at bigyan halaga.
"Yan ang isang bagay na habang buhay ko na ipapasalamat na natutunan ko sa mundo na kinalakihan ko ang matuto na magbigay halaga sa mga gusto mo gawin na walang pumipigil or nagtutulak kaya cguro marahil sa edad na 47 pinili ko ang mag aral pa din at bigyan ng pansin ang mahalaga sa akin.
"Bakit? Kasi kahit naman aktibo pa din ako sa pag aartista ko hanggang ngayon lagi kahit iam being managed by Ogie Diaz mag iisang taon na ako sa kanya wala contract verbal / based on trust and me kasamang pagmamahal at di lang pera ang mahalaga."
Sa mga sumunod na salita ni Aiko, sinabi niya na pinahahalagahan niya ang payo ng manager na si Ogie pagdating sa showbiz career niya.
"Lagi sa huli ng desisiyon ang talent pa din ang masusunod pero me mga bagay na sinuggest si Mader Ogie sa akin na umoo ako kasi tingin ko kaya ko gawin at ijustify ung role at hindi nalang kasi kami sa pera tumitingin kasi modesty aside naman nakuha ko na at narating ung peak ng career ko.
"Hindi lahat naman hanggang ngayon ay nabibigyan ng pagkakataon na umarte pa at mabigyan ng lead roles at supporting roles.
"Isa ako sa mapalad dahil nagagawa ko ang gusto at mahal ko. Marahil ang dahilan ng longevity ko sa karera ko ay marunong akong tumingin sa kung san ako nagsimula."
Sa puntong ito, inalala ni Aiko ang mga pinagkatiwala sa kanyang proyekto mula nang magsimula siyang mag-artista.
Inilarawan niya kung paanong sa loob ng mahabang panahon ay ginamit niya ang galing sa pag-arte at maayos na pakikitrabaho para patuloy siyang pagkatiwalaan ng mga proyekto.
Patuloy ni Aiko (published as is): "Kaya nga diba tinaggap ko ang mano po 3 dahil produced by Mother Lily at Regal Entertainment Inc. Kasi dun nagsimula ang lahat.
"Dun ako nakita ng GMA 7 para bigay ang Bubble gang show sa akin na lead kami at hanggang ngayon asa ere pa din sila.
"Dun din ako pinagkatiwalaan ng Dick en Carmi para maging isa sa Co host nila ng ABS CBN.
"Ang punto ko at natutunan sa manager ko na si Tito Douglas Quijano ay be grateful. Don’t burn bridges. Kasi maliit ang mundo ng showbiz para mas paliitin mo pa ito.
"Ang kaaway mo nuon maari maging tulay para mas me magandang oppurtunidad syo sa pag arte. Naniniwala ako sa salitang What comes around Goes around.
"Kapag nagtanim ka ng maganda me aaniin ka maganda. At hindi mo pwede solohin ang lahat ng kredito sa sarili mo lang. Collaboration of Great minds ang lahat ng karera sa buhay.
"Kasi sa mundo namen at mag 35 yrs na ata ako sa showbiz hindi pwede ang talent lang ang mag isiip lahat ng career moves eh. Dapat me kaagapay ka na tumtimon sa laban mo."
Sa huli, idiniin ni Aiko na ang kasikatan ay hindi nakakamit ng dahil sa simpleng galing lang ng isang artista.
"Sa nga baguhan ngayon ang payo ko lang be Humble enough to admit that whatever achievement you have achieved in life is not just about you!
"Its about the people around you na me malasakit sayo na pagandahin ang karera mo matuto magpasalamat din sa mga press ako hanggang ngayon marunong akong magpasalamat kapag pinupuri ako ng press, media or ng ordinaryong tao.
"Kasi ang salitang pasasalamat ay nakaukit yan sa mga taong pinasasalamatan mo ibig sabihin appreciative ka sa efforts nila. Kulang ang espasyo ngayon para sa mga nais ko sabihin…
"Tumingin sa pinanggalingan at wag tatalikod.
"Maari gusto mo baguhin ang karera mo sa ano mang paraan mo gusto but you can’t discount the fact na minsan sa buhay mo nakasama mo ang mga taong tumulong syo kaya ang simpleng pagpapasalamat sa knila ay di kalabisan."
Ang rebranding… bow!!!
GORGY RULA:
Sabi ng tatay ni Liza na si John Castillo Soberano, blown out of proportion lang itong unang binitiwang pahayag ng kanyang anak.
Sit back and relax daw at intindihang mabuti ang mga sinabi ng aktres, at meron namang nakaintindi.
Pero sa ating mga Pinoy, tiyak na alam ni Liza na hindi maganda ang dating nito, lalo na sa mga taong naging bahagi ng kanyang karera.
Tapos na itong isyu ni Liza. Keber na ng mga tao sa rebranding niya.
Mas concern nila ngayon ang sinasabing nakaambang rebranding sa Eat Bulaga. Iyan ang mainit na pinag-uusapan sa ngayon!!!
NOEL FERRER:
I’m sure ang mga natutunan at mga payo ni Aiko Melendez ay para sa lahat at hindi para kay Liza lang naman.
The practice of gratefulness ay paulit-ulit na na-a-underscore ngayon sa mga usaping pang-industriya, tulad na lang sa naganap sa ABS-CBN at nagaganap sa ALLTV at sa mga shows na itinuturing na mga institusyon.
Ito’y isang leksyon na hindi naluluma at nagre-reveal ng tunay na character.
Rebranding and reinvention will always be cool and exciting, but gratitude is a constant and a way of life dapat.
More hot stories on PEP.ph:
