PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ejay Falcon at Jana Roxas, ngayong Marso 25 na ikakasal?

Tuloy na ba ngayong buwan ang kasal?
by PEP Troika
Published Mar 7, 2023
ejay falcon jana roxas wedding
Actor-politician Ejay Falcon and former actress Jana Roxas are rumored to be having their wedding on March 25, 2023.
PHOTO/S: @ejaythefalcon on Instagram

GORGY RULA

Kinulit ng PEP Troika ang ilang taong malapit sa vice governor ng Pola, Oriental Mindoro na si Ejay Falcon kung totoo ang nakarating sa aming balitang ngayong buwan ng Marso gaganapin ang kasal ng aktor kay Jana Roxas.

Sabi ng isang napagtanungan ng PEP Troika, hindi niya tiyak kung tuloy. Pero ang pagkakaalam daw niya ay ngayong buwan ng Malso nga ang kasal. Wala pa naman daw silang natatanggap na imbitasyon.

May isa pa kaming napagtanungan kung totoong sa March 25 ang date ng kasal nina Ejay at Jana.

“Oo yata,” medyo naaalangang sagot ng isa pang napagtanungan namin.

Ang dinig pa namin, dito lang sa Maynila ang kasal.

Tinanong namin ang ilan pang taga-Pola na kilala namin, pero tumanggi ang mga itong sumagot.

Sa pagkakaalala namin, nag-propose si Ejay kay Jana nung August 2022 na kaarawan ng dating aktres.

Read: Ejay Falcon now engaged to Jana Roxas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng caption ni Ejay sa kanyang Instagram post nung nag-propose siya kay Jana: “Excited and looking forward sa next chapters ng buhay natin together baby. Mahal na mahal kita. Happy birthday my future wife.”

Maaaring nakatakda na nga sa March 25 ang next chapter ng kanilang buhay. Abangan na lang natin iyan, mga ka-Troiks!

NOEL FERRER

It’s about time pakasal sina Ejay at Jana since nung 2016 pa raw naging sila.

So, magpipitong taon din ang kanilang relasyon bago nila napagpasiyahang magpakasal.

Tapos na ang seven-year itch at marami na rin silang pinagdaanan at napagwagian, pati nga politika.

Kung anuman ang mangyari… Mabuhay ang ikakasal!

At sana, patuloy nilang pagsilbihan nang maayos ang kanilang constituents pati na ang mundo ng showbiz na kanilang pinagmulan at kung saan sila naging kilala ng publiko!

Congratulations and best wishes mula sa PEP Troika!

JERRY OLEA

Nag-PM ako sa isang Cebuano na malapit kay Ejay kaugnay sa bali-balitang ikakasal na ito kay Jana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bongga,” sabi ng nasabing Cebuano, na noon pa man ay expected nang mauuwi sa dambana ang relasyon ng magsing-irog.

Nasa wastong estado na si Ejay upang bumuo ng pamilya. Kaya kung ano’t ano man, best wishes sa kanila ni Jana!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-politician Ejay Falcon and former actress Jana Roxas are rumored to be having their wedding on March 25, 2023.
PHOTO/S: @ejaythefalcon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results