PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yassi Pressman at Marco Gumabao, matuloy kaya ang soap sa GMA-7?

Yassi at Marco, gusto pa ring matuloy ang napabalitang proyekto nila sa GMA-7.
by PEP Troika
Published Mar 9, 2023
Yassi Pressman and Marco Gumabao
Yassi Pressman at Marco Gumabao, gustong matuloy ang remake ng Saan Nagtatago ang Pag-ibig? sa GMA-7. Sabi ni Yassi, "It’s an honor po to be blessed with the role like that, lalung-lalo na po to play Ate Vi. Hindi ko po in-announce publicly po, kasi gusto ko po sana maging tuluy-tuloy na po talaga."
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Nandiyan pa rin ang pag-asam nina Yassi Pressman at Marco Gumabao na matuloy ang gagawin nilang drama series sa GMA-7, ang TV adaptation ng pelikulang Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?.

Ang Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?, na pinalabas noong 1987, ay pinagbidahan nina Vilma Santos, Tonton Gutierrez, at Ricky Davao.

Kung saka-sakali, ito ang pagbabalik ni Yassi sa GMA-7 siyam na taon mula nang siya ay umalis dito.

Si Marco naman ay dati nang nagge-guest appearance sa mga programa ng Kapuso Network.

Read: Yassi Pressman, balik-GMA-7? Comeback project, kaabang-abang!

Naka-text ng PEP Troika ang ilang executives na involved sa collaboration na ito ng Viva at GMA-7.

Ayon sa kanila, hindi nila sinasabing masi-shelve na. In the talks pa rin daw, at sana matuloy na ito.

Since wala pa namang katiyakan ito, ginawa nilang dalawa ang sitcom ng Viva at TV5 na tinawag nilang “twintastic komediserye ng taon” — ang Kurdapya na pinagbibidahan ni Yassi at ang Team A nina Kim Molina at Jerald Napoles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa si Marco sa leading man niya rito kasama si Nikko Natividad at kontrabida na naman dito si Ryza Cenon. Ang direktor ay si Easy Ferrer.

Sa mediacon nitong Huwebes, March 8, 2023, sa TV5 studio sa Mandaluyong City, napag-usapan namin nina Yassi at Marco itong Saan Nagtatago ang Pag-ibig? na gagawin dapat nila sa GMA-7.

Gusto pa rin ni Yassi na matuloy ito lalo na’t gagampanan niya ang role na ginawa noon ni Vilma Santos. Natuwa siya nang nabasa niyang may basbas na ito ng Star For All Seasons.

Kung matutuloy ito, gusto raw sana niyang madalaw at makausap nang personal si Ate Vi.

"It’s an honor po to be blessed with the role like that, lalung-lalo na po to play Ate Vi. Hindi ko po in-announce publicly po, kasi gusto ko po sana maging tuluy-tuloy na po talaga.

"Pero nung nakita ko po yung article po, sobra po akong kinilig. Gusto ko nga po sana siyang bisitahin. Siguro po pag matuloy na," saad ni Yassi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero dito raw muna sila ngayon naka-focus sa promo ng Kurdapya, na magsisimula na sa March 18, Sabado, 6:00 p.m., sa TV5; at may catch-up airings din sa Sari-Sari Channel ng Linggo, 8:00 p.m.

NOEL FERRER

Ganun din pala si Marco Gumabao. Gusto na rin daw niya talagang matuloy na sana itong Kapuso drama series nila ni Yassi, kasama si Ken Chan.

Read: Marco Gumabao, nanghinayang sa naudlot na unang teleserye sa GMA-7

Kagaya ni Yassi, gusto rin sana niyang makausap si Ricky Davao para makahingi ng basbas at tips sa role na gagampanan niya.

Sabi ni Marco, "I reached out to him. Nag-message ako sa kanya sa Instagram, but I don’t think nakita niya yung message ko, kasi hindi nga kami magka-follow sa Instagram.

"I talked to Jake Cuenca kasi ka-close niya [Ricky] yata si Jake, and I told him about it na gusto ko siyang kausapin or gusto ko lang makausap si Sir Ricky Davao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But yun nga, naudlot yung project, so hindi ko na rin na-push.

"Kasi, kailangan ko pa bang makipag-usap tapos hindi naman matuloy yung project?

"So, given a chance na matuloy yung project, I would definitely ano… take the chance to talk to him."

Sana nga, matuloy ang proyektong ito.

JERRY OLEA

Kung matutuloy man itong Saan Nagtatago ang Pag-ibig?, parang mas maganda kung kay Marco ibigay ang role ni Tonton Gutierrez.

Kay Ken Chan ito ibinigay at magaling naman daw talaga ang Kapuso actor sa ganung klaseng role.

"Definitely, it’s a very, very hard role. It’s a very challenging role. Kung ibibigay sa akin, I mean I don’t know… I’ll challenge myself to do it," lahad ni Marco.

Pero idiniin din ni Marco na hanga siya sa galing sa pag-arte ni Ken.

"But at the same time, siguro yung creatives po natin, sila po yung mas nakakaalam kung pasok po dito yung ano…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako, naka-workshop ko si Ken. First time naming magkasama, e. Magaling talaga si Ken. I mean, innate sa kanya yung ano, e, yung ganung klaseng character.

"Challenging din also for him. Dapat hindi niya maipakita yung ginawa niya sa My Special Tatay.

"Hopefully talaga, sana matuloy talaga yung project. Kasi, ready to go na talaga kami.

"Dun sa workshops namin, mga hard scenes pinraktis namin. Lahat kami sobrang into the character na. Nakakalungkot po kung hindi siya matupad.

"Ako, I have high hopes sana ma-push through."

Read more hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman at Marco Gumabao, gustong matuloy ang remake ng Saan Nagtatago ang Pag-ibig? sa GMA-7. Sabi ni Yassi, "It’s an honor po to be blessed with the role like that, lalung-lalo na po to play Ate Vi. Hindi ko po in-announce publicly po, kasi gusto ko po sana maging tuluy-tuloy na po talaga."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results