PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca Umali on 2019 Ruru Madrid incident

Bianca admits she and Ruru broke up after the incident.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 7, 2023
Bianca Umali on Ruru Madrid's car hit issue
Bianca Umali on issue about the time she almost hit Ruru Madrid with her car due to jealousy: "To clear things out, there was an incident. Pero yung lahat po nung lumabas na istorya na nababasa niyo to the point na muntik ko nang masagasaan, it was exaggerated at some point."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube

Nagsalita na si Bianca Umali patungkol sa isyu noon na muntikan na niyang masagasaan ang boyfriend na si Ruru Madrid.

Matinding selos umano ang itinuturong dahilan ng insidente, ayon sa ulat ng Cabinet Files ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong November 6, 2019.

Kuwento ng mga nakasaksi, nangyari ang insidente sa parking lot ng SM Megamall noong gabi ng November 5, 2019.

Dumalo noon si Bianca sa premiere night ng Cara X Jagger, ang pelikula ng APT Entertainment at Cignal Entertainment na pinagbidahan nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith.

Ayon sa isang eyewitness na nakasaksi sa insidente, naunang lumabas ng sinehan si Bianca.

Ang akala ng lahat ay umuwi na ito kaya't ganoon na lamang ang kanilang pagkagulat nang biglang lumitaw si Bianca sa parking lot at silipin nito ang sasakyan kung saan sakay sina Ruru, Jasmine, at Direk Ice Idanan.

Lahad ng eyewitness sa Cabinet Files: "Nasa unahan si Ruru at nagsisiksikan sa likuran si Jasmine at ang ibang kasama nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pupunta sila sa after-party ng Cara X Jagger.

"Biglang dumating si Bianca, sumilip sa bintana ng sasakyan at sarcastic na nagsabi ng 'Congrats, ha?' sabay talilis pabalik sa kanyang kotse.

"Bumaba si Ruru mula sa sasakyan, sinundan niya si Bianca.

"Pero nang buksan nito ang kotse, itinulak niya si Ruru saka pinaandar ang sasakyan.

"Muntik nang masagasaan si Ruru."

Diumano, selos kay Jasmine ang dahilan kung bakit nagawa ni Bianca ang hindi inaasahang eksena.

Read: Ruru Madrid, muntik nang masagasaan ni Bianca Umali dahil sa selos?

BIANCA UMALI FINALLY ADDRESSES THE ISSUE

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 7, 2023, naungkat ang insidenteng ito nang maging guest si Bianca sa Kapuso showbiz talk show.

Tinanong ng host na si Boy Abunda si Bianca kung siya ba'y selosa.

Sagot ng aktres, "Oo."

Pag-uusisa ni Boy: "Let's address the elephant in the room. People are talking about a inncident na nangyari sa likod ng Megamall kung saan nagselos ka at muntik mong sagasaan si Ruru.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tama ba yung narrative na yon, mali ba, pagseselos ba yon? Was that declaring 'This is my territory and nobody messes with me'? What was that?"

Nagawa pang magpasalamat ni Bianca ala-beauty queen sa tanong ni Boy bago niya ito sagutin.

Sabi ng Kapuso actress, "Thank you very much for a wonderful question, Tito Boy. I love it!"

Inamin ni Bianca na mayroon ngang ganoong insidente.

Saad niya, "To clear things out, there was an incident.

"Pero yung lahat po nung lumabas na istorya na nababasa niyo to the point na muntik ko nang masagasaan [si Ruru], it was exaggerated at some point."

Paliwanag pa ni Bianca, pinili niyang huwag nang magsalita noon dahil naniniwala siyang hinusgahan na siya agad ng iba.

"I did not talk about it anymore, kasi I don't see the point of clearing the story ng side ko, e, sa lahat ng tao.

"So, I just let it be na ganon yung tingin nila, but yes, there was an incident."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sundot na tanong ni Boy, "Selos yon?"

Mabilis na sagot ni Bianca, "Mayroong history na pinanggagalingan. May pinanggagalingan."

Hindi na pinangalanan ni Boy kung sino ang itinuturong pinagseselosan ni Bianca. Pero aniya, maraming nakakita sa insidente dahil nangyari ito sa pampublikong lugar.

Tanong pa ni Boy, "People started to talk, people started to speculate... So, mayroong history ng pagseselos, may dahilan ka kung bakit nagselos ka?"

Sagot ni Bianca, "Yes... I think kaya ko nasasabing selosa ako, especially when it comes to my relationships, is because ganoon po ako kagrabe magmahal that I am territorial.

"And yung pagkaselosa ko po, alam ko na nasa lugar. Kapag alam ko na mayroon akong pagseselosan, doon ako nagseselos, and I have been right all the time."

Nakangiting dagdag niya, "He [Ruru] knows that."

BIANCA-RURU BREAKUP

Pagbubunyag pa ni Bianca, pagkatapos ng insidente ay nagsimulang magkalamat ang kanilang relasyon hanggang sa maghiwalay sila.

Tanong ni Boy, "You guys admitted na naghiwalay kayo panandalian. What was that about?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Bianca, "Yes, after the Megamall incident...

"That was eight months din. Almost a year, we had to."

Read: Ruru Madrid on Bianca Umali: "Sana siya na talaga yung babae na nakatakda para sa akin."

Nanaig daw ang kanilang pagmamahalan kaya't pinilit nilang maayos ng kanilang relasyon.

Sunod na tanong ni Boy, "But you were in touch? Paano naayos?"

Sagot ng Kapuso actress, "We were in touch kasi ganun namin kamahal yung isa't isa, Tito Boy.

"I mean, even ako, kahit na in times na nasasaktan ako, kapag mahal kita, mahal kita e. Okay lang na masaktan ako, it's part of it.

"So, we were in touch, but Ruru did everything that he could to save the relationship and to win me back.

"And I did so much work also to forgive and to say na, 'Okay, let's start again, because I love you.'"

COMMUNICATION IS THE KEY

Ayon pa kay Bianca, sa lahat ng pinagdaanan nila ng nobyo ay isa lamang ang kanilang natutunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ruru Madrid on girlfriend Bianca Umali: “Araw-araw ita-trato kita bilang Reyna ng buhay ko”

Aniya, "That's how important communication is for our relationship. Especially at this point na we're transitioning to adulting talaga as a couple.

"So, malaking bagay sa amin na palagi kaming nag-uusap at handa kaming pakinggan at tanggapin kung ano yung sinasabi o nararamdaman ng isa."

Read: Ruru Madrid on Bianca Umali being 'the one': "Parang lahat ng gusto ko sa isang babae ay nasa kanya na."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Umali on issue about the time she almost hit Ruru Madrid with her car due to jealousy: "To clear things out, there was an incident. Pero yung lahat po nung lumabas na istorya na nababasa niyo to the point na muntik ko nang masagasaan, it was exaggerated at some point."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results