PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bakit walang horror film na kasali sa 1st Summer MMFF?

Mga kalahok na pelikula sa 1st Summer MMFF, hindi pa gaanong nagpu-promote.
by PEP Troika
Published Mar 13, 2023
1st summer mmff entries
The posters of the eight official entries for the 1st Summer Metro Manila Film Festival.

JERRY OLEA

Iba-iba ng genre ang walong official entries ng 1st Summer MMFF na gaganapin sa Abril 8-18, 2023.

Read: 1st Summer Metro Manila Film Festival official entries announced

Crime drama ang Apag nina Coco Martin, Lito Lapid, Gladys Reyes, Gina Pareño, Julio Diaz, Joseph Marco, Mercedes Cabral, Vince Rillon, Mark Lapid, Ronwaldo Martin at Jaclyn Jose, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

Romantic comedy ang Single Bells nina Alex Gonzaga, Angeline Quinto, at Aljur Abrenica, sa direksiyon ni Fifth Solomon.

Romance drama ang Yung Libro Sa Napanood Ko nina Bela Padilla, Yoo Min-gon, Boboy Garovillo, at Lorna Tolentino, sa direksiyon ni Bela Padilla.

Romance ang Love You Long Time nina Carlo Aquino at Eisel Serrano, sa direksiyon ni JP Habac.

Drama ang Unravel: A Swiss Side Love Story nina Gerald Anderson at Kylie Padilla, sa direksiyon ni RC de los Reyes.

Drama thriller ang About Us But Not About Us nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas, sa direksiyon ni Jun Robles Lana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Comedy ang Here Comes The Groom nina Enchong Dee, Keempee de Leon, Awra Briguela, Maris Racal, Gladys Reyes, Kim Atienza, Kalad Karen, Tony Labrusca, Miles Ocampo, Iyah Mina, Fino Herrera, Nico Antonio, at Eugene Domingo, sa direksiyon ni Chris Martinez.

Musical ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera nina RK Bagatsing, Aljur Abrenica, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Ariel Rivera, Gelli de Belen, Rosanna Roces, Gardo Versoza, Ara Mina, Ronnie Lazaro, Dennis Padilla, Lloyd Samartino, Ricky Rivero, Epy Quizon, Jenine Desiderio, Arlene Muhlach, Biboy Ramirez, Lou Veloso, Arman Reyes, Gian Magdangal, Pekto Nacua, at Meg Imperial, sa direksiyon ni Joven Tan.

Naku! Walang horror?! To think na ang topgrosser sa nakaraang MMFF ay ang horror movie na Deleter starring Nadine Lustre. Anyare?!

Ayon kay MMDA Chairman and MMFF Over-all Chair Atty. Don Artes, sa tatlumpo’t tatlong (33) aspiring entries ng 1st Summer MMFF ay dalawa o tatlo ang horror.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Unfortunately, medyo… sa criteria po, hindi siya pumasok,” pahayag ni Chair Don Artes sa mediacon noong Pebrero 24 sa Crowne Plaza, Ortigas Center, Pasig City.

“That’s why even gusto man po natin na may horror film po tayo na staple po sa lahat ng MMFF, again unfortunately, hindi po sila nakapasok.”

Ang criteria sa pagpili ng entries ay artistic excellence (40%), commercial appeal (40%), Filipino cultural sensibility (10%), at global appeal (10%).

Kapansin-pansin din na walang erotic, mapangahas, or bold and daring sa walong napiling kalahok sa 1st Summer MMFF.

Iyong My Father, Myself na R-18 movie sa December filmfest ay hindi ipinalabas sa SM cinemas, at konti lang ang nakuhang theaters compared sa ibang entries.

Sabi ng chairperson ng Selection Committee na si Boots Anson Roa-Rodrigo, “We believe that we have a very good mix of entries. And it reflects the reality that as many as there are varied interests among moviegoers whatever their age, no, whatever generation they belong to, ganun din po.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Marami pong mga pelikulang puwedeng pagpilian, huwag lamang pong humadlang ito sa pagsunod sa mga guidelines.

