GORGY RULA
Balik-saya na naman ang supporters ng Maria Clara at Ibarra, lalo na ang fans ng FiLay loveteam, nang in-announce ng GMA-7 na simula April 14, 2023 ay mapapanood na ang Maria Clara at Ibarra sa Netflix.
Read: GMA-7's hit teleserye Maria Clara at Ibarra to stream on Netflix in April
Ang sipag pa rin ng mga fans mag-tweet kaya nag-trending na naman ang hashtag #MariaClaraAtIbarra sa Twitter ngayong Biyernes ng umaga, Marso 10.
Tamang-tama lang nagpu-promote na rin sina Barbie Forteza at David Licauco ng kasunod na project na pagsasamahan nilang dalawa.
Simula Linggo, March 12, tampok ang FiLay loveteam nina David at Barbie sa "Lady and Luke" episode ng Daig Kayo ng Lola Ko.
Isang buwan silang mapapanood sa weekly anthology na ito, dahil naniniwala silang may magic pa rin talaga ang FiLay loveteam.
“So, yun na nga. Busy na kami ngayon, and tumawid na nga kaming dalawa sa Daig Kayo ng Lola Ko.
“Nagpapasalamat lang din ako dahil ang saya kapag may nangyari sa yong maganda na hindi mo inaasahan, yung ganun. Parang sarap sa puso,” bulalas ni Barbie sa nakaraang mediacon ng Daig Kayo ng Lola Ko.
Ang sipag din ng mga fans nila, lalo na ang mga supporters ni David na halos araw-araw ay nagtu-tweet tungkol sa binansagan nilang "Pambansang Ginoo."
Kamakailan lang din ay ikinatuwa ng mga fans ni David sinuportahan niya ang paglalaro ng brother niyang si James Licauco sa volleyball team ng Ateneo sa UAAP.
Nag-trending pa yun nang manood si David para mag-cheer sa kanyang kapatid. Mabuti raw na libre siya nung araw na yun, kaya napanood niyang maglaro ang kapatid.
“Nakakatuwa siyempre, kasi nakakasama ko yung kapatid ko having fun, also my sister having fun playing volleyball.
“Playing the game they love and my brother can’t help na be thankful ang be happy for him,” saad ni David.
NOEL FERRER
Si Barbie ay hashtag "#FamilyGoals" din nung nagkaroon daw siya ng break, pinuntahan niya ang ipinapatayo nilang bahay.
Hindi raw niya napigilang kiligin nang nakita niyang binubuo na ang kanyang dream house. Sobrang saya raw niya nang pinuntahan ang kinu-construct na bahay dahil nakikita niyang tuwang-tuwa ang kanyang magulang.
“Kinikilig talaga ako habang iniikot ko yung bahay,” bulalas ni Barbie.
Masaya raw siya para sa kanyang mga magulang na nakikita niyang tuwang-tuwa sila kapag iniikot na ang ginagawang bahay. Feel na feel daw ng daddy niya kapag pumapasok na sila sa kuwarto ng mga ito.
“Diyos ko! Nag-practice na siya. Kasi nung pumasok kami sa banyo nila, ang laki kasi ng banyo nila. 'Dito ako maliligo,' sabi niya. 'Tapos dito ako magtu-toothbrush.' Ang cute! Ang cute-cute!”
Masaya ako sa nangyayaring ito talaga kay Barbie dahil isa siya sa pinakamagagaling na aktres sa kanyang henerasyon.
Patuloy pa sana siyang bigyan ng mga proyektong magpapatunay nito. Kayang-kaya niya iyan!
At sana, patuloy na ang pag-angat hindi lang ng kanyang kasikatan kundi pati na estado ng buhay! Go, Barbie, Go!
JERRY OLEA
Tuluy-tuloy ang promo ng FiLay tandem!
Tama ba ang naulinigan natin na iyong gagawin nilang movie ay magsusyuting sa Austria? Hopia tayo na matuloy iyon, hane!
Nakakakilig ang tambalan nina Barbie at David, kahit batid nating may Jak Roberto ang Kapuso Primetime Princess.
Teka! Kumusta nga pala ang sinapit ng recent movie ni David with Shaira Diaz na Without You?
At kailan pa kaya natin mapapanood iyong G! LU movie ni David with Kiko Estrada, Teejay Marquez, Ruru Madrid, Derrick Monasterio, and Enzo Pineda?
Read: G! LU Boys, a case of "one of those things is not like the other"?
