PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru and Bianca React to Eat Bulaga! Issue

Ruru Madrid at Bianca Umali, kasama pa rin kaya sa rebranding ng Eat Bulaga!?
by PEP Troika
Published Mar 13, 2023
bianca umali ruru madrid eat bulaga
Ruru Madrid on issues that Eat Bulaga! are facing now: "Kung ano man po yung pinagdadaanan po nila, kung ano mang klaseng pagsubok po yan, I’m sure malagpasan po nila yun. Kasi 44 years na ang Eat Bulaga!, sa dinami-dami ng taong yun, sigurado mas marami po silang pagsubok na pinagdaanan na higit pa diyan."
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram

#EatBulagaWar

GORGY RULA

Noong February pa huling nag-guest co-host ang magkasintahang Ruru Madrid at Bianca Umali sa Eat Bulaga!.

Hindi na raw sila nakabalik dahil naging abala sila sa taping ng kanilang prime-time series na The Write One, na magsisimula na ang airing sa GMA Telebabad sa March 20, 2023.

Sa nakaraang mediacon ng The Write One, hiningan namin ng reaksiyon sina Ruru at Bianca tungkol sa hinaharap na isyu ng Eat Bulaga!.

Read: Romy Jalosjos children in, Tony Tuviera out sa TAPE; Tito, Vic & Joey, aalis na sa Eat Bulaga?

Naniniwala si Ruru na malalagpasan ito ng mga Dabarkads niya sa naturang noontime show.

Aniya, “Siyempre nababalitaan ko ang mga nangyayari. Wala po kasing definite na sinabi sa amin kung ano po talaga ang estado nila ngayon dahil the last time na nakapag-Eat Bulaga! kami was nung Feb pa.

“Nung time na yun, hindi pa pinag-uusapan yung issue. So, dahil nandun pa kami sa tapings, wala po kaming idea kung ano po ang nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But, kung ano man po yung pinagdadaanan po nila, kung ano mang klaseng pagsubok po yan, I’m sure malagpasan po nila yun.

"Kasi 44 years na ang Eat Bulaga!, sa dinami-dami ng taong yun, sigurado mas marami po silang pagsubok na pinagdaanan na higit pa diyan.

“So, alam po namin na malalapagpasan po nila yan.”

Para naman kay Bianca, ramdam daw niya ang nararamdaman ngayon ng mga Dabarkads niya, bilang napamahal na sa kanya ang Eat Bulaga!.

“Ruru and I, we both love Eat Bulaga!, and I also love the relationship that I have with Mr. T [Tony Tuviera], mga Dabarkads, and everyone else.

"Sa lahat po na mga taong nasa loob ng APT, mahal po namin sila. Kung ano man po yung pinagdadaanan ng pamilya ngayon, of course we are one with them.

“We feel deeply as much as they do. And sa atin, hindi lang po kami nakapag-Eat Bulaga! ngayon because we are focused on taping our show. But hopefully, everything gets better,” saad ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ang usap-usapan, baka kumuha ang bagong management ng Eat Bulaga! sa Sparkle talents.

Kung kasama sina Bianca at Ruru sa kukunin, tatanggapin kaya nila ito para sa rebranded na Eat Bulaga! na maaaring iba na ang mga kasama at mga staff na makakatrabaho?

Ayon kay Bianca, “Sa ngayon po siguro, that will depend. Ayoko naman pong sabihin, hindi. Ayoko naman pong sabihin, oo. But we’ll see. Mahal naman po namin ang Eat Bulaga.”

Tugon naman ni Ruru, “Siyempre for us, blessing po yan, e. Trabaho po yan.

"So, kung ano po yung i-offer sa amin, titingnan po namin kung alam po namin na makakatulong din po sa amin, and at the same time gusto po namin yung ginagawa po namin. Siguro dun lang.

“When it comes naman sa trabaho… I mean, siyempre may say po kami, pero still, pinaparating pa rin po namin sa management po namin.”

Abang-abang tayo sa mga bubulagang pagbabago. Inihahanda na kaya ang theme song ng rebranded Eat Bulaga!?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Eat Bulaga! relaunching, nakatakda sa April 17?

NOEL FERRER

Nang makausap ko mismo sina Ruru at Bianca, hindi nga rin sila aware sa tunay na mga issue kasi they are deep into taping of their teleserye The Write One.

Ang nasabi lang talaga nila, “Pamilya namin ang Eat Bulaga! and we hope malagpasan at masolusyunan ng grupo ano man ang pinagdadanan nito.”

Of course, kitang-kita na masaya sila noong nagge-guest co host sila — at naging masang-masa sila at accessible sa mga tao.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid on issues that Eat Bulaga! are facing now: "Kung ano man po yung pinagdadaanan po nila, kung ano mang klaseng pagsubok po yan, I’m sure malagpasan po nila yun. Kasi 44 years na ang Eat Bulaga!, sa dinami-dami ng taong yun, sigurado mas marami po silang pagsubok na pinagdaanan na higit pa diyan."
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results