“Dahil ang dami sanang puwedeng pagpilian pero we have to abide by guidelines. Pero ang isang consolation diyan… iyong sinasabi ninyong baka masyadong seryoso yung ibang films, ahmm…

“On the surface, seryoso. Pero kami po sa Selection Committee, kahit seryoso ang mga pelikula, there were kilig moments in the films, lalo na in the love dramas.

“Kinilig ako! Ang tanda ko na, 78 years old na ako pero kilig na kilig pa rin ako. Actually kahit yung mga hindi pumasok sa eight entries, no, yung kilig moments nila even if the theme is serious, nandun.”

Pagmamatuwid ni Chair Don Artes, “Kami naman po sa MMFF, particularly sa MMDA, binibigyan po natin ng actually hundred percent na leeway or decision yung Selection Committee.

“In fact ako po mismo, hindi po ako nanonood ng entries na isina-submit dahil ayaw ko rin pong magkaroon ng bias.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At never po kaming nakialam, alam ni Tita Boots… Lagi po naming sinasabi, na never po at least nung time na pumasok ako sa MMFF — never po kaming nakialam sa Selection Committee regarding sa pagpili ng movies na magiging official entries.

“Basta lang, inaano po namin sa kanila, meron po tayong rules, may guidelines sa pagpili ng mga movies.

“Ibinibigay po natin sa kanila yung discretion, hundred percent discretion sa pagpili ng movies na magiging kalahok sa MMFF.

“So, masasabi ko po na fair yung judging and magaganda po, nakita po naman siguro natin yung ating line-up.”

NOEL FERRER

Meron naman na akong panaka-nakang nakikitang trailers sa TV, pero mas marami na sa social media.

Wala pa lang masyadong presscon para sa mga pelikulang lahok sa Summer MMFF, na sana ay magsimula na dahil less than a month to go na lang.

May mga pa-advance screenings na ang ibang films, habang ang iba’y nananahimik pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Like what we have learned in the December MMFF, hindi sapat ang presscon at ang tradisyunal na parada lang para maging opportunity ng pagpo-promote.

Kailangang maging aggressive at consistent pa ito, kahit after the awards night bilang pan-sustain ng interes ng mga tao sa inyong lahok.

Sinu-sino kaya ang magsisipag sa pagpo-promote ng mga pelikula nilang lahok? I’m sure, iyon ang bibiyayaang maging big box-office leader.

Kayo, anu-ano at sinu-sino ang bet ninyo sa 1st Summer MMFF?

GORGY RULA

Dapat todo ngayon ang promo ng walong pelikulang kalahok dahil first time pa lang itong magpa-filmfest sa Summer.

Ang mahal pa ng ad placements sa TV, kaya hindi na nagpapa-ad ng trailer ang producers. Pero minsan may ex-deal sa GMA-7 kapag nabili nila ang TV rights ng isang pelikula, nagbibigay sila ng ilang minuto para sa trailer ng pelikula.

Nagbibilihan na rin ngayon ang mga TV network ng pelikula, dahil mas pinapanood ng televiewers ang pelikula sa TV. Alam ko, masipag ang ALLTV sa pagbili ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung hindi makapag-promote sa TV, sa social media na lang magsisipag sa pag-promote at dapat magpa-presscon na nga o magpa-press screening para mapag-usapan na ang pelikula.

Kasama si Lorna Tolentino sa pelikulang Yung Libro Sa Napanood Ko, at gusto sana niyang tumulong din sa promo. Pero may medical procedure na ginawa sa tuhod niya kaya kailangan muna niyang magpahinga. Sana, puwede na siya sa presscon nito.

Si Gladys Reyes ang isa sa excited sa SMMFF dahil kasali siya sa dalawang pelikula, ang Apag at Here Comes the Groom.

Nagtatanung-tanong pa rin siya sa mga kaibigan at katrabaho kung saang float siya dapat sumakay sa Parade of Stars sa April 2, Palm Sunday. Pero ngayon pa lang ay todo-promote na siya sa supporters niyang mga nanay sa Iglesia Ni Cristo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The posters of the eight official entries for the 1st Summer Metro Manila Film Festival.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